Leaving

22.8K 699 55
                                    

Napakislot si Ronchie ng tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong dinampot baka si Quen ang tumatawag. Ngunit agad siyang nadismaya at pinanghinaan ng loob ng ibang pangalan ang nakalagay sa screen.

"Oh Mam Rhomz, napatawag ka?" walang siglang bungad niya dito

"Nandito ako ngayon sa Pegasus." tukoy nito sa isang class at sikat na Resto Bar sa kabayanan. "Bigla kasi nag aya mga kaibigan ko and guess what?" excited na saad nito sa kabilang linya.

"Mam Rhomz, sorry wala ako sa mood makipagkwentuhan ngayon. Masama kasi ang pakiramdam ko sa susunod nalang"

"Ganun ba, nakita ko kasi si Poging guard dito mukhang lasing na"

"ha--h? pakiulit?" biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. Biglang umahon ang pag asa sa kanyang dibdib. 

"Wala! Sige na Mam Ron, pasensya na sa istorbo"

"Teka Mam Rhomz!" pigil niya dito "Sinong nakita mo?" pang uulit niya. Baka iba ang kanyang narinig.

"Si poging guard nandito!"

"Si Quen?" paniniguro ulit niya. 

Humalakhak ito sa kabilang linya "Sino pa nga ba? Ikaw ,kung pogi ang tingin mo kay Mang Mario?" papilosopong sagot nito.

Hindi na siya nagpasalamat ni nagpaalam dito. Pinatay niya ang kanyang cellphone at mabilis na nagbihis. Pupuntahan niya ang binata. Aalamin niya kung anong nangyayari dito.

Paglabas niya ng kanilang bahay saktong may dumaang taxi. Agad niya itong pinara at sumakay.

Tinignan si Ronchie sa side mirror ng driver "Saan po tayo Mam?" 

"Pegasus po Kuya"

Di nagtagal at nakarating siya siya sa Pegasus. Lumikot ang kanyang mga mata at hinanap ang binata. 

Napako ang kanyang tingin sa counter. 

Kulang na lang ay yumuko  na ito sa mesa pero tumatagay parin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kulang na lang ay yumuko  na ito sa mesa pero tumatagay parin. Anong problema ng lalakeng to? May nakakapit pang dalawang babae sa tig isang braso nito. 

Umahon ang inis sa kanyang dibdib at mabilis na naglakad patungo dito. 

"Quen..." tawag pansin niya dito. Pati ang dalawang babae ay bumaling sa kanya. Hindi siya nagpatinag sa matatalim na titig ng mga ito.

"Quen---" hinawakan niya ang balikat nito.

"Back off---- Ronchie?" tinabig nito ang mga babae sa magkabilang gilid nito at humarap sa kanya. Tumayo ito at pinagmasdan siya, maya maya ay tumaas ang sulok ng labi nito at hinila siya sa bandang gilid at isinandal sa pader. 

Hinapit siya nito sa bewang at hinawakan sa kanyang pisngi "Why I can't keep you off my mind?" anito sa tila nahihirapang boses.

Napapikit siya ng unti unting lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. 

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon