Quen The Mysterious Lover 56

23.7K 584 36
                                    

Nanunudyong  tingin ng kapatid ang sumalubong pagpasok nila sa loob ng bahay matapos ang live kissing scene nila sa labas. Namumulang inirapan lang niya ito. Ni hindi niya masalubong ang tingin ng Ina dahil sa hiya dito. Samantalang si Quen ay parang walang nangyaring nagkumustahan pa ang mga ito. Aba close sila! Di siya nainform!

Ng tanungin siya ni Quen kung gutom siya ay biglang kumalam ang sikmura alangan namang mag-inarte pa siya kaya tumango nalang siya. Heto nga at ipinagluluto siya nito ng hiniling niyang pork steak. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siya napalunok habang pinagmamasdan ito. He's not aware how tempting he was. Every time he moves oh emmm geeeeh! His muscles flex. 

"Gutom ka na?"

"ahh?" hindi niya naintindihan ang sinabi dito dahil busy siya habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ang mga muscles nito. 

Napaayos siya ng upo ng malutong itong tumawa "hmm mukhang gutom ka na nga" 

Napapikit siya ng humalo sa hangin ang mabangong amoy ng niluluto nito. Pagmulat niya ng mata ay bumalandra sa kanya ang malapad nitong dibdib. Bakit parang mas masarap ito kesa sa pagkain? Parang nanadyang ipinaglandakan nito ang katawan sa kanya ng tila modelo itong dumaan sa harap niya para kumuha ng plato at ipinagsandok siya.

Inilapag ni Quen ang kanin at ulam sa harap ni Ronchie "Here! Our little one might be starving too" 

"Huh?" napakagat labi si Ronchie at hindi masyadong naintindihan ang sinasabi ni Quen dahil gutom siya. Gutom na gutom siya sa binata. Hihi

Napakunot noo siya ng hindi agad kumilos ang Ronchie para kumain. Bigla siyang kinabahan, hindi ba nito nagustuhan ang luto niya? Naputol ang tangkang pagtatanong niya kay Ronchie ng mapagmasdang mabuti ang mukha ng dalaga. Her lips was slightly parted while looking hungrily at him.  D*mn! He wanted to ravish that lips again!

"Ay palaka tumalon mula sa kaserola!"

Muntik ng mahulog si Ronchie sa kinauupuan dahil sa pagkagulat kung hindi lang maagap na umalalay si Quen dito.

"Aray! Nay naman!" napasimangot si Rochelle ng makatanggap ng hampas mula kay Aling Gloria.

"Alam mong buntis ang kapatid mo ginugulat mo!" mulagat ni Gloria sa nakakatandang anak.

"Pano Nay? Kanina pa tayo hindi pa tayo napapansin"

Napatikhim si Quen at alanganing napangiti "Pasensya na ho Aling Gloria"

Iwinagayway ni Aling Gloria ang kamay "Naku okay lang! Kami eh magpapaalam lang sana. Ikaw muna ang bahala dito kay Ronchie. Isasama ko si Rochelle at mga bata nag - imbita kasi ang kumare ko diyan sa kabilang Barangay. Kaya ako napauwi ng maaga-aga kanina."

Napakagat labi si Ronchie ng marinig ang sinabi ng ina. Biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. 

"O pano? Aalis na kami! Kayo na ang bahala dito sa bahay." paalam ni Aling Gloria.

Si Quen na ang sumagot sa Ina "Oho"

Bago tuluyang umalis lumapit muna si Rochelle kay Ronchie at bumulong " Excited much babaita?"

Hindi umabot ang kurot ni Ronchie sa kapatid dahil mabilis itong nakalayo sa kanya. Ilang beses siyang napalunok. What now? Solo na nila ni Quen ang bahay. 

"Kumain ka na!" basag ni Quen sa panandaliang katahimikan.

"I-- hmm Ikaw? Hindi ka ba kakain?" gustong batukan ni Ronchie ang sarili. Ayaw kasing mag paawat ng puso niya sa pagtalon. Lalo na ng masalubong niya ang mga mata nito. 

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon