The Story Behind

22.4K 678 23
                                    

Halos mabasag lahat ng gamit sa bahay ni Quen. Bawat madampot niya ay inihahagis niya. He was so frustrated! Lahat na ng paraan ginawa niya para mahanap si Ronchie pero walang nangyari. 

He was clueless!

She disappeared like a bubble!

D*mn! Where is she???

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Lumipas na ang maghapon but he couldn't find any traces. Kinakalawang na ba ang kakayahan niya? D*mn!

Susuntukin niya sana ang dingding ng makarinig ng katok sa pinto. Hindi na niya kasi isinara ang gate ng bahay para malayang makapasok ang pamilya ni Ronchie. "Pasok!" hindi na siya nag abalang ayusin ang mga nagkalat na gamit.

Iniluwa ng pinto ang ama ni Ronchie. Napatda ito ng makita ang loob ng kanyang bahay. "Pasensya na ho..." hindi niya alam ni Quen kung para saan ang paghingi niya ng dispensa. Kung sa nagkalat na mga gamit sa kanyang bahay oh kung dahil sa pagkawala ni Ronchie. 

Lumapit ito at marahan siyang tinapik sa braso. "Okay lang ba?" anito na nakatingin sa alak sa kanyang mesa. Agad niyang naintindihan na nanghihingi ito ng pahintulot. Marahan siyang tumango. Kaya nagsalin ito ng alak sa baso at ininom ito.

"Kumalma ka na iho, tumawag na siya kanina"

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig ang sinabi ng matandang lalake. "Kanino ho tumawag? Asan daw ho siya?" magkasunod na tanong niya sa matandang lalake.

Muli itong nagsalin sa baso ng alak "Tumawag siya sa kapwa niya guro. Nagpasabi na hindi muna makakapasok ng ilang araw" bumuntong hininga ang ama ni Ronchie. "Maaring may pinagdadaanan siya ngayon at gusto muna niyang mapag isa. Pasasaan ba't magsasabi din ang batang yun" umiinom ito ng alak mula sa baso.

Napakuyom ang kamao ni Quen knowing Ronchie's safe is not enough. Kailangan niyang makita ang dalaga ng mapanatag ang loob niya. 

"Mahal na mahal ko ang pamilya ko Iho, lahat ng hirap tiniis para sa kanila mabigyan ko sila ng hindi man marangya ngunit maayos na buhay. Ayoko silang nasasaktan, mas mabuting ako nalang. Huwag lang sila. Kaya hindi ko ipinaalam sa kanila na nakulong ako ilang taon na ang nakaraan"

Biglang natigilan si Quen at dumilim ang anyo. Naglabasan ang mga ugat niya sa kamay dahil sa pagkakakuyom.

"Nasangkot ako sa isang aksidente. Pagliko ko meron akong nasalubong na kotse, dahil Trailer truck ang minamaheno ko kahit nakapagmenor ako ay hindi ko naiiwas. Sumalpok parin sila sa truck. Ang unang pumasok sa isip ko at takbuhan nalang sila. Paano ang pamilya ko kapag nakulong ako? Ngunit ng makita ko ang duguan nilang mukha at ang bata sa likod. Nanaig ang konsensya sa isip ko. Agad akong tumakbo hindi para tumakas kundi humingi ng tulong" Biglang lumarawan ang lungkot sa mga mata ng matandang lalake "Ngunit huli na ang lahat wala ng buhay ang mag asawa, mabuti nalang at nakaligtas ang bata"

Gumalaw ang panga ni Quen at pinilit na kontrolin ang galit. Maging ang luhang nais ng tumakas sa kanyang mga mata. Gusto niyang isigaw sa pagmumukha nito na siya ang batang iyon.

"Agad akong sumama sa mga Pulis. Nakulong ako habang nagiimbestiga sila sa nangyari. Sa kulungan ay wala akong ginawa kundi magdasal na ingatan ang pamilya ko at ang iligtas ang batang iyon. Makalipas ang ilang araw ay nagulat ako ng biglang sabihin ng warden na malaya na daw ako. Sinadya daw palang tanggalan ng preno ang kotse ng mag anak"

Humulagpos sa kamay ni Quen ang basong akma sana niyang sasalinan ng alak. Parang bombang sumabog sa kanyang tenga ang sinabi ng matandang lalake. "Sinadyang tanggalan ng preno?" bawat salita niya ay may diin ang pagkakabigkas. 

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon