Their Identity

23.5K 640 26
                                    

Napahawak sa bibig si Ap sa nalaman kay Jenna tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Quen. Lumaki silang walang narinig mula sa mga magulang. Basta ang alam lang nila ay namatay ang mga ito dahil sa aksidente.

"I was also shocked couz!" hindi makapaniwalang saad din ni Jenna sa kanya.

"Nalaman mo kung sino ang may sala sa pagkawala ng preno nila?" 

Umiling si Jenna "Look's like Tito Zion secured everything"

Napabuga ng hangin si Ap "Kailangan nating malaman kay Papa ang totoo" kapakanan na ng mga inosenteng tao ang nakasalalay maging ang kaligayahan ng pinsang si Quen. Kung sana nalaman nila ng mas maaga aga, naagapan pa sana nila. Pero nangyari na, sabi nga nila lahat ng bagay nangyayari dahil may rason. 

"Uwi tayo sa Mansion!"

"Punta tayo sa Mansion!"

Magkasabay pa nilang bulalas na magpinsan. 

"Tatawagan ko lang si Caleb" paalam ni Jenna kay Ap.

Ap nodded "I'll contact Dwayne too"

Matapos mag paalam sa kanilang mga asawa ay lumulan na sila sa kanya kanyang sasakyan.

***

Tinanggal ni Ronchie ang nakatalukbong na kumot sa kanyang mukha at napaupo. Pahinamad siyang napasandal sa headboard ng kama.

Kumusta na kaya ang kanyang pamilya? Kumudlit ang konsesnya sa kanyang dibdib ng maala ang ama at ina. Sigurado siyang sobra na ang pag aalala ng mga ito lalo na ang kanyang ina.

Tama ba na dumito muna siya?

Eh si Quen hindi mo ba kukumustahin? tudyo sa kanya ng isang bahagi ng isip.

Mapait siyang napangiti, bakit sa kabila ng mga nalaman, sa kabila ng sakit na ipinaranas nito sa kanya sumasagi parin sa isip niya ang binata? 

Ang tanga mo lang Ronchie! Nag init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Napasinghot siya at napagpasiyahang tumayo. Naglakad siya patungo sa bintana para sumagap ng hangin. Dahil pakiramdam niya kinakapos na naman siya ng hangin sa katawan sa sakit na nararamdaman ng sumagi sa  isip ang binata.

Ipinatong niya ang kamay sa bintana at nangalumbaba. Maliwanag ang paligid ng kabahayan dahil sa mga kumukuti kutitap na Christmas lights. Oo nga pala ilang araw nalang pasko na, muntik na niyang makalimutan. 

Noong bata siya pagsapit palang ng Ber Months excited na siya dahil alam niyang makakatanggap siya ng regalo kay Santa. Maibibili sila ng bagong damit at laruan ng Ate Rochelle niya. Kahit na parang aso't pusa silang magkapatid kapag malapit na ang pasko sila nagbobonding ng todo dahil iniiwasan nilang mag away sa abot ng kanilang makakaya. 

Sabi kasi ni Nanay ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan. Napangiti siya ng mapait, noon lang yun! Iba na ngayon! Si Santa ay ang tatay niya pala. Sinasamantala nitong maglagay ng regalo sa medyas na sinasabit nilang magkapatid sa pinto kapag tulog na sila.

Pagmamahalan? Bakit hindi siya nagawang mahalin ni Quen kahit ngayong pasko lang? 

Tsk! Hugot kung hugot eh!

Napaayos siya ng tayo ng makitang palabas si Ap. Huminto ito sa tapat ng poste maliwanag na Parol at tila may inaantay. 

Dumating na kaya ang asawa nito?

Napabuntong hininga siya at nananghiling pinagmasdan ang babae. Ang ganda ganda talaga nito at ang swerte pa sa lovelife!

Saglit siyang napatingin sa kalangitan, Lord naman bakit hindi mo ako ginising ng magsabog ka ng biyaya?

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon