Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa niyang report ng may naglapag ng pagkain sa kanyang mesa.
Ang nakasimangot na mukha ni Demi ang nabungaran niya. Nagtayuan ang balahibo sa kanyang batok. Hanggang ngayon hindi niya maintindihan bakit may ganung epekto sa kanya ang baklitang ito lalo na kapag nasasalubong niya ang mata nito. "Balak mo bang maghunger strike Mam?" inis na saad nito. "Lunch time na oh! Kanina pa nag aantay ang mga girlalu doon" andito parin kasi siya sa loob ng kanyang silid aralan. Hindi niya namalayan ang oras.
Pinatong niya ang mukha sa kanyang kamay at pinagmasdam ang mukha nito. Natutuwa siyang panoorin ang bawat pagkibot ng labi nito. Parang pamilyar ang mga labing iyon.
Napalabi siya at napatuwid ng upo.
"Nakikinig ka ba?" pinadaan pa nito ang mga kamay sa kanyang mukha "Wuy! Okay ka lang? May masakit sayo?" marahan nitong niyugyog ang kanyang balikat "Ronchie magsalita ka naman!"
Napakislot siya ng marinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Biglang nag init ang sulok ng kanyang mga mata. Even the way he called her name have the same effect gaya ng pagtawag ni Quen sa kanya. Bumibilis ang pintig ng kanyang puso.
Quen?
Napasinghot siya, g*g*ng lalakeng yun! Kung kelan pinangako niya sa sariling hindi na niya ito susungitan saka naman hindi na ito nagpakita sa kanya. Oo, every morning naghahanda ng kanyang almusal pero hindi ito nagpapakita sa kanya. May sariling instinct kasi ata and dila at tiyan niya. Alam niya ang lasa ng luto nito maging ang tiyan ay ang pagkaing luto nito ang tinatanggap.
"Hey why are you crying? Ano ba kasing nangyayari sayo? Dadalhin na ba kita sa Ospital?" hindi magkanda ugagang tanong ni Demi sa kanya.
Sinamaan niya ito ng tingin at hindi pa siya nakontento pinaghahampas niya ang kawawang baklita. Paano naiinis siya dahil naalala niya si Quen dito. "Pwede ba! Stop Talking! Naiinis ako, dahil may naalala ako sayo"
"Shhhhhhhh!" sa halip na salagin nito ang mga hampas niya ay pinaloob siya nito sa mga bisig. Hinaplos haplos nito ang kanyang likod "Sige lang, you can hit me many times you want kung ito lang makagagaan ng kalooban mo. Just stop crying please..."
Ewan niya kung dahil sanhi ng pangungulila pati ang Amoy ni Quen ay nalalanghap niya dito. Maging ang init na nagmumula sa yakap nito. Mas lalo siyang napaiyak!
Bakit ba kasi bigla itong hindi nagpakita?
Praning ka pala Ronchie! Di ba sinabi mong ayaw mo na siyang makita? hiyaw ng isang bahagi ng isip niya.
Oo nga noh? Ang tanga mo Ronchie!
Impit siyang napahikbi, nagdradrama siya dahil hindi ito nagpapakita sa kanya samantalang sinabi niya dito na ayaw niya itong makita.
Napahiyaw siya ng biglang umangat ang paa niya sa ere. "Anong ginagawa mo?" gulat niyang tanong kay Demi dahil sa pagpangko nito sa kanya.
"I'm gonna take you to the hospital!"
HInampas niya ito sa braso "Baliw ka ba! Ibaba mo nga ako! Bakit mo ako dadalhin sa ospital?"
"Hindi ka humihinto sa pag iyak, baka may masama pang mangyari sayo"
Suminghot singhot siya at pinahid ang luha "Umiiyak lang may masama na agad mangyayari? Ibaba mo ako, ISa!" pinandilatan niya ito. Hindi niya akalain ang lalamya lamyang tulad nito ay kaya siyang buhatin. At infairness ramdam niya ang tigas ng muscles nito. Ipinilig niya ang ulo, ano ba tong kamanyakang naiisip na naman niya. Pati baklita pinagnanaasan niya.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.