Finding Ronchie 2

23.3K 628 40
                                    

Madilim na ngunit ipinagwalang bahala lang ni Ronchie. Ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad. Ni hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa.

Ang tanga tanga naman kasi niya. Magwo walk out siya pero hindi niya dala ang bag maski ang cellphone. Kung may naibulsa man lang sana siyang pamasahe.

Gusto niyang kapalan ang mukha at bumalik sa bahay ni Ap, ngunit hindi nga niya alam kung saang bahay siya lumabas. Sa dinami dami ba naman ng malalaking bahay+ sa subdivision alangan iisa isahin niya mapagkamalan pa siyang magnanakaw. 

Pira piraso na nga ang puso niya makukulong pa siya? 

Ang saklap naman ng buhay!

Kung hindi ka lang naman kasi tanga Ronchie! sisi niya sa sarili.

Bigla siyang kinabahan ng may mamataang nag iinuman sa di kalayuan. Dahil abala sa pag iisip ng kung anu ano hindi niya namalayang nakalabas na siya ng eklusibong subdivision. Malayo palang ay halata mong lasing na ito.

Hindi naman siguro  siya pagdidiskitan ng mga ito. Hindi naman siya kaganda--- napangiwi siya ng mapagmasdan ang sarili. Suot pala niya ang binigay na bestida ni Ap kanina. Hapit ito sa kanyang katawan at umabot hanggang tuhod. Nilalaro ng hangin ang tela nito kapag naglalakad siya. Nagmukha tuloy siyang mayaman! 

Napalingon siya sa pinaggalingan, kung babalik siya mas madilim wala siyang mahihingan ng tulong kung sakali, kung didiretso naman niya bukod sa madadaanan niyang nag iinuman ay mga bahay siyang madadaanan sa di kalayuan.

Pumikit siya ng mariin at pinuno ng hangin ang dibdib pagkatpos ay ibinuga ito. 

Ronchie kaya mo yan! Minamalas ka lang ngayon!

Pampalakas niya ng loob. 

Mabilis ang mga hakbang na naglakad siya! Ni hindi na niya tinignan ang mga mukha ng mga ito.

Malapit na siyang makalagpas ng biglang may humarang sa kanya. Bigla siyang napaatras!

"Kung sinuswerte la nga naman oh! Hindi gabi gabi merong napapadaang anghel dito"

Amoy niya ang mabahong hininga nito na may halong amoy ng alak. Tumayo naman ang lalakeng nasa mesa at inakbayan ang unang lalakeng nagsalita.

"Tama si Pareng Iking Miss! Upo ka muna at makipag inuman ka sa amin"

Pilit na nilakasan ni Ronchie ang loob. Kahit gusto na niyang panawan ng ulirat sa kaba. Napapiksi siya hawakan siya sa braso.

"Pasensya na ho kayo, parating na ho kasi ang asawa ko" aniya sa pilit na pinakaswal na tinig.

"Pare! Ito na ang pinabili niyong pulutan!" saad ng kadarating lang.

Nanlamig si Ronchie ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Kung hindi siya nagkakamali tinig ng Tatay ni Jhen iyon.

"Oh may bebot pala mga pare" tumawa ito ng nakakaloko. 

Yumuko siya para maikubli ang mukha. "Teka parang kilala ko---" lumapit ito at sinipat ng mabuti ang mukha niya "Mam Ronchie?" humalakhak ito "Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh"

"Kilala mo si ganda pare?" usisa ng isa

Ngumisi ito ng nakakaloko, mapula ang mukha nito ngunit sigurado siyang hindi ito sanhi ng simpleng pagkusot lang sa mata.

Humalakhak ang tatay ni Jhen "Mga Pare ito yung kinukwento kong pakialamerang teacher!"

Nilukuban siya ng takot! 

Diyos ko! Tulungan niyo ako! 

Gustong gusto ng mga tuhod niya ngunit pilit niyang nilalabanan. Kailangan niyang makatakbo mula sa mga lalakeng to.

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon