Halos dumugo ang kamay ni Quen sa higpit ng kanyang pagkakakuyom. Just seeing the old man's face gusto ng magwala ng sistema niya. But he tried his best to hold his anger.
"Iho okay ka lang? Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo" puna sa kanya ni Aling Gloria. Kasalukuyang kasalo niya ang mga ito sa hapunan.
Pilit siyang ngumiti.
Natawa ito "Naku iho huwag ka ng mahiya" nilapit nito ang ulam "hala kumain ka ng marami, bukas may bayad na yan!" pabirong turan ng matandang babae.
"Oo nga! Bakit ka mahihiya? Kapag sinagot mo na si Ronchie magiging parte ka na ng pamilya na--- aray anu ba!" Hindi natapos ni Rochelle ang sasabihin ng makatanggap siya ng hampas galing kay Ronchie.
"Bibig mo Teh!" namumula ang mukhang sawata nito sa nakakatandang kapatid. Nahihiya itong bumaling kay Quen at piping humingi ng paumanhin.
"Tigil na... Nasa harap kayo ng pagkain at meron tayong bisita" natatawang awat ng Ama ng mga ito sa dalawa. "Kumain ka lang iho, huwag mong pansinin itong dalawa ganito na sila mula pagkabata" may ngiti sa labing pahayag nito.
D*mn this man!
"Dahil kinukunsinti mo!" sabat ni Aling Gloria.
Quen gritted his teeth when he saw the smile on their lips. If only his parents we're alive siguro ganito din sila kasaya. But everything was ruined because of this reckless driver.
Natigilan siya ng makaramdam ng marahang haplos sa kanyang braso "Okay ka lang?" mahinang tanong ni Ronchie sa kanya. Mababakas ang pag aalala sa mga mata nito. He cursed in his mind. Dahil sa simpleng haplos nito his anger cooled down a little.
Pilit siyang tumango at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Umangat ang mukha ni Quen ng makarinig ng pagtikhim.
"Totoo ba iho na may namamagitan sa inyo nitong dalaga ko?" nabitin sa ere ang pagsubo ni Quen.
***
Kumalansing ang kubyertos na hawak ni Ronchie dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan ang tanong ng Ama sa binata.
"Tay!"
Maging ang mga kasama nila sa hapag ay biglang nanahimik dahil sa tanong ng matandang lalake.
"Ako naman iho ay hindi tutol, nasa tamang edad naman na ang dalaga ko" seryosong hayag nito.
Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi ni Quen at dahan dahang binaba ang kutsara
Namumulang iwinasiwas ni Ronchie ang mga palad sa harap ng binata "A---hh huwag mong intindihin yung tanong ni Tatay" nanlalaki ang mga matang bumaling si Ronchie sa kapatid "Kung anu ano kasing pinagsasabi mo!"
Ngumisi si Rochelle "Showbiz lang ang peg" tila balewalang asar nito. Minulagatan ito ng ina kaya tinutop nito ang bibig. Nilabas ni Ronchie ang dila ay binelatan ang kapatid. Bumuka ang bibig at nagsalita ng walang tunog "Buti nga sayo!"
Dumagundong ang puso ni Ronchie nang sinalubong ni Quen matiim na titig ng kanyang Ama. May kakaibang emosyon ang panandaliang dumaan sa mga mata nito. Bigla siyang kinabahan, ito naman kasing Tatay niya kung makapagtanong wala man lang paliguy ligoy. Direct to the point agad. Baka mamaya isipin ng binata na may balak siyang pikutin ito. Magsasalita sana siya ng maramdaman niya ang pag gagap ni Quen sa kanyang kamay.
"Gaya nga ho ng sabi niyo ay nasa tamang edad naman na si Ronchie. Hindi na ho ako magpapaligoy ligoy"
Pinanlakihan niya si Quen ng mata at umiling. Amfufu subukan mong sabihing pinasok mo na ang anu ko at hahabulin ka ng itak ng tatay ko! Piping tili niya.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.