"Babaita anyare sayo?"
Tinanggal ni Ronchie ang kamay mula sa ulo ng marinig ang boses ng kapatid ang isang kamay ay nanatiling nakakapit sa railing ng hagdan para mabalanse ang sarili. Bigla kasi siyang nahilo.
Mabilis naman siyang dinaluhan ng kapatid. "Wala ate! Bigla akong nahilo" ng mawala ang hilo ay bumitiw siya sa pagkakapit sa hagdan. "Okay na ako te" ngunit nanatiling naka alalay sa kanya ang kapatid hanggang makababa siya.
"Bat ba ang aga mong gumising? eh wala ka namang pasok?" litanya ni Rochelle. Sinusundan siya hanggang sa kusina.
Nagningning ang kanyang mga mata ng buksan niya ang Ref. "Di ba ako ang tatao ngayon sa Carinderia?" Kelan pa nagstock ang mga kasama niya ng Ice cream sa bahay at Avocado flavor pa. Kaswerte niya. Nilagyan niya ang baso at agad na nilantakan ito.
"Magpahinga ka nalang dito sa bahay. Meron ng tumatao doon"
Bumaling siya sa kapatid habang dinidilaan ang kutsara "Himala, si Nanay kumuha ng kasama? Eh Kuripot yun?"
"Hindi naman niya suswelduhan, libre..."
Hindi makapaniwalang ngumiwi siya "Saan ka ba naman makakhanap ng libreng tatao sa Carinderia ngayon? Nuh yun pati sa Carinderia open na din ang OJT"?
Napansin niyang nilabas ng kapatid ang maruruming damit niya "Gagawin mo sa mga damit ko Te?"
Tumaas ang kilay nito "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa maruruming damit? Ikaw kung gusto mong itapon ko?" papilosopong saad nito.
Napalabi nalang siya. Nitong mga nakaraang araw ni halos hayaw siyang pakilusin para sa gawaing bahay. Hindi na siya binubungangaan ng Nanay niya kapag late siyang gumising. May dumating bang Alien sa bahay nila at pinalitan ang mga ito?
Umiling siya at napahaplos sa braso ng bigla siyang kilabutan. Kung ano anung kaweirduhan ang naiisip niya.
Kumalansing ang kutsara ng mabitawan niya ito. Tumakbo siya sa lababo ng biglang bumaliktad ang sikmura niya.
Halos maisuka na ata niya pati bituka niya. Nanghihina syang napakapit sa lababo ng maramdaman ang haplos ng kapatid.
"Dadalhin na ba kita sa ospital?"
Umiling siya bilang pagtanggi. "Baka iba lang ang tanggap ng tiyan ko sa Ice cream, maya maya okay na ko Teh" Tuwing umaga lang naman kasi siya nasusuka minsan nga nagtataka siya dahil ang mga pagkaing dati ayaw niya ngayon ay masarap na sa kanyang panlasa. Para tuloy siyang nagli---
Naglilihi?
Napakagat labi siya at napatingin sa kalendaryo sa dingding. April 2? Magdadalawang buwan ng hindi dumarating ang dalaw niya. Regular ang dalaw siya buwan buwan kaya nakapapagtakang wala ito, hindi kaya buntis siya?
Bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Kailangan niyang makasiguro.
Nagpaalam siya sa kapatid na may bibilhin lang sa labas. Agad siyang nagbihis at nagtungo sa Pharmacy. Bumili siya ng tatlong piraso ng Pregnancy Test at agad ding umuwi.
Nang makaakyat siya sa kanyang kwarto ay nagtungo siya sa banyo. Bawat segundo ay napakabagal habang nakatitig siya sa maliit na puting bagay sa kanyang kamay.
Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Parang kinapos siya sa paghinga ng matapos gumuhit ang isang linya ay nadagdagan pa ito ng isa. Noong una ay malabo pa ngunit pagdaan ng bawat segundo ay luminaw ito.
Dalawang linya...
Positibo buntis nga siya!
Nanghihina siyang napaupo, halo ang kanyang emosyon. Takot, paano niya sasabihin sa mga magulang? Sigurado siyang madi-disappoint ang mga ito. Kaba, kaya na ba niyang paindigan ang pagiging isang Ina? And lastly she felt excited! Tanga na siguro kung tanga pero pakiramdam niya ang batang nasa sinapupunan niya ang pumuno sa kahungkagan sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.