Mysterious-3 Guwapong Ipis

27K 747 24
                                    

"Mga pare pasensya na, pero kailangan ko na talagang umalis."

Ngumisi ang may Tattoo "Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan?"

Nagtawanan ang mga kasama nito "Mukhang matigas pare palambutin natin." Mayabang na saad ng bungi ang ngipin.

Pinatunog pa ng mga ito ang mga kamao. Ang payat na mukhang hindi naliligo ang unang umamba ng suntok ngunit napaigik lang ito ng tumama sa mesa ang kamao dahil mabilis na nakaiwas si Quen.

Nang makita ang nangyari sa kasamahan ay sabay-sabay na sumugod ang mga tambay ngunit dahil mabilis ang kilos ni Quen para umilag idagdag na rin na may amats na ay nagbagsakan ang mga ito sa semento.

Umiiling na naglakad nalang palayo si Quen. Wala siyang planong patulan ang mga ito.

Naka ilang hakbang palang siya ng may masalubong na matandang babae. "Naku iho, pagpasensyahan mo na yang mga iyan mga walang magawa sa buhay."

Pinilit niyang ngumiti "Okay lang ho."

"Hayaan iho at pagsasabihan ko. Ikaw ba ang bagong lipat diyan sa malaking bahay sa tapat ng karinderia ko?"

"Opo."

"Nako iho, huwag kang mahihiyang lumapit oh magsabi sa akin kapag may kailangan ka. Ako nga pala si Gloria."

Inilahad ng matandang babae ang kamay.

Tinanggap naman niya ito. "Quen ho."

"Oh, siya iho, mukhang naabala na kita."

Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi "Hidni naman ho, ngunit kailangan ko na hong umuwi para makapag-ayos ng mga gamit sa bahay. Mauuna na ho ako." Magalang niyang paalam.

Nakangiting tumango lang ang matanda.

***

"Alam mo ba bes, kinursunada daw sila tonyo kanina ang bagong lipat sa tapat ng karinderia niyo. Narinig ko kay Aling Iska kanina ng bumili ako ng merienda." Kuwento ni Ronalyn kay Ronchie habang naglalakad sila pauwi.

"Hala, eh anong nangyari sa bagong lipat sa tapat sa karinderya?" Bigla siyang nag-alala para sa bagong kapitbahay. Baka nabawasan na ang kaguwapuhan nito. Kilala niya sila Tonyo.

Napahagikgik ito "Wala, sila Tonyo ang may bali ang mga buto."

Kumunot ang noo niyang bumaling dito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Pffffff.... Nabali ang mga buto nila Tonyo dahil sa kaiilag daw nung lalake. Sila ang nagbagsakan sa sahig."

Nakahinga ng maluwag si Ronchie akala naman niya nasaktan ang mayabang na lalaking iyon.

"Nay, bahay na ako!"

Nadatnan niya ang Inang abala sa paglalagay sa baunan ng ulam. "O nay, para kanino yan? Patiki-"

Inilpag niya ang bag at lumapit sa mesa. Kumuha siya ng tinidor at akmang tutusok ng pinalo nito ang kamay niya.

"Doon ka kumuha," nguso ng ina sa kaunting ulam na naiwan sa mesa. "Huwag diyan, para yan sa bagong kapitbahay. Kuhh bata ka kadarating mo palang pagkain na agad."

Napasimangot siya "Nay, kung alam mo lang. Nakakagutom kaya magturo, pahingi na." Ungot niya sa Ina.

Napaigtad siya ng makatanggap ng kurot mula sa ina "Magbihis ka na at Ihatid mo ito"

"Nay, naman! Bakit ako? May gagawin pa ako." Reklamo niya.

Sinamaan lang siya nito ng tingin kaya napanguso nalang siya.

Matapos magbihis ay nasa tapat na si Ronchie ng bahay dala dala ang Baunan.

"Tao po! yuhooooo! Tao pooooooo!" Halos maglabasan ang litid niya sa leeg sa kasisigaw. Kinalampag niya ang gate nito. Napangiwi siya anong klaseng bahay to? Hindi naman ata gumagana ang doorbell kainis!

****

Quen forehead knotted ng mapansin niya sa monitor ang babaeng nasa gate niya. Anong kailangan ng babaaeng ito?

Hindi na siya nag-abalang punasan ang katawan na basa sa pawis. Isinuot niya ang kanyang puting sando. Katatapos lang niyang mag sit ups. It was his routine kapag wala siyang ginagawa.

***

Lukot na ang mukha ni Ronchie habang kumakatok ngunit hindi parin lumalabas ang bagong kapitbahay. Pusang gala last na katok na to! Kapag hindi pa bumukas ako na kakain ng mga to. Hindi naman siguro alam ni nanay na siya ang kumain.

Bumuwelo si Ronchie para sa malakas na katok ng biglang bumukas ang gate. Huli na para bawiin ang kamao dahil dumapo na ito sa dibdib ng lalaki.

"Aray!" daing niya. Mas matigas pa sa bakal ang dibdib ng lalaking ito. Kalahi ba ito ni Wolverine?

"Anong kailangan mo?" Daad nito na mas malamig pa kay Dracula ang boses.

Aba't! Ni hindi man lang mag sorry? Muntik ng mabali ang kamao niya dahil dito. "Hindi ka man lang ba mag so so----" ngayon lang niya napagmasdan ang mukha nito. Naliligo ito sa pawis pero pak na pak! Mukha parin itong mabango.

Wala sa sariling nalunok ni Ronchie ang laway. Dahil fitted ang sandong suot nito halatang halata mo ang siksik na abs nito. Napasipol siya ng wala sa oras.

"Kung pumunta ka lang dito para pagmasdan ako Miss, I'm sorry hindi libre ang oras ko. Marami akong ginagawa." Mayabang na saad nito.

Napamulagat si Ronchie ng dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya.

His eyes? may ganun bang mga mata? Parang hinigop siya pailalim.

"Mahal akong maningil baka hindi mo kaya." He smirked dangerously.

Napahigpit ang hawak niya sa baunan. Ang hininga? Ohhhhh men? Pabrika ba ang bibig nito ng mentol candy?

Napakurap kurap siya ng mahamig ang sinabi nito. Lahat ata ng dugo sa katawan niya ay lumipat sa kanyang mukha.

Aba't-- "Asyumero ka din noh! Ito ipinabibigay ng nanay ko, isaksak mo sa baga mo!" Padarag na binigay niya ang baunan dito.

Muli niya itong tinignan at binato ng nakakamatay na irap "Akala mo kung sino kang gwapo! Excuse me kahit free viewing pa, hindi kita pagtiyatiyagaan noh." Nagpapadyak siyang naglakad palayo dito.

Hindi nakita ni Ronchie ang pagtaas ng sulok ng mga labi ng lalake habang naiiling na sinusundan ito ng tinging palayo.

"Oh bakit nakabusangot ka?" sita kay Ronchie ng Ate niya pagdating niya sa kanilang bahay.

"Wala ate, masyadong mahangin lang sa labas hindi ko kineri." Sagot niya at dumiretso na sa kanyang kwarto.

Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ay nag-dive siya sa kanyang kama habang marahang sampal ang mukha.

Ronchie nakakahiya ka! Sinipa sipa pa niya ang mga paa sa ere. Nakakahiyaaaaaaaaa!

Ronchie Hinga ng malalim inhale, exhale... Tandaan mo to kapag nakita mo siya bukas sa trabaho dedma ang peg mo. Pangaral niya sa sarili.

Maya maya ay parang tangang napatili siya.

Bakit ba kasi ang gwapooooo niya?

Napakislot siya ng sunod-sunod na katok ang narinig niya.

"Hoy babaita anong nangyayari sayo diyan?" Sigaw ng ate niya.

Napatikhim siya "Wala ate, akakita lang ako ng ipis!" Guwapong ipis.





Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon