01

950 51 1
                                    

Cyd's POV

"Kimmy water?" Sabay abot ko sa kanya ng tubig

"Salamat!" Kinuha naman niya at uminom. On break kami ngayon, 15 minutes lang.

"Yie, dyan nagsisimula yan eh, sweet naman ate Cyd" pangaasar ni Kianna, Lahat sila tinignan kami, tumawa na lang kami ni Kim.

"Iba na talaga ang KimCy" dumila si Mika, tumingin ako kay Kim na tinitignan na ng masama si Mika. Ewan ko bigla na lang nila kami inaasar, simula nung nagttraining pa lang kami for beach volleyball.

Natapos na ang training namin, dumaretso kami sa dorm, since friday naman ngayon at walang pasok. Pumasok ako sa kwarto at nilapag yung gamit ko sabay higa. Sarap humiga, papikit na ko nang biglang may tumalon sa likod ko.

"Aray!" Sigaw ko sabay tulak. Si Kimmy pala, tawa lang siya ng tawa. Kita niyang masakit katawan ko tapos dadaganan ako. Tinignan ko siya ng masama at hindi siya pinansin.

"Huy! Galit ka?" Tanong niya, habang tumatawa pa rin, hindi ako umiimik, di ko siya pinapansin, pinipigilan ko hindi ngumiti. Tinusok na niya cheeks ko,

"Ayaw niya mamansin oh" di pa rin siya tumigil, tapos nagpuppy eyes siya, yung puppy eyes na nakakatawa, hindi nakakaawa. Syempre di ko mapigilan, napangiti na ko sabay tawa.

"Ano nanaman ba problema mo?" Ngumiti siya. Ngiting tagumpay. Tinusok niya dimples ko, hay kimmy talaga. Siya lang mahilig gumawa nun.

"Samahan mo ako please, inutusan nila ko mamili ng mga ingredients para mamaya, magluluto daw sila, ewan ko kung sino"

"Team KAFtain inuutusan?" Tawa lang ako ng tawa, siya naman tong tumingin ng masama sa akin.

"Tatawanan mo lang ba ako o sasamahan mo ako?"

"Tatawanan muna tapos sasamahan ka.matitiis ba naman kita?"

"Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako matitiis, mahal mo talaga ako" sabay wink, ano nanaman nakain nito ni Kimmy. Tumayo na kaming dalawa., nagsuot kami ng jacket at lumabas na ng room, halos lahat sila nasa may sofa.

"Uy magddate yung lovebirds!" Sigaw ni Ara, lahat naman sila nag ' yiee' at tumawa.

"Uy umuwi kayo ah? Mamaya niyan makalimutan niyo na kami" dagdag naman ni Mika.

"KimCy! Team Real na!" Ewan ko ba san nakukuha ni Kianna yung mga ganyan, magaling talaga siya pagdating sa mga ganyan. Umalis na lang kami at pumunta na sa store.

"Bili tayo nun oh!" Turo ko naman.

"Wag na, eto lang bibilhin natin oh" pinakita niya yung phone niya na may listahan ng bibilhin.

"Sinamahan na nga kita, di mo pa ko pagbibigyan" kunyari nasaktan ako, tapos malungkot, tinignan lang niya ko sabay kamot sa ulo.

"Sige na nga! Isa lang ha? Isa lang." Pumalakpak ako at ngumiti, tinusok niya dimples ko sabay ngiti rin. Nang matapos na kami mamili, may nakakita samin, mga fans konti lang naman at nagpapicture.

"Kayo na po ba?" Tanong nung isa, bigla kaming nagulat at tumawa.

"Magkaibigan lang kami, sobrang close lang talaga namin" sagot ni Kim, ngumiti lang ako, na parang sumasangayon . Oh, kaibigan lang daw, close lang talaga.

"Sayang naman, bagay pa naman kayo" sabay nagtawanan kami. Shiniship man nila kami pero hindi naman ganun naapektuhan yung pagiging close namin even if nasa public kami. Bumalik na kami ng dorm, at syempre pagod.

"Andito na pala sila eh, musta ang date?" Si Ara talaga, napakabully rin minsan.

"Ang sweet sweet niyo naman talaga mamili, grabe, buti di kayo nilanggam?" Mas lalo na tong si Mika. Bully talaga. Pagnagsama sila ni Ara, kawawa ka talaga. Nagdemonstrate pa silang dawala na magkasama kami, pati yung simpleng akbay. May nagpost daw sa twitter. At syempre, nagpahinga na muna kami ni Kim sa sofa. Kapagod talaga.

"Sandal ka na" hindi naman nako tumangi at Sumandal ako sa kanya at tuluyan nang napapikit.

Kim's POV

"Wag ka maingay! Mamaya magising pa silang dalawa, yari tayo"

"Ano okay na? Patingin nga!"

"Sweet talaga nila oh! Ang cute pa!"

Pagmulat ko ng mata ko sina Mika at Ara may hawak na phone, habang sina Kianna, dawn, majoy nasa likod, hindi ko alam kung kinikilig o tumatawa. Pagtingin ko sa kanan ko, si Cyd nakasandal pa rin. Pati pala ako nakatulog na rin. Tinignan ko yung oras 9:30 na ng gabi.

"Itigil niyo nga yan! Hindi niyo man lang kami ginising para kumain" pabulong kong sinabi.

"Sarap sarap ng tulog niyo, mas masarap pa sa luto ni Ara at Majoy" tawa naman si Mika, tumingin sa kanya si Ara ng masama.

"Kaya pala ang dami mong nakain" sagot naman ni Ara, sabay dila.

"No choice lang ako, walang ibang kakainin eh" patanggol naman sabi ni Mika, eto talagang dalawa, isa pa.

"Anyway, yung food nasa table, initin niyo na lang if you want, matutulog na rin kami, bawi man lang ng tulog. " dagdag ni Mika.

"Oo nga ate Kimmy, goodnight! Ikaw na bahala kay Ate Cyd ha?" Pahabol ni Kianna, di na siya lumapit para manghug since nasa may shoulder ko si Cyd, di ako makakagalaw.

"Goodnight KAFtain!" Kumaway si Dawn at Majoy at umalis na sila. Grabe, hindi man lang kami ginising. Sabagay ayoko rin naman na maputol agad tulog ni Cyd, since sinamahan naman niya ako.

"Cyd... Cydddd...didit! Gising na, kakain na tayo"

"Hmmmm" napakasarap talaga ng tulog niya. Ang himbing himbing.

"Uy Cyd! Gising na" shinake ko siya konti, at binuksan niya na mga mata niya, umalis siya sa pagkasandal at nagstretch siya, dun ko na naramdaman manhid yung right shoulder ko, nagstretch ako.

"Uy sorry! Masakit ba?" Tanong niya sabay hawak sa right shoulder ko.

"Hindi, nagstretch lang ako, okay lang no" masakit man, pero okay lang, atleast nakapagpahinga siya kahit papaano.

"Kain na tayo Cyd, gutom na ko" hawak ko tyan ko, ngumiti naman siya, dimples nanaman niya lumalabas, tinusok ko naman, ang cute lang kasi talaga. Kumain na kami, masarap talaga yung pagkain. Maya maya natapos na rin kami kumain

"Ako na maghuhugas" tumayo ako at niligpit yung mga pinggan namin.

"Tulungan na kita" tumayo siya at nilagay yung natirang ulam sa ref.nagsimula na ko maghugas ng pinggan.

"Kimmyyyy!" Sigaw niya.

-----

First Chapter! Yung cover ng book, on process pa. Hahaha. Sana magustuhan niyo. Should i continue? Or hayaan na lang to? Feel free to comment your suggestions and reactions. Don't forget to vote! Thank you!

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon