Lumilipad ang isip ni Ronchie habang nagtuturo, kaya pinagawa nalang niya ng activity ang kanyang mga estudiyante.
Nanlalatang tumayo siya ng mag-alas dose na ng tanghali at nagtungo sa canteen.
Nadatnan niya ang mga kapwa guro at kaibigang sina Rhomz, Mary Grace at Rejvien na umiinom ng malamig na soft drinks. Katulad niya ay hindi maganda ang pakiramdam.
Hinila niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Rejvien. Pagkaupo ay tumingin sa kanya ang mga kaibigan.
"Hang over?" Tudyo niya sa mga ito. Parang siya wala? Buti nalang effective ang ibinigay ni Quen na gamot sa kanya.
"Quen?" Namutla siya, juiceeekoo, pano niya haharapin ang lalaking yun?
Wala sa sariling nasalat niya ang kanyang mga labi. Napakislot siya ng biglang magsalita si Rhomz
"Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko" Hawak ni Rhomz ang ulo.
Nangalumbaba naman sa mesa si Mg "Wala akong naituro sa mga estudyante ko ngayon. Binigyan ko nalang sila ng assignment sabi ko magdala bukas ng tig-iisa silang picture ni captain america"
"Nakapagsalita ang walang hangover. Epekto ba yan ng first ki----- uhmmmmmmp."
Hindi natuloy ni Rejvien ang sasabihin ng agad niyang natakpan ang bibig nito. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Ma'am Rej naman, huwag kang maingay." Namula si Ronchie ng maalala ang tamis ng kanyang unang halik.
Nawala nga ang hangover niya, pero may kissover naman siya. (Hindi maka-get over sa kiss.) Nararamdaman pa ni Ronchie ang mga labing dila nakadikit parin sa labi niya.
Siya namang pagdating ni Rona, ang isa pa nilang kapwa guro. Humila ito ng bakanteng upuan sa kabilang mesa at tumabi sa tabi niya. Inilapag nito ang baon, "saan kayo galing at para kayong nalantang gulay?" Nakakunot noong inisa-isang pinagmasdan sila habang sumusubo.
Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Rona. "Gumimik kayo ng hindi niyo ako isinama?" Malakas na sabi ni Rona.
Napatingin tuloy sa kanilang mesa ang mga estudyanteng nakarinig sa sinabi nito.
Napaubo si Ronchie, ang ibang kasama naman ay napaubo.
Dahil siya ang katabi ni Rona ay hinawakan niya ang kaibigan sa braso para suwayin. "Bibig mo ma'am Rona, pakihinaan."
"Kung saan-saan ka naman kasi nagsusuot, paano ka namin isasama?" Nakasimangot na sabi ni Mg.
"Sorry naman," sumilay ang maluwang na ngiti sa labi ni Rona ay bumulong. "May date ako." Kinikilig na sagot ni Rona sabay subo ng pagkain.
Uminom muna ng tubig si Ronchie bago tinanong ang kaibigan. "Sino?"
Kumislap ang mga mata ni Rona, "secret." Halos tumirik na ang mga mata ni Rona sa kilig. At parang nangangarap na tumingin sa kisame ng canteen.
"Di ikaw na ma'am Rona ang may lovelife." Nakangiwing sabi ni Rhomz.
Isinubsob ni Mary Grace ang mukha sa mesa. "Mukhang tayo nalang ang tatandang dalaga dito." Tila wala ng pag-asang wika nito.
Isinubo muna ni Rejvien ang natitirang pagkain sa plato nito. "Tigang na lang ba tayo for life?" Uminom muna si Rejvien ng softdrinks bago muling magsalita at pabagsak na inilapag ang bote. "Hindi ako papayag, ayokong maging kamukha si ma'am ampalaya." Napalakas ang boses na saad nito.
"Anong kaguluhan to? Sino ang ampalaya?"
"Amfufu, that voice seems familiar, lagot!"
Napaupo sila ng tuwid, ma'am ampalaya ang ibinigay nilang nickname sa principal nilang matandang dalaga. Ampalaya dahil ipinaglihi ata ito sa ampalaya, laging galit at nakasimangot. Kaya sigurgo hindi ito muling nagkaroon ng love life, dahil matatakot manligaw ang sinumang magkagusto dito. May bali-balitang iniwan ito ng kanyang kasintahan noon. Nasaktan ito kaya hanggang ngayon ay hindi na nagkanobyo.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.