Of course not!

24.6K 627 29
                                    

"Psychology Fact

Anger is a natural defense against pain.

When someone says "I hate you", they really mean

"You hurt me"

-Unknown


Kanina pabiling biling ng higa si Ronchie. Ala una na ngunit ayaw parin siyang dalawin ng antok. Inis na bumangon siya at ginulo ang buhok!

"Lord patulugin mo naman ako please!" desperadong dasal niya.

Paano ba naman kasi siya makakatulog? Kanina pa gumigitaw sa isipan niya ang mukha ng Antipatikong guard na yun? 

Kinuskos niya ang bibig. Ngunit namumula na ang kanyang mga labi sa kakakuskos wala paring epekto. Hindi parin mawala ang pakiramdam ng malambot na labi  nitong parang nakadikit pa sa kanyang bibig. 

Hinampas hampas niya sa kama ang kanyang kamay. Dahil parang nararamdaman parin  ang matigas nitong dibdib na kanina'y napisil niya. Amfufu Man of Steel lang ang peg? Posible pala ang ganun? Akala niya mga modelo lang ang merong ganung kasexyng katawan. Pero bakit pati guard meron?

Kagat labing napayakap si Ronchie sa sarili. Kasalanan ba niyang sa edad na bente otso ngayon lang siya nakaranas mahalikan at makahawak ng muscles? Pistiii nagmumukha tuloy siyang maniac!

Ang mga mata nito? There's something weird with his stare. Parang laging nag aapoy ang mga mata nito sa galit kapag nakatitig ito sa kanya. Wala naman siyang kasalanan dito maliban sa hinalikan niya ito. Oh ganun lang talaga ang mata nito?

Sinapo niya ang pisngi sa pamamagitan ng dalawang kamay. Dahil uminit ang kanyang mga pisngi ng maalala ang ginawa.

Parang luka lukang Ibinagsak niya ulit ang sarili sa kanyang kama at sinalat ang bibig. May ngiti sa labing ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit ang sariling matulog. 

***

"Oh anyaree sayo? Para kang bangag?" sita sa kanya ni Rona na hindi niya namalayang sumabay sa kanya sa paglalakad kinabukasan.

Kinipkip niya ang hawak na libro at bumulong dito "tumira ako ng katol kagabi" napa aray siya ng bigla siya nitong hampasin ng bag nito.

"Puro ka kalokohan!"

Nang matanaw niya ang gate ng eskwelahan ay biglang naging abnormal ang tibok ng puso niya.  Amfufu Lord ano po ituu? Paki explain! 

Hinawakan niya sa braso si Rona at hinila ito "Bilisan mo sa paglalakad malalate na tayo!"

"Teka! Teka!" iwinaksi ni Rona ang kamay ni Ronchie at nagtatakang tumingin dito "tumira ka ba talaga ng katol kagabi? maaga pa oh!" tinaas niya ang relo sa bisig at nilapit sa mukha niya. Nagpakawala ng ubod tamis na ngiti si Rona ng masulyapan si Quen "ang yummy talaga oh!"

Kinurot ni Ronchie ang kaibigan "ang landi mo mamaya marinig ka!" hininaan niya ang boses dahil malapit na silang makatapat dito. Bigla tuloy siyang naconcious sa itsura ng dumako ang titig ng lalake sa kanya. Pasimple niyang inayos ang nagulong buhok at yumuko.

Kung kanina gate palang abnormal na ang tibok ng puso niya ngayong malapit na ang binata parang gusto ng lumuwa ng dibdib niya sa lakas ng kabog nito. Isuggest niya kaya niya na magpagawa nalang ang eskwelahan ng overpass? Ng hindi na niya laging nakikita ang lalake kapag papasok at pauwi siya. 

"Good morning" pakyut na bati ni Rona dito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling sikuhin ito.

"Good Morning Mam" ganting sagot nito Kay Rona. Ngunit halos manigas siya dahil ramdam niya ang  mabigat na titig nito sa kanya. 

Lumuwag ang kanyang paghinga ng makalagpas sila dito. Ni hindi niya binati ang binata. Amfufu what for? Masyado na itong sumusobra ni hindi siya nito pinatulog magdamag. 

Baka kapag pinansin pa niya ito ngayon wala na siyang maituturo sa mga estudyante niya. 

***

"Quen pare kanina ka pa?" bungad sa kanya ni Macky. Tinapik nito ang balikat niya at humila ng upuan sa harap niya. He was in a bar. Exact bar where Ronchie grabbed and kissed her. Napangisi siya, ang lakas ng loob manghalik ng babaeng yun hindi naman marunong. 

Umayos siya ng upo, he wiped the grin on his face. He never thought that it would be easier for him na makalapit sa dalaga. 

Tinungga muna niya ang laman ng bote ng beer bago sumagot dito. He nodded  "yeah... here!" nilapit niya dito ang isang beer. Agad namang kinuha ng kaibigan ang beer at tinungga ito.

"So, how was it going?" 

Ang kaibigan lang ang nakakalam ng misyon niya. Sadyang hindi niya ipinaalam ito sa pamilya dahil alam niyang mariing tututol ang mga ito. Baka makatanggap pa siya ng sapak galing sa Tita Thea niya. 

"I'm taking my time, mahirap na baka makahalata sila" agad niyang ipinilig ang ulo ng sumingit sa kanyang isipan ang inosenteng mukha ng dalaga. Pilit niyang pinapatay ang kaunting konsensyang umuusbong sa kanyang pagkatao.

Quen you've planned this for so long! Sita niya sa sarili

Tinitigan siya ng matiim ni Macky "You really sure about this? What if your Tito Zion find out?"

Napatiim bagang siya. Alam niyang magagalit ang Tiyuhin ngunit hindi siya papayag na hindi magka roon ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang. Humigpit ang hawak niya sa bote at tinungga ng tuloy tuloy ang laman nito.

Napailing nalang ang kaibigan. Kilala siya nito alam nitong hindi na nito kayang baguhin kung anuman ang nakatakda niyang gawin. Itinaas nalang nito ang bote "cheers!"

"Cheers!" 

Ng mailapag niya ang bote ay napatingin siya sa pintuan ng bar. Nahagip ng matalas niyang mga mata ang mga pamilyar na bultong pumasok dito.

Tskk! Those stubborn teachers! Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Lagi bang pumupunta ang mga ito dito sa bar kapag Friday? 

His eyes landed on that particular small oval shaped face. 

"Chikababes Pare!" basag ni Macky sa panandaliang pananahimik niya. Nasa mga babae din ang atensyon nito. Kapansin pansin nga naman ang mga babae. May mga pilyang ngisi sa mga labi ng mga ito but they look more decent than the other girls in this bar. If last week they're wearing dresses now they're wearing blouses. 

His forehead creased ng tumayo ang Kaibigan "Where are you going?" nagtatakang tanong niya dito.

"Magpapakilala lang!" 

Hindi natuloy ang paglalakad nito ng hinawakan niya ito sa braso para pigilan"Tsk we're here to drink not to flirt!" 

"Seriously Pare?" wala itong nagawa kundi umupo ulit. "Chicks na nga naging bato pa!" dismayadong saad nito.

Inabutan niya ulit ito ng isang bote "Here! Huwag ka ng magreklamo uminom ka nalang" balewalang saad niya dito. Pero sa gilid ng kanyang mga mata sinundan niya kung saan umupo ang mga ito.

He surveyed the bar.

Mukhang safe naman ang mga ito sa piniling pwesto.

Why?

Is he concern?

Of course not!

And will never be!

***

Woah sorry guys natatagalan ang UD sisihin niyo ang internet connection ko huhu

Pati tuloy utak ko nakikisama kaloka!

Konting Tiis lang sa mga kembot ko!

Kapag naayos na ang connection dito sa work siguro gaganahan na din akong mag UD ng mag UD

Shy__









Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon