Quen The Mysterious Lover - 52

23.1K 634 22
                                    

Nagising si Ronchie sa puro puting kapaligiran. Pilit niyang inalala ang huling nangyari. Nawalan siya ng malay kanina dahil sa sobrang sakit ng kanyang tiyan.

Napahawak siya sa tiyan, biglang lumukob ang takot sa kanyang buong pagkatao. "Ang baby ko... ang baby ko!" halos maghisterical niyang saad. No! Hindi pwedeng mawala ang anak niya.

Siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa ang babaeng nakasuot ng puting roba at kasama si Quen.

Patakbong lumapit si Quen sa kanya ng makitang gising na siya "Thank goodness you're awake! How do feel?" maagap niyang tinabig ang kamay nito ng akmang hahawak ito sa kanya.

"Ang baby ko?" Nag iinit ang sulok ng mga matang tanong niya sa binata.

Narinig niyang may tumikhim, saka lang niya binalingan ng tingin ang kasama nitong pumasok.

 "I'm Doctor Mimi Reyes" pakilala nito.  "Don't worry mommy, your baby is fine, nakakaramdama talaga ng pagsakit ng tiyan ang mga babaeng buntis during second trimester. Second Trimester meaning middle three months of your pregnancy. The pain is caused by stretching of the ligament that supports the uterus as the uterus grows. Hindi ka naman maselan, but you still need to be very careful."

She felt relieved ng marinig ang sinabi ng doctor. Akala niya may masama ng nangyari sa kanyang anak. 

Lumapit ito sa kanya "Do you want to see your baby?"

"Is it possible?" si Quen ang sumagot dito. Excitement was written all over his face. Napaismid siya. 

"Of course Mr. Sarmiento we can even take a photo, gusto mo ba Mrs?" baling nito sa kanya.

"Hindi niya ako M--"

"Yes!" biglang sabat ni Quen sa pagtutol niya sa sinabi ng doctor na Mrs. Baka sabihin pa nito ambisyosa siya. Uminit ang kanyang pisngi, Mrs? Eh niloko la lang siya ng g*g*ng to! Paano siya magiging misis? 

"Magbihis ka muna Mrs." may inabot ito sa kanyang damit ngunit si Quen ang umabot dito. 

"Sasamahan na kita" hinawakan siya nito sa braso para alalayan siyang tumayo. Akmang pipiksi siya ng bumulong ito "Please let me help you, baka mahilo ka na naman" nagma-makaawang bulong nito.

Lihim siyang napasinghap ng maramdaman ang init ng hininga nito sa kanyang tenga. "Kaya ko na..." kinuha ni Ronchie dito ang damit. Habol niya ang kanyang hininga ng maisara niya ang banyo ng ospital. Bakit ganun? Ang dali daling mapektuhan ng katawan niya sa binata. Para siyang sabik na sabik dito.  

Mabilis siyang nagbihis, paglabas niya ng banyo akmang aalalayan na naman siya ni Quen ngunit nilagpasan niya ito. Hindi na makatarungan! Baka kapag naramdaman niya ulit ang hawak nito ay hindi na niya mapiglan ang binatang hilahin pabalik sa loob ng banyo at pupugin ito ng halik.

Pinahiga siya ulit ng doctora sa tabi ng isang parang computer. Malay ba niya kung anong tawag doon. Itinaas ang laylayan ng hospital gown niyang suot hanggang humantad ang makinis niyang tiyan.  Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang dahil ramdam niya ang mainit na titig sa kanya ni Quen. 

Nawala ang atensyon niya dito ng maramdaman ang malamig na gel na ipinahid ng doktora sa kanyang tiyan.

"Are you ready?" nakangiting tanong nito sa kanila.

Ronchie just nodded, hindi siya makapagsalita dahil sa excitement na naramdaman. She'll meet her baby for the first time. Maging ang kanyang katabi ay hindi maitatago ang pagkasabik.

"Tingin kayo sa monitor"  may ipadaan itong bagay sa kanyang tiyan ay lumabas ang imahe dito. 

Bumilis ang pintig ng kanyang puso.

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon