"She wasn't exactly sure when it happened.
Or even when it started.
All she knew for sure was that
Right here and now,
She was falling hard and she could only pray
That he was feeling the same way"
-Safe Haven, By Nicolas Sparks
"Aka-la ko ba may bibilhin ka?" pilit na pinakaswal ni Ronchie ang boses.
Tumango ito at namulsa "Sasamahan kita in return sasamahan mo din ako"
Binasa ni Ronchie ang binigay ng nanay niyang listahan ng bibilhin. "Sigurado ka?" hindi ito sumagot ngunit nanatili lang itong nakasunod sa kanya. Hindi niya maiwasang mailang dahil pinagtitinginan ito ng mga tao.
Kapansin pansin naman kasi ang itsura nito. Halos tumirik ang mata ng mga babaeng nadadaanan nila. Mapa dalaga man o matanda. Pati ang mga kalalakihan ay sinusundan ito ng nangingiming tingin.
Ang binata naman ay kaswal lang na naglalakad tila walang pakialam kung pinag titinginan ito.
Artista lang ang peg? Siya alalay ganern?
"Aling Simang 3 kilo nga po ng Pork belly at 2 kilo ng buto buto"
"Oh Mam Ronchie ikaw pala, nasaan ang nanay mo?" ani Aling Simang habang kinikilo ang kanyang bibilhin.
Nginitian niya ang matanda "Masama po ang pakiramdam ni Nanay eh kaya ako po ang inutusan"
"ah ganun ba" lumipat ang mga mata nito kay Quen na nasa tabi niya "Ikaw Pogi anong bibilhin mo?"
Itinuro siya ng binata "Kasama ko po" tipid ngunit magalang nitong sagot.
"Boyfriend mo Mam? naku ke pogi! Akala ko eh tatanda ka ng dalaga sayang ang lahi"
Todo ang pag iling na ginawa ni Ronchie "Aling Simang hindi po! Sinamahan lang po niya ako" nag iinit ang pisnging bumaling siya sa binata at bumulong "Pasensya ka na" Okay na sana eh sana mag dilang anghel ito. Pero amfufu ipagdiinan ba namang tatanda siyang dalaga? Kausapin kaya niya ang ina pag uwi at sabihang lumipat na ito ng suki.
Quen just shrugged his shoulders.
"Hah sayang aka-----"
"Yan na po ba lahat?" putol niya sa sasabihin ng ale.
"Oo Mam!"
Pilit siyang ngumit sa Ale "Heto ho ang bayad salamat ho"
"Pano mo malalaman kung sariwa pa ang isda?" curious na tanong ni Quen habang bina bali baliktad niya ang bangus sa kanyang harap.
Kinuha niya ang isa at pinakita dito "kapag ang mga mata ng fish medyo malabo na or cloudy or parang may sore eyes na, hindi na fresh iyon. Tignan mo to" kumuha ulit siya ng isa at ikinumpara dito "kapag ang hasang ay pinkish pa at malinaw ang mata ibig sabihin sariwa"
Tumingin si Ronchie sa nagtitinda "Miss magkano isang kilo?" hindi ito sumagot dahil abala ang tindera sa pagtitig sa mukha ni Quen. "Miss!"
"Ahhh 120 isang kilo" sagot nito ngunit ang mga mata ay nakatutok sa binata.
"Wala ng tawad?"
Nanatili ang paningin nito kay Quen "60 nalang"
Kumunot ang noo ni Ronchie "Sigurado ka hindi ka malulugi?" ginawa na nitong sing mura ng daing ang tinda nito nakakita lang ng pogi.
"Uhuhh libre pa kung ibibigay ni Pogi ang number niya" kumindat pa ito kay Quen.
Agad na inabot ni Ronchie ang bayad "bayad!" hinila niya ang binata "tara na!" Pailalim niyang inirapan ang babae. Ewan ba niya bigla siyang naiinis sa tindera. Kala mo hindi nakakita ng lalake.
Inilapag ni Ronchie ang hawak hawak na pinamili ang iba ay ito ang nagpresintang maghawak. Binasa niya ang kanyang listahan. Nabili na niya ang lahat. Bumaling siya kay Quen "Okay na! Nabili ko na lahat. Pwede na nating bilhin yung sayo"
"Gusto ko ng kare-kare"
"Oh? marunong kang magluto?"
Para itong batang napakamot ito sa batok. He look so adorable! "Hindi, ikaw ang magluluto"
Ronchie pointed herself "Ako?" naloko na... pano yan? Hindi siya magaling magluto. Magtuturo nalang siya, maglalaba, maglilinis huwag lang magluto. Kung bakit ba naman kasi hindi niya namana ang galing ng nanay niya sa pagluluto. Mabuti pa ang Ate Rochelle na nakuha ito.
He nodded! "Tara bilhin na natin ang mga kailangan" aya nito at parang haring nagpatiuna na itong maglakad.
***
Kitang kita ni Ronchie ang panlalaki ng mata ng kapatid niya ng makita siyang bumaba mula sa motor ni Quen. Parang namamalikmatang lumabas pa ito para masigurong siya nga.
"Te patulong!" nguso niya sa mga pinamili niya. Ngunit bago pa ito makalapit ay binuhat na ni Quen ang iba. Tanging ang mga magagan nalang ang naiwan sa kanya.
Napangiti siya ng matamis. Ano kaya ang nilagay ng nanay niya sa kinain nito kanina? Bakit biglang naging maganda ang pakikitungo sa kanya?
"Aray!" nawala ang ngiti niya ng makaramdam siya ng kurot.
"Bakit kayo magkasama?" pabulong na usisa ng kapatid niya.
Umirap si Ronchie kay Rochelle "Bakit masama ba? Awww!" tinampal siya ng kapatid.
"Ikaw kanina ka pa huh! Tusukin ko yang mata mo! Bakit nga kayo magkasama ni Pogi?"
"Nadaanan niya ako kanina. Pupunta lang din naman daw siya ng palengke kaya isinabay na ako. Tulungan mo kaya ako Te?" sabay abot sa gulay ng supot na nasa kamay niya.
Na siya namang paglabas ni Quen "Sige alis na ako"
"Salamat... Teka! gusto mo ba ng tubig?"
"Nah hindi na, just cook dinner for me later"
Nakangiwing tumango si Ronchie sa binata.
"Halika ka nga ditong babaita ka!" hinawakan siya ni Rochelle sa braso at hinila siya papasok. Ng makaalis si Quen "Cook? Ikaw magluluto?" natawa ito.
"Tawa pa more teh?" tinalikuran niya ang kapatid at inayos ang mga pinamili.
"Ano bang iluluto mo?"
"Kare-kare" umupo si Ronchie at nangalumbaba sa mesa "Bakit ba hindi ko namana ang galing niyo ni nanay sa pagluluto? Te anong gagawin ko?"
"Leave it to me sister!" niliyad pa ni Rochelle ang dibdib. "Sisiguruhin nating makakalimutan ni Pogi ang pangalan niya kapag natikman niya ang luto mo"
"Trulalu?"
Lumapit ito at bumulong "lagyan natin ng gayuma, hindi ka na bumabata Ronchie tsaka ampogi nun sayang ang lahi"
Tinaas baba ni Ronchie ang kilay "I lab it sister!" nakangising nag apir pa ang magkapatid.
Gayuma?
Uhmm magandang Ideya! Sayang nga naman ang lahi! Hihi
***
Sorry guys natatagalan mag Ud
Hirap kasi mag Ud kapag pilit baka hindi ko kayo masatisfied
Kaya konting pasensya lang po..
Shy___
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.