Mahigit isang buwan na ang nakalipas, ni ha ni ho ay wala na siyang narinig mula kay Quen. Hindi niya tuloy nakumpirma kung totoo o panaginip ba ang nangyari ng gabing iyon. Maging pamilya o sa mga kaibigan ay wala na siyang narinig maging ang pangalan ng binata.
Kung hindi lang sa kahungkagan at sakit na nasa kanyang dibdib ay maniniwala siyang isang hindi dumaan sa buhay niya ang binata.
"Mam Ronchie kanina ka pa?" mabilis niyang pinahid ang luha ng marinig niya ang boses ni Rhomz. Kasalukuyan ssiyang nakaupo sa canteen at inaantay ang mga ito. Gaya ng nakagawian ay sabay sabay silang kakain ng pananghalian.
Kasama nito sina Rona, Rej, Mg maging ang bagong gurong nadagdag sa kanilang eskwelahan wala pang isang buwan ang nakakalipas si Demi short for Demetrio. Kung anong tigas ng pangalan nito ay ganun namang lambot ng kilos nito. Madali nila itong nakapalagayan ng loob bukod sa nakakatawa itong kasama ay mas malandi pa ito sa mga kaibigan niya.
Pinilit niyang ngumiti "Medyo Mam, maagang natapos ang klase ko" patapos na kasi ang school year.
"Demi order ka na ng pagkain natin" utos dito ni Rejvien. Nagsi-upuan ang mga kaibigang guro sa harap niya.
Nagiwan ito ng espasyo sa kanyang tabi.
Malamang para ito kay Demi.
Lagi naman...
Nangalumbaba si Mg at tumingin sa kanya "Oo nga naman! Baka gutom na si Mam Ronchie, nangangayayat na oh"
"Anong gusto mong kainin Mam Ronchie?" gusto niyang matawa dahil sa ipit nitong boses. Fashionista ang lola mo. Medyo mahaba ng bangs nito parang kay Vice ganda. Buti nga pinayagan ito ng management ng eskwelahan sabagay patapos naman na ang school year. Sabagay napaka neat naman nitong tignan. Paiba iba ang kulay ng mata nito araw araw dahil sa contact lens.
Binawi niya ang tingin ng magtama ang kanilang mga mata. Ewan ba niya kung bakit minsan awkward siya sa paraan ng pagtitig nito. Ipinagwa -walang bahala niya ang pagtayo ng balahibo niya sa batok everytime his eyes met hers.
"Libre mo ba?"
Malanding inipit nito ang bangs sa tenga "Sure Mam basta Ikaw!"
Natawa siya "Ako lang ha? hayaan mo na sila..." pabiro niyang tukoy sa mga kaibigan. "Ang lalakas nilang kumain baka mamulubi ka"
Nag ungulan ang mga ito sa pagtutol. "Oh di kami na ang malakas kumain at Ikaw na ang mahaba ang buhok. Natatapakan ko na nga eh" Rona. Napakagat ito ng labi at nag peace sign ng sabay sabay itong makatanggap ng masamang tingin galing sa mga kaharap nila.
Ngumiti si Demi ng tipid "Okay lang mamulubi Mam dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila..."
Impit namang nagtilian ang mga kaibigan. Napakunot noo siya, utang?
Aba! Mukhang madaming pera ang mga ito.
"Ano ng gusto niyo? Nang makakain na tayo" mulit nitong tanong habang nanatiling nakatayo. Inaantay ang order nila.
Isa isa namang nagsabi ang mga kaibigan ng order ng mga ito habang siya ay nag iisip parin. Hmmm anu kaya?
"Hmmmm-- Ice cream avocado flavor ha, Palabok yung madaming toppings! Tsaka Fishball na din damihan mo ng sauce at dalawang kanin"
Napamulagat ang mga kaharap "Kala ko ba kami ang malakas kumain?" hindi makapaniwalang saad ni Rhomz.
Napalabi siya "Eh sa gutom ako eh! Anong magagawa ko?"
Si Demi naman ay nagpaalam na para bumili ng pagkain nila. Habang inaantay ito ay kung anu ano na namang kalokohan ang pinag usapan nila.
"Matatapos na ang klase tigang parin ako!" tila maiiyak na saad ni Mg.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.