"A person who has
A lots of anger inside,
Definitely loves people more
than anyone else can.
Because if Red Colour indicates Anger
then it indicates love too"
-Unkown-
"Anu ba Mam Rhomz huwag mo akong itulak" inis na saad ni Mg kay Rhomz.
"Ang bagal bagal mo kasing maglalakad! Mamaya ka na tumingin ng prospect! Pwesto muna natin ang hanapin mo! Wala akong balak tumayo magdamag nuh!"
Natatawang nagtinginan nalang si Ronchie at Rejvien. It's Friday gaya ng napag usapan nag bar ulit sila. Walang may birthday, they wanna unwind this time kaya hindi nila masyadong pinaghandaan ang mga suot nila. Pampawala ng stress dahil kung hindi sila gigimik baka tuluyan na silang tumandang dalaga! Si Rona as usual wala na naman! Babaeng yung kung makatago sa love life wagas!
"Ohlalala andaming boys!" impit na bulong ni Rejvien kay Ronchie. Bahagya pa nitong tinagtag ang braso niya.
Inikot niya ang paningin para tumingin ng magandang pwesto "Girls doon oh!" turo niya sa harap. It was located at the left corner. Medyo maliwanag din ang parteng iyon.
"Gora!" sang ayun ni Rhomz at nag sisunuran sila.
Ng makaupo sila ay agad silang nilapitan ng waiter at binigay ang menu.
"Girls anong gusto niyong inumin?" tanong ni Mg habang binubuklat ang Menu.
"Paalam sa sahod!" hinalikan ni Ronchie ang inilabas na 500 peso bill. Napag usapan nilang mag aambag ambag sila ng tig 500 pesos.
Nagsilabasan na rin ng Pera sina Rhomz, Mg at Rejvien. "Yung mura nalang!" suhestyon ni Rejvien.
"Umiral na naman ang pagka kuripot mo" Rhomz
"Ito nalang, 1 bucket of San Mig at may kasama ng tacos" Mg
"Dagdagan na din natin ng Sizzling Sisig" saad ni Ronchie. Inikot niya ang mga mata sa paligid. May mga magbabarkada, may mga love birds meron ding nag iisa.
"Anu may nahagip ng gwapo ang mata mo?" untag sa kanya ni Rhomz
Umiling siya "Wala pa!" gwapo? isang deskripsyon lang ang pumapasok sa isip niya. Ang mukha ni Quen. Biglang tumahip ng mabilis ang dibdib niya, wala naman siguro dito ang binata.
"Ako din eh" Rhomz
"Bakit parang wala akong ganang mag boy hunting ngayon?"hayag din ni Mg habang umiikot ang paligid.
Sabay sabay pa silang apat na bumuntong hininga. "Oo nga pala bakit wala si Mam Rona?" biglang tanong ni Rejvien kay Ronchie.
"Baka busy sa love life! Malihim ang bruha ni hindi ko pa alam kung sino yun!"
"hayyy buti pa siya" naiingit na turan ni Mg.
"Ano ba kayo! Cheer up! Mabuti pa uminom na tayo!" dumating na kasi ang order nila. Kaya isa isa silang bnigyan ni Rejvien ng iinumin. "So hindi tayo magbo boy hunting? May gwapo dun oh!" turo pa nito sa mesa sa harap nila.
"Pano kung gwapo tapos may anghit naman?" natatawang wika ni Ronchie sabay lagay ng San mig sa baso.
Humalakhak naman ang tatlo.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.