Naalimpungatan si Quen ng makaramdam ng mumunting kamay na marahang humahaplos sa kanyang mukha. Kasunod nito ay ang pagdapo ng malambot na labi sa kanyang noo. Kahit nakapikit ay gumuhit ang kontentong ngiti sa kanyang mga labi. His son and wife was the most precious thing he have in life.
Naramdaman niyang gumapang ang anak patungo sa kanyang dibdib "da da da da" his heart swelled with joy. His son Quentin was now 9 months old. Nagsisimula na din itong matutong magsalita. Time passed so quickly!
Matapos malaman na mahal din siya ni Ronchie ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang nagpunta sa pamilya. He asked his Tito Zion and Althea's blessing to marry Ronchie.
"Tito, Tita I'm gonna marry Ronchie..." hindi na siya nagpatumpik tumpik na sabihin sa kanyang Tiyahin at Tiyuhin na nagsilbing mga magulang niya. Kaharap niya ngayon ang buong pamilya sa hapag.
He nervously tapped his fingers in the table ng wala siyang matanggap na reaksyon mula sa mga ito pati sa mga pinsan. Nagpatuloy lang ang mga ito sa pagkain. Napainom siya ng tubig ng wala sa oras. D*mn! What's wrong with them?
Naglakas loob siyang muling magsalita "Guys I'm gonna marry Ronchie!" hindi na niya napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses. He was pissed and nervous at the same time. Hindi ba tanggap ng mga ito na papakasalan niya ang dalaga? He shook his head trying not to entertain those negative thought.
"You sure?" seryosong saad ng Tiyahing si Althea.
Quen nodded "So sure!" sinalubong niya ang blangkong tingin ng Tiyahin "I love her Tita"
"Fine!" tipid nitong saad.
He was sweating bullets "Fine? Just fine?" hindi makapaniwalang tanong niya sa Tiyahin. He's starting to feel disappointed. Bakit parang walang pakialam ang mga ito? "Look If you don't like her----" naputol ang sasabihin niya ng sabay na padarag na tumayo sina Ap at Storm.
"Bakit ngayon lang? Ang bagal mo Kuya!" nakataas ang kilay na saad ni Storm
Ap glared at him "Everything was prepared a Month ago!"
"What?" naguguluhang tanong ni Quen sa dalawa. His mind wasn't functioning properly hindi niya magets ang sinasabi ng pinsan.
Thor shook his head "Poor Quen, na-inlove lang naging slow na"
Zeus cleared his throat at gumuhit ang mapang asar na ngiti sa mga labi "Sino kayang slow?" parinig nito sa pinsang si Thor. Na agad namang sinamaan ng tingin ng huli.
"Sweety oh si Thor" parang batang sumbong nito sa asawang si Harmony.
Doon na hindi napigilan nila Caleb at Dwayne ang tumawa. Wew! This family is crazily amazing. Alam nilang kanina pa pinagtri-tripan ng mga ito ang bayaw na si Quen. By looking at his face hindi maiwasang maawa at matawa. Butil butil na ang pawis nito mukhang hindi pa nito nage-gets ang nangyayari. Sabay pa silang napatingin sa mga asawa at natatawang umiling. Pati sila ay nahahawaan ng kabaliwaan ng mga ito.
Lalong nangunot ang noo ni Quen ng tumawa ang dalawang bayaw. Anong tinatawa-- wait! Isa isa niyang tinignan ang mukha ng mga kasama sa mesa. Kung kanina ay puro blangkong ekpresyon ang nasa mukha ng mga ito ngayon ay may nakakalokong ngisi na sa labi.
D*mn! They we're playing at him!
"Oh looks like the genius has come back to his senses!" sinundan pa ito ng ni Zion ng halakhak.
"Congrats Kuya!" sabay na saad ni Ap at Storm na ngayon ay nakakapit na sa kanyang magkabilang braso. Binigyan siya ng mga tig - isang yakap.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.