"Good Morning Mam! kumusta ang tulog mo?" may tipid na ngiting nakapaskil sa labi na salubong ni Quen sa kanya kinaumagahan.
Saglit siyang napatitig sa maaliwalas na mukha ng binata partikular sa mapupulang mga labi nito. Amfufu! Yan... yan! yang mga labing yan hindi ako pinatulog kagabi! Piping tili ng kanyang isipan.
Ronchie awkwardly smiled "ahh.. O-kay naman..." Maya maya ay napatili siya ng may walang pasintabing humatak sa magkabilang braso niya.
"Pogi! hiramin muna namin si Mam Ronchie" saad ni Mg na nakahawak sa kanang braso niya sabay kindat kay Quen. Ni hindi niya namalayan ang paglapit ng mga ito. Siguro ay dahil abala siya sa pagtitig sa mukha ng binata.
"Ke aga aga naglalandi" pabulong na wika naman ni Rhomz hatak hatak ang kaliwang braso niya. Paglingon niya sa kanyang likod ay ang nakangising si Rej. "Hi"
Maya maya pa ay kinaladkad na siya ng mga ito. Ni hindi na siya nakapag paalam sa binata.
"Ano ba!" palag niya ngunit tila bakal ang mga kamay ng mga itong nakakapit sa braso niya.
"Madami kang ikwekwento!" Rej
"True! ano yung usap usapan sa labasan?" Mg
Binitiwan lang siya ng mga ito ng marating nila ang sulok ng hallway. Hinatak siya ni Rhomz at pinaupo. Habang nakatayo ang mga ito sa harap niya "Nasayo daw ang estudyante mo? Alam mo ba ang pinasok mo?"
Hindi muna niya pinapasok si Jhen sa eskwela. Magpapagaling muna ito sa mga pasa nito, ituturo nalang niya ang mga lesson nila sa bahay. Tutal matalino naman ang bata. She knew the kid would easily cope up.
"Oo nga! Hindi ka ba natatakot sa Tatay? Diba bali balita adik daw yun?" sabat ni Rej. Tila natatakot pa itong pinag krus ang mga braso.
Napailing si Ronchie "Ang bilis nga naman ng balita. Natulog lang ako tapos paggising ko alam na ng lahat sa buong lugar natin"
Pabiro siyang hinampas siya ni Mg "Totoo bang kasama mo si Quen kahapon?" napalabi ito "Inggit much!"
Sabay na tinitigan ito ng masama ni Rej at Rhomz "Iniiba mo naman ang usapan! Pang finale yang tanong yan!" naiinis na saad ni Rej dito.
Ikinwento niya sa tatlo ang nangyari kahapon. "Mabuti nalang at nagkataong sumama si Quen. Baka kung ano ng nangyari" pagtatapos niya sa kanyang kwento.
"Ang taray ng beauty mo girl! To the rescue ang Poging guard!" kinikilig na saad ni Mg
"Oh di ikaw na!" Rej
Binigyan ni Rhomz ng tig isang hampas ang mga ito "Paano kung gawan ka ng masama ng tatay?" nag aalalang tanong ni Rhomz kay Ronchie
Ronchie took a deep breath "Hindi naman siguro.. Hindi ko naman maatim ang batang maiwan sa kanilang bahay ang bata. Lalo na at nasaksihan ko ang pananakit sa kanya" napakuyom ang kanyang kamao "Anong silbi nating pangalawang Ina kung pati tayo wala tayong paki alam?" hindi maitago ang hinanakit sa boses niya.
Napa palakpak si Mg habang Oa pa itong nagpunas ng Magkabilang mata. Napahiyaw ito ng makatanggap ng mag asawang kurot galing kay Rej at Rhomz. "Awww! bakit ba?"
"Puro ka kalokohan seryoso tayo ngayon" ani Rej at pinanlakihan ito ng mata.
Hinawakan ni Rhomz si Ronchie sa balikat "Natatakot lang kami para sayo"
Nginitian ni Ronchie ang mga ito "Salamat sa pag aalala, ipagdasal niyo nalang ako" biro niya. But deep inside her she was scared. "Tapos na ba ang interrogation ko?"
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.