"Falling in love is like the rain
You can't predict it, but you can always see signs of it
Before it completely falls"
Kanina pa nacucurious si Ronchie kung anong ibig sabihin nila Mam Rhomz, Rej at Mg about sa langit na yan. Kaya kahit hanggang ngayong nasa bahay na siya at gumagawa ng lesson plan ay sumisingit parin ito sa isipan niya.
Langit? Natikman?
Nakaramdam siya ng pamamaga ng lalamunan kaya tinanggal niya ang salamin at inilapag. Lumabas siya ng kanyang kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.
Naabutan niyang naghuhugas ng plato ang kapatid. "Te tulog na si Nanay?"
Nagpunas si Rochelle ng kamay matapos isalansan ang hinugasan "Oo kanina Pa"
"Si Cheche?"
"Ayun tulog na rin, napagod maglaro" Rochelle
Kumuha ng baso si Ronchie at ipinatong sa mesa. Pagkatapos ay binuksan niya ang ref para kumuha ng malamig na tubig "Te may itatanong ako"
"Ano yun?" kumuha din si Rochelle ng baso at sinalinan din ito ng tubig
"natitikman ba ang langit?" puno ng kuryusidad tanong ni Ronchie sa kapatid.
Naibuga ni Rochelle ang iniinom sa mukha ni Ronchie at ilang beses itong umubo.
"Yuck Te ano ba! Kailangan sa mukha ko?" inis na saad ni Ronchie. Tinaas niya ang laylayan ng damit at pinunasan ang mukha.
"Babaita ka! Kung anu anong pinagtatanong mo. Saan mo naman napulot ang salitang yan?" mulagat ni Rochelle sa kapatid.
"Basta! Pagkain ba yun? Saan nabibili?"
"uhmmffffffff" hindi na napigilan ni Rochelle ang humalakhak. Lumapit ito kay Ronchie at hinawakan ang noo ng kapatid "nilalagnat ka ba? kung anu anong tinatanong mo? ummmftttttttt" humalakhak siya ulit. "Seryoso Ronchie hindi mo alam kung anu yun? Bente otso ka na!" natatawang wika niya sa kapatid
Sumimangot naman si Ronchie at padabog na nilapag ang baso "Kaya nga tinatanong diba?" inirapan niya ang kapatid at papadyak na naglakad palayo. Bago pumasok sa kanyang kwarto ay rinig pa niya ang paghalakhak nito.
Ano bang mali sa tanong niya?
May sira ata tuktuk ng kapatid niya eh!
***
Kinaumagahan agad na hinanap ni Ronchie si Jhen sa klase niya ngunit wala ito. Gumapang ang pag aalala sa puso niya para sa bata. Kaya matapos ang klase kinahapunan ay nagpasya siyang puntahan ito.
Tipid niyang nginitian si Quen ng madaanan niya ito sa gate kausap si Mang Mario ang kapalitan nito. Nagulat siya ng biglang sumabay ang binata sa kanyang paglalakad.
"Oh tapos na duty mo?"
He nodded "Maagang dumating si Mang Mario" inilagay nito sa bulsa ang mga kamay.
"Pupunta ako ngayon sa bahay ng estudyante ko" pagbubukas ni Ronchie sa usapan.
He turned his gaze to her "Why?"
Bumuntong hininga si Ronchie at kinikip ang libro bago magsalita "Kahapon kasi may napansin akong kakaiba sa kanya. May malaki siyang pasa sa braso at kanina absent siya. Kaya hindi ko maiwasang mag alala"
Quen forehead knotted "Pasa? saan niya nakuha?"
Napabuga ng hangin si Ronchie " Sabi niya nadapa daw siya at tumama sa pintuan. Pero may mali eh, hindi siya makakakuha ng ganung pasa dahil lang sa pagkakadapa"
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.