12

343 37 9
                                    

CYD

"Siya to dba?" Sabay pakita sa akin ng phone. Siya nga! Galing talaga nitong babae na to.

"Siya na nga!" Kinuha ko yung phone niya at nagscroll ng nagscroll. Tin pala pangalan nun ah? Buti talaga andito si Kianna. Nagscroll lang ako ng nagscroll. 

"Uy ano yan achi?" Agad kong tinago yung phone. Papalapit na si Yeye.

"Wala."

"Eh ano meron sa phone?" Umiling ako. Habang hawak hawak yung phone.

"Ate Ye, yung picture niya kasi... Dinedelete lang niya " tinignan ko si Kianna, sumesenyas, giving that sakyan-mo-na-lang look.

"Oo. Eto kasing si Kianna eh, picture ng picture. Ang pangit ko kaya sa mga picture" patawa kong sabi na umiiling pa ako. Inabot ko na kay Kianna yung phone. Hindi na nagsalita si Ye. At buti naman.

"Hello! Oh-- miss mo nanaman ako no?" Napalingon kami sa nagsalita. Sino pa ba? Edi walang iba, si Kim.

"Miss mo lang ako eh. Don't worry magkakasama naman tayo later" palakad siya sa amin. Tinapik niya si Yeye na nagthumbs up lang sa kanya. Tinignan naman ako ni Kianna, nginitian ko lang siya, bago pa bumalik sa taas. Nawala ako ng gana kumain. Ewan ko ba.

Naligo na ako, since may training pa kami. Iwasan ko muna kaya siya? Bakit kaya mo ba? Bakit, sa tingin mo makakabuti sayo yun? Tsk. Ayan nanaman si konsensya eh. Umeepal nanaman. Bahala na nga.

Nauna na ako  sa gym, since di ko magawang makausap si Kim, pano ba naman busy sa phone niya. Kala mo walang bukas. Hay.

-----

"Oh san ka pupunta bruh? Pogi natin ah?" Pabirong sabi ni Ara.

"Pupuntahan bebeloves niya" ouch!

"Akala ko ba kay didit ka?" Wala, hanggang panaginip lang yan Majoy.

"Ouch, my kimcy Heart" padramang sabi ni Noreen.

"Mga baliw kayo! May pupuntahan lang" pupuntahan kasama siya? Hay nako kimmy.

"Ano naman masasabi mo?"  Tanong ni Majoy na pakunyaring may hawak na mic.

"Bakit ka kasi naghahanap pa ng iba, andito naman na ako oh. Dati pa. Hindi ko maintindihan bakit sa iba ka pa tumitingin." Pwede bang sabihin ko yan? Syempre hindi.

"Ingat" yan na lang nasabi ko. Hay.

Nag "Ohhhhhh" naman sila. Tinignan ako ni Kianna, I think nakakaramdam na siya. Should I tell her? How I really feel? Umeenglish ang lola mo! Hahaha.

Tumayo ako para umakyat na sa room, lalo naman lumakas yung "ohhh" nila. Pagdating ko sa room, napaupo na lang ako sa higaan ko. Ano na gagawin ko?

Maya maya, Tumunog yung phone ko. Si Ricci, tumatawag.

"Hello. Oh Napatawag ka?"

"Ha? Nakalimutan mo na ba? Bibili tayo ng gift dba?" Ay oo nga! Talaga naman oh! Birthday na pala ni Kimmy next week, at nagpapasama ako sa kanya. Bakit ba nakalimutan ko pa yun?

"Ahh ehh--"

"Nakalimutan mo no? Andyan na ko ng....mga..... 20 minutes. Magayos ka na. Go go go!" Grabe rin makautos tong lalaking to no.

"Oo na. Sige na, babush!" Binaba ko na yung tawag at agad naman ako nagbihis. Okay naman na siguro na magshirt lang ako at shorts. Bibili lang naman. Inayos ko na yung bag ko, phone at wallet lang naman ang laman. Sa baba na lang ako maghihintay.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon