MYSTERIOUS 4 - Dare

25.6K 711 31
                                    

Malayo palang ay tanaw na ni Ronchiee ang kanilang bagong guard na nakatayo sa harap ng gate sa pinapasukan niyang paaralan.

Halos mapunit ang mga labi ng kapwa niya guro sa pagngiti dito. Napairap siya sa hangin.

"Yang mukhang yan, kinakikiligan nila? Duh, ni hindi marunong ngumiti. Sayang lang ang mga ngipin, hindi naman bungi." Parang bubuyog na bulong ni Ronchie sa sarili.

"Good morning, ma'am." Bati ni Quen, ng makatapat siya sa lalake.

"Walang good sa----" Napatigil siya sa balak na suplahin ang lalake ng mapatitig siya sa mukha nito. Kung kanina ay walang bakas ng ngiti sa labi ni Quen, ngayon ay nakataas ang sulok ng bibig nito.

Napahawak siya sa dibdib, dahil tila nagtalunan ang mga tipaklong sa loob. Napatikhim siya, nabusog siya dahil nakain niya ang mga pinagsasabi tungkol sa lalake kanina.

"Juiceko naman, bakit kinikilig ang aking pu---so ko."

Napakurap-kurap si Ronchie ng pinadaan ni Quen ang mga kamay sa kanyang harapan.

"I'm handsome, that's given. But don't be so obvious, baka kasi ma-late ka na ma'am." He chuckled.

Parang sinilaban ang pisngi ni Rocnhie sa pagkapahiya. Namumulang tinalikuran niya ang lalake at nagkukumahog na naglakad palayo.

"I know I'm handsome but don't be so obvious?" Pinaikot ni Ronchie ang kanyang eyeballs dahil sa magkahalong hiya at inis. "Aba't ang kapal din ng apog ng engliserong guard na yan." Lumingon siya sa lalake at tinaasan ito ng kilay. Nagpa-padiyak siyang pumasok sa kanyang silid aralan.

Ibinagsak niya ang kanyang bag sa kanyang mesa at isinubsob ang mukha doon. Bakit ba kasi kapag kaharap niya si Quen ay natutuliro siya? Epekto ba to ng no boyfriend since birth? "Juiceko, masama na to. Patulan ko na kaya si Joseph? Yung driver ng tricycle na matagal ng nagpapahanging sa akin."

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ng isa

Napaangat siya sa pagkakasubsob sa mesa at napatuwid ng upo. Sinuklay niya ng kanyang daliri ang buhok, at kinuha ang pony tail sa kanyang bag para ipusod.

Ng maayos ang sarili ay napakagat labi si Ronchie ng makita ang nagtatakang ekpresyon kanyang mga estudyante niya. Tumayo siya, "bago natin simulan ang klase, ipasa niyo muna ang inyong takdang aralin."

***

"Ma'am Ronchie, sasama ka ba mamaya?" Tanong ni Mary Grace, ang isa sa kanyang co teacher.

Sumubo muna siya bago sumagot, nasa canteen sila, kasalukuyang kumakain ng kanilang tanghalian. "Saan ma'am?"

Lumapit si Mary Grace sa kanyang tainga, "birthday ni ma'am Rhomz, gigimik tayo."

Napatigil sa pagkain si Ronchie, na-excite siya sa sinabi ni Mary Grace. "Saan banda ma'am?"

"Sa disco bar, sa kabilang bayan." Sagot ni Mary Grace, pagkatapos uminom ng softdrinks.

Tinaas baba ni Ronchie ang kilay at napangisi. "Sino-sino ang sasama?"

"Sino pa ba, eh di ang mga kapareho nating tiigang" Natawa si Mary Grace at muling bumulong. "Baka doon na tayo makahanap ng jowa"

"Call," nag-apir silang dalawa at sabay na humagikgik

***

Nagpahid si Ronchie ng kaunting blush on sa kanyang mukha, para naman hindi siya magmukhang ngarag. Pinulahan niya ang kanyang lipstick, total ay gabi naman.

Isinuot niya ang itinatagong bestida na humahakap sa kanyang katawan at hindi umabot sa kanyang tuhod ang haba. Nagpapasalamat siya dahil makinis at mahubog ang kanyang legs, kaya confident siya sa suot.

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon