Langit

22.1K 541 15
                                    

"You ca't blame gravity

For falling in love"

-Albert Einstein

Maluwang ang ngiti ni Ronchie habang naglalakad papasok sa pinagtuturuan. Hindi parin siya makapaniwalang nagustuhan ng binata ang niluto niya noong nakaraang araw. Akala niya kinabukasan ay babalik na naman si Quen sa pagiging masungit nito sa kanya, ngunit laking gulat niya ng mag volunteer ulit itong samahan siya sa pamamalengke. 

Di lang siya naka discount may gwapo pa siyang taga buhat. 

"Wuy Mam mukhang maganda ang araw natin ngayon ah?"

Muntik na siyang madapa ng biglang may sumiko sa kanya. Paglingon niya ay ang lukaret na kaibigang si Rona.

Kinindatan niya ito "Medyo!" kinikilig niyang sagot sa kaibigan.

Pabirong hinila ni Rona ang ilang hibla ng kanyang buhok "Luma love life ka na din Mam?" impit na tili nito.

Iniligay ni Ronchie ang hintuturo sa kanyang bibig "Shhhhh huwag kang maingay baka maudlot"

Isinukbit ni Rona ang mga kamay sa braso ni Ronchie "Sabihin mo muna sa akin kung sino"

Nilapit ni Ronchie ang bibig sa tenga ng kaibigan "Sekretong malufet!" natatawang bulong niya. 

Napahigpit ang kapit ni Ronchie kay Rona ng malapit na sila sa gate ng Eskwelahan. Bigla kasing bumilis ang kabog ng dibdib niya ng makita si Quen na nakatayo sa gilid nito.

Where ever he is, he always stands out dahil sa taglay nitong kagwapuhan. 

"Good morning Mam" bati ni Quen ng makatapat na sila dito.

"Kung ikaw ba naman ang laging sasalubong sa amin pagpasok eh laging good ang morning!" pacute na pahayag ni Rona dito. 

Kinurot ni Ronchie ang kaibigan kaya napangiwi ito. "Good morning!" inabot niya ang dalang paper bag sa binata "Heto pala pinapabigay ni Nanay, pasasalamat daw niya sa pagsama mo sa akin sa palengke"

Tumaas ang dulo ng labi ni Quen at kinuha ito "Paki sabi kay Aling Gloria salamat"

"Uhhhh! Si--ge" hinatak niya siya si Rona at kinaladkad palayo sa binata.

"Aww teka dahan dahan ka naman Mam, nagmamadali? Hindi pa tayo late!" reklamo ng kaibigan.

Nang makarating sila pasilyo ay binitawan niya ang kaibigan. 

Humihingal na napasandal siya sa pader at impit na tumili. 

Amfufu simpleng ngiti palang pero nag wawala na ang puso niya.

Ilang ulit na napabuga siya ng hangin "Rona ang puso ko!" sumisinghap na bulalas niya.

Natatawang mahina siyang hinampas ni Rona "Madami kang ikwekwento sa akin mamaya. Sige na! Sulitin mo muna ang kilig mo, una na ako" 

***

Kasalukuyang isinasalansan ni Ronchie ang mga papel ng kanyang mga estudyante. Katatapos lang niya itong i-tsek ng mapansing si Jhen na nakaupo sa sulok. Napakunot siya ng noo, lunch break na bakit hindi pa ito lumalabas? 

"Jhen? Bakit hindi ka pa lumalabas? Hindi ka pa ba nagugutom?"

Yumuko ito kaya tumakip ang mahabang buhok sa mukha "Mam hindi pa po!" sagot nitong hindi lumilingon sa kanya.

Curious siyang tumayo at nilapitan ito "May problema ba?"

Hindi nag aangat ang mukhang umiling  "Wala po Mam" gumalaw ito patagilid sa kanya kaya bahagyang tumaas ang manggas ng uniform nito.

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon