May sakit ba siya?

23K 634 59
                                    

"Don't hold on to Anger,

Hurt or pain.

They steal your energy

And keep you from love"

-Unknown


"Where's your car?" untag ni Quen sa mga babae.

Pinindot ni Rhomz ang kanyang susi kaya umilaw ang sasakyan nito. Dahan dahan niyang inilapag si Ronchie "Can you manage?" marahang tumango ang babae bilang sagot. Bumabalik na ang kulay sa namumutla nitong labi kanina.

"Sa--lamat!" tila nahihiyang saad nito. Kumuyom ang kanyang kamao bago tumango. Binalingan niya ang mga kasama nitong kapwa guro. "go home and rest" tumango siya bilang pamamaalam bago iniwan ang mga ito at binalikan si Macky sa loob.

He saw Macky coolly talking to the Manager of the Bar. Agad niyang nilapitan ito "Pare kumusta?"

Ngumisi ito ng nakakaloko "Everything was taken care of, ako pa!" mayabang nitong saad habang iniliyad ang dibdib.

"Where are those Thugs?"

"They ran away! Wait Pare asan na yung mga chika babes? Ni hindi man lang ako nakapagpakilala" nanghihinayang na sagot nito. 

"Next time! Let's go!" tinapik ni Quen ang balikat nito at nagpatiuna ng maglakad palabas.

"Seriously? hindi pa nga natin ubos oh! Pre naman sa---" natigil sa pag protesta si Macky ng wala na pala ang kaibigan sa tabi, palabas na ito ng  bar. Napapakamot sa ulong sinundan nalang niya ito.

***

Ngulantang si Ronchie ng biglang sabay sabay na tumili ang mga kaibigan ng makasakay na silang lahat sa kotse.

"Oh my goooooooooood!"  halos lumabas na ang ngala ngalang sigaw ni Mg. Hindi na siya magtataka kung mamaos ito.

"Ahhhh ang gwapo hot nila kanina habang nakikipagsuntukan!" nakatirik pa ang mga mata at kinikilig na tili ni Rhomz at may papalo palo pa sa manibela.

Hinawakan ni Rejvien ang braso ni Ronchie at niyugyog ito "Ang swerte mo Mammmmmm! How does it feel to be carried by a handsome security guard?" 

Nanatiling walang imik si Ronchie dahil pilit niyang pinapakalma ang pusong kanina pa ng ra riot.  Juskooooooo! puso kumalma ka! piping dasal niya. 

"Wait girls!" putol ni Rhomz "napansin niyo ba ang napansin ko?"

"Ang alin?" Rejvien

"Ano?" Mg

"Englisero ang Guard natin girls! Sosyal!" tili nito "at ang kasama? pamatay din sa kagwapuhan!"

"Tanong kaya natin kung may dalawa pa silang kaibigan?  tig iisa tayo" Mg

"Wahh Mam Mg bilib na ko sayo! Ang talino mo" ani Rejvien. Itinaas nito ang kamay at nakipag hi- five sa babae.

"Kulitin natin sa Lunes si Mamang guard. Kailangang makilala ko ang lalaking nakapagpatibok sa puso ko ng ganito. Pakiramdam ko siya na ang destiny ko" humawak pa sa dibdib si Rhomz habang tila nangangarap na tumingin sa kawalan.

Naiiling nalang si Ronchie sa mga ito. Pero naagaw ng atensyon niya ang sinabi ni Rhomz. Yun ang napansin niya nung una niyang nakilala ang lalake.

Englisero nga ito ni hindi nga nito alam kung anong pangalan ng tinda nilang ulam sa Carinderia .

Parang may mali!

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon