Napapikit ulit si Ronchie ng masilaw siya sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napahilot siya sa sintido ng makaramdam ng kirot. Anong oras na ba? Bakit hindi pa siya binubungangaan ng kanyang Nanay?
Te--ka! Sinag ng araw? Hindi naman naabot ng sinag ng araw ang kanyang kama. Muli siyang nagmulat ng mata at iginala sa paligid. Napamulagat siya ng mapagtantong hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan niya. Hindi basta basta ang mga gamit sa paligid, sa tingin pa lang ay mamahalin na.
Biglang dumagundong ang puso niya sa kaba. Nasaan siya? Itinaas niya ang kumot at tinignan ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang iyon parin ang suot niya.
Masakit man ang ulo ay pinilit niyang inaala ang mga nangyari kung bakit siya nakarating sa lugar na ito. Biglang sumalakay ang hindi matatawarang kirot sa kanyang dibdib ng tuluyan ng maala ang nangyari.
Ang kanyang maling akala. T*ng *na naman kasi pinatikim lang siya ng anaconda at ng langit akala niya mahal na siya agad ni Quen. Ang tungkol sa ama na siya daw dahilan ng pagkamatay ng mga magulang nito.
Marahas niyang pinahid ang luhang nakatakas sa kanyang mata ng marinig ang pagpihit ng sedura. Sumungaw doon ang magandang babaeng may maamong mukha. Sa pagkakatanda niya ito ang babaeng tumulong sa kanya kagabi.
Sumilay ang ngiti sa mapupulang labi nito "Okay ka na ba Miss?" naglakad ito palapit sa kanya at may dala dalang tray ng pagkain. Inilipag nito ang dala sa mesa na may hindi kalayuan sa kama. "Hindi ko kasi matanong kagabi kung saan ka nakatira dahil bigla kang nakatulog. Hindi na ako nag abalang gisingin ka kaya dito na kita dinala sa bahay ko" umupo ito sa upuan at humarap sa kanya.
Bigla tuloy siyang nanaghili sa taglay nitong ganda. Samantalang para siyang bangag, sabog ang buhok at namumugto ang mga mata. Napakagat labi siya at yumuko "Salamat..."
Narinig niya ang mahinhing pagtawa nito "Huwag kang mahiya sa akin Miss" tumayo ito mula sa kinauupuan. Lumundo ang kama ng umupo ito sa kanyang tabi at inilahad ang kamay "Aphrodite, Ap nalang" pagpapakilala nito.
Nahihiya man ay tinanggap niya ang kamay nito. "Ronchie" Ng magdaop ang kanilang mga palad ay hinila siya nito at niyakap. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.
Naramdaman ni Ronchie ang mararahang haplos ng palad nito sa kanyang likod "Whatever you're going through right now, hang on!" anitong tila alam ang kanyang pinagdadaanan. Hindi tuloy niya maiwasang maginit ang kanyang mga mata. "Lahat tayo may kanya kanyang sakit na pinagdadaan, pero maniwala ka sa akin Ronchie, sa huli happiness awaits you."
Hindi maipaliwanag ni Ronchie ngunit magaan ang loob niya sa babae. "Salamat..." wala siyang maiusal kundi pasasalamat sa babae. Kung hindi siya nito hinintuan kagabi malamang hindi sa sa malambot na kama magigising baka nga sa ospital oh ang masaklap hindi na siya magising dahil nasa morge na siya. Naghiwalay sila ng makarinig ng mararahang katok.
"Sweetheart?" tila nanantiya ang boses ng lalake sa labas ng pinto.
Ngumiti sa kanya ang babae bago sumagot "Yes sweetheart I'm here!"
Dahan dahang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang pagka gwapo gwapong lalake. He was wearing a suit. Parang artista sa Holywood! Pero para sa kanya mas gwapo parin si Quen. Natigilan siya ng makaramdam ulit ng kirot sa kanyang puso.
Sinaktan ka na nga niya gwapo parin siya sa paningin mo? Sita ng isang bahagi ng isip sa kanya.
"Pasensya na pumasok na ako, hindi na kita maantay sweetheart kailangan ko ng pumunta sa Office" malamlam itong tumingin sa babae at inakbayan. Tingin palang ay dama mo na ang umaapaw ng pagmamahal nito. Masama man pero bigla siyang naiingit sa mga ito.
"Ito pala si Dwayne ang asawa ko, sweetheart this is Ronchie" pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.
"So it's her?" tumango si Ap at nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa.
"Yes sweetheart" sumilay ang pilyang ngisi sa labi ni Ap. Natatawang umiling naman ang lalake.
Inilahad ng lalake ang kamay nito sa kanya na tinanggap naman niya. "Paano Miss iiwan na muna kita kay Misis" bumaling ito sa asawa "I have to go sweetheart, the investors have already arrived" buong pagmamahal nitong hinalikan ang asawa "I love you..." tumango ito sa kanya bilang pamamaalam.
"I love you more sweetheart!"
Siya kaya? Kelan makakahanap ng lalakeng katulad ng asawa ni Ap? Napangiti siya ng mapaait ng maalala si Quen. Akala niya swerte na niya malas pala siya. Baka ganito nga talaga ang tadhana niya. Dapat nga magpasalamat pa siya dahil minsan este ilang beses sa buhay niya nadiligan siya. Kahit na sa huli sa Tigang group parin siya babagsak.
"Aw sorry nakalaimutan ko, Ito pala kumain ka na ng makabawi ka ng lakas." Tinanggal nito iisa isa ang pagkain sa tray at nilapag sa mesa "Natawagan mo na ba sa inyo? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo"
Biglang natigilan si Ronchie. Oo nga pala ni hindi alam ng mga magulang kung nasaan siya. Ito ang unang pagkakataong hindi siya nagpaalam at umuwi ng kanilang bahay. Sigurado siyang alalang alala na ang mga ito. Pero bakit parang ayaw pa niyang umuwi?
Natatakot siyang malaman ang katotohanan na ang kanyang Ama ang naging sanhi ng pagkawala ng mga magulang ni Quen. Bakit? Dahil natatakot siyang kailanman ay hindi siya magagawang mahalin ni Quen.
Magiging makasarili ba siya kung gugustuhin muna niyang manatili dito ng ilang araw? Kailangan niya muna ng katahimikan. Kailangan muna niyang magisip ng bagay bagay. Ayaw din muna niyang makita si Quen "Ap---" nanantiyang saad niya "pwede bang manatili pa ako dito sa inyo ng ilang araw. Kung hindi kalabisan" sinadya niyang kapalan ang mukha. Tatawagan nalang niya mamaya si Mam Rhomz para ipagpaalam siya na hindi muna siya makakapasok ng ilang araw. Hindi din naman siya makakapaturo ng matino sa kanyang mga estudyante sa ganitong sitwasyon.
Dahil nakayuko sa hiya hindi niya nakita ang makahulugang ngiting sumilay sa mga labi ni Ap. "Oo naman! Pwedeng pwede kami lang namang mag anak dito sa bahay" lumapit ito at hinawakan siya sa mga kamay "Ituring mo kaming Pamilya. Sisiguraduhin kong doon din naman ang bagsak mo"
Dahil sa tuwa hindi na niya masyadong naintindihan ang huling katagang sinabi nito. Mahigpit siyang napayakap kay Ap "Salamat ng marami!"
***
Ngumisi ng makahugan si Ap Gotcha! Kuya Quen! as expected ito nga ang inaantay nilang mangyari ni Jenna. Ang manatili sa poder niya si Ronchie ng ilang araw. Para magkaroon ng panahon si Jenna na malaman ang katotohanan sa Likod ng pagkamatay ng mga magulang ng pinsan.
Salamat at gumana ang Plan A, hindi na sila dumating sa Plan B kung saan ay dadaanin sana nila sa sapilitang paraan haha
***
Guys sorry at natagalan ang UD
I've been in a rocky road right now. Please pray for my Tita na sana makasama pa namin siya ng mas matagal. Akala ko sa mga story ko lang mababasa ang mga ganitong sitwasyon. I never thought that i would be experiencing it.
Aja! Laban lang! May awa ang Diyos
Shy___
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.