Pasok na pasok

24.4K 608 40
                                    

Tuluyan na ngang nakansela ang kanilang klase ngayong araw. Itinaas na ang signal number 2 sa kanilang lugar. Hindi na din sila nagbukas ng kanilang Carinderia. Isa lang ang ibig sabihin hindi niya makikita si Quen ngayong araw.

Kumusta na kaya ang binata? Gising na ba ito? Nananghalian na ba ito?

Napabuga siya hangin at ginulo ang kanyang buhok. Bakit ba kasi hindi niya kinuha ang cellphone number nito? 

"Mam ano pong nangyayari sa inyo? Masakit po ba ulo niyo?" bakas ang pag aalalang tanong ni Jhen sa kanya. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ito sa kwarto niya.

Napangiwi siya "Ah-- hindi naman! Makati lang ang ulo ko" sagot niya. Kinamot kamot pa niya ang ulo para maniwala ito.

"Tawag po kayo sa baba Mam, merienda daw po tayo"

"Sige susunod na ako"

Akala niya ay lalabas na ito ngunit nanatili itong nakatayo sa harap niya. "Mam---" alanganing panimula nito sa sasabihin. "kum-- kumusta na kaya sila Nanay?" kumislap ang kalungkutan sa mga mata nito. 

"Halika nga dito" tinapik niya ang espasyo sa kanyang tabi. Nang makaupo ito ay hinaplos niya ang buhok ng bata. "Gusto mo na bang umuwi?"

Sunod sunod itong umiling "hindi po, nag aalala lang po kasi ako sa kanila"

"Hindi ka ba galit sa kanila?"

Kumuyom ang mga kamao ng bata ngunit umiling ito. "Magulang ko pa din po sila"

Napangiti siya sa murang edad nito napakalawak na ng pang unawa nito. Alam niyang malayo ang mararating nito sa hinaharap.

"Tama yan... hindi ka dapat magtanim ng sama ng loob. Dahil kahit bali baliktarin mo pa ang mundo magulang mo pa din sila. Darating din ang panahon na mare realize nila ang pagkakamali nila. Sa ngayon ang isipin mo ang pag aaral mo. Hanggat nandito ako susuportahan kita, huwag kang mahihiya dahil parte ka na ng pamilya namin"

Niyakap siya ng mahigpit ng bata "Salamat po Mam" naiiyak nitong wika.

Tinapik tapik niya ang likod nito "Tara na... baba na tayo?" aya niya dito dahil pati siya ay nagbabadya na ang mga luha. Bukas ay makikibalita siya sa mga magulang nito.

Kumalas sa kanya ang bata at tumango. 

***

"Chichay ikaw ba eh may kasintahan na?" usisa ng Ama. Kasalukuyan silang naghahapunang mag anak. "Dalhin mo dito ng mabistahan"

Napangiwi siya, hanggang ngayon ay Chichay parin ang nakasanayang tawag sa kanya ng Ama. "Wa---"

"Malapit na Tay! Kapag napasagot niya yung poging nakatira sa malaking bahay sa tapat ng Carinderia magkaka boypren na yan sa wakas" tawa tawang alaska ng kapatid.

Sinimangutan niya ang kapatid. "Te, si Chichay ka ba?"

Sasagot pa sana ang kapatid ng makarinig sila ng sunod sunod na katok. Nagtinginan silang mag anak.

"Rochelle buksan mo nga ang pinto!" utos ni Aling Gloria.

"Bakit ako Nay? Ako nalang lagi? Si Ronchie naman! Tsaka may napapanood ako sa Facebook merong daw killer clown na gumagala " isiniksik ni Rochelle ang katawan sa upuan.

"Bakit mo pinapasa saken? Paano kung yung killer clown yan? Si Tatay nalang!"

Tumayo ang Ina at binigyan ng tig isang hampas sina Rochelle at Ronchie.

"Aww!"

"Aray!"

"Ke tatanda niyo na nagpapaniwala kayo sa kalokohang yan! Ang sabihin niyo tinatamad lang kayo!" gigil na saad ni Aling Gloria sa mga anak. Kukurutin pa sana niya ang dalawa ng pinigilan siya ng asawa.

"Gloria naman hindi ka na nasanay sa mga anak mo. Ako nalang..." Palihim na sinenyasan ni Rodrigo ang mga anak na tumahimik. Tumayo siya at nagtungo sa pintuan para buksan ito.

Taliwas sa sinasabi ng mga anak hindi naman isang Clown ang kanyang napagbuksan kundi isang napakakisig na binata. "Anong kailangan mo iho?"

Ilang segundo itong nanatiling nakatatitig sa kanya. 

"Tay sino yan?" sigaw ni Ronchie

"Anong pangahalan mo iho?" muli niyang tanong dito. 

"Quen ho, Quen Sarmiento" may diing bigkas nito sa pangalan.

"Quen daw!" pasigaw din niyang sagot sa anak.

Napamulagat si Ronchie sa narinig. Biglang dumagundong ang puso niya. Agad siyang napatayo at malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. 

Omooooo! Si Quen ngaaaaa!

Napakunot ang noo niya ng mapansing mataman itong nakatitig sa kanyang Ama. Madilim ang mukha nito at tila nag aapoy sa galit ang mga mata nito.

Galit? Napakurap kurap siya baka halusinasyon niya lang ang lahat. Sa huling pagbukas niya ng mata ay may tipid na itong ngiti sa mga labi.

Hinawakan niya sa braso ang Ama "Anong ginagawa mo dito? Nga pala Tatay ko, kakauwi lang niya kaninang umaga. Sa Pangasinan kasi siya nadestino" pagpapakilala niya sa ama kay Quen.

Nagkamay ang dalawang lalake "Pumasok ka na iho" 

"Salamat ho"

Nag paalam ang kanyang ama at nauna ng naglakad papasok. Samantalang naiwan pa sila ni Quen.

"Anong ginagawa mo dito?" pag uulit ni Ronchie sa tanong kanina sa binata. "Kumain ka ba?" Pinipigilan niya ang sariling tawirin ang distansiya nila. Maghapon lang niyang hindi nakita ang binata ngunit miss na miss na niya ito. Sisihin niyo ang Anaconda nito! Hihihi. Namula siya sa kapilyahang naisip.

Nag somersault ang puso niya ng sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Hinila siya nito pakubli sa pinto. Mabilis siya nitong hinalikan "I miss you!" Bahagya nitong diniin ang sarili sa kanya "See?"

Nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa bibig. He's hard down there! Biglang parang gustong manlambot ng tuhod niya. 

"Ronchie hindi mo pa ba papasukin ang bisita mo?" sigaw ng kanyang Ina. 

Kagabi ko pa siya pinapasok ng bongga nay! 

"pasok na tayo?" Hindi siguradong turan niya habang nanatili sa mga bisig nito. Pwede bang dito nalang siya forever?

Mabilis ulit siya nitong hinalikan. Napahagikgik siya at pabebe itong hinampas sa dibdi. Awww syeeet ang tigas!  "Anu bey makita tayo nila mom at dad! hihihi." 

Pinakawalan siya ni Quen mula sa mga bisig "Tara na nga! Baka mamaya hindi ako makapagpigil iba pa ang pasukin ko..." seryosong saad nito ngunit may pilyong kislap sa mga mata.

Gawwwwwd! Quen my labs! Sabihin mo lang ibubuka ko agad agad...

Ang pintuan ng puso ko ng swabeng swabe at pasok na pasok kapag pumasok ka... hihi

Malala ka na Ronchie! aniya at palihim na binatukan ang sarili.

***

Happy Monday guys!

Pasilip silip na si haring araw parang kahapon lang binaha kami tsk!

Mabuti nalang mabilis ding bumama yung tubig.

Pasaway kasing Karen! 

Now Lawin is approaching wew!

Sana hindi na kasing lala ni Karen.

Fighting guys!

Shy___



Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon