23

305 29 9
                                    

KIM

"Kimmy.." Napalingon naman agad ako. Tin?! Ano ginagawa niya dito? Pano siya nakapasok dito?

"Ano ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?" Ni hindi ko man lang siya nabati. Agad naman siya natawa

"Wala man lang 'Hi'? Ayaw mo ba ko makita?" Pabiro pa niyang saad. May training pa din kasi ako at mamaya dumating na si Cyd at makita kami.

"Hindi naman sa ganun.." Napakamot ako sa ulo ko.

"No need to explain, at hindi naman ikaw pinunta ko dito eh. " nanaman? Last time hindi rin ako pinunta niya sa dorm at ayun na nga.Hindi ko siya sinisisi or what sa nangyari, since wala rin naman siya kaalam alam

"Ha? Eh sino?" si Ye nanaman ba?

"Assuming ka kasi masyado. Si Cyd. Gusto ko lang siya makausap" Si Cyd? seriously? Kung  alam lang niya nangyari.

"I think hindi pa to yung tamang oras besides wala pa siya. Hindi pa siya dumadating" pageexplain ko. Ayoko na rin sabihin sa kanya patungkol sa nangyari alam ko dadamdamin nanaman niya.

"Ha? Hindi man lang si--"

"Oh Tin napadalaw ka? Ano ginagawa mo dito? Kimmy magsstart na daw tayo. Pumasok ka na daw sa loob" Si Yeye. Gulat na gulat yung itsura niya nang makita niya si Tin.

"Eh si Tin" Turo ko kay Tin kahit alam kong nakita na niya.

"Ako na." pilit naman ni Ye. Sabay tulak sa akin. Hindi na ko umimik at dumiretso na lang sa may gym. Teka, baka alam ni Ye asan si Cyd.

MIKA
Buti na lang talaga nakalabas ako agad kundi baka mamaya nasabi na ni Tin kay Kim. Nako laking problema pa man din yun.

"Gusto ko sana makausap si Cyd, Miks" pagsisimula ni Tin. Seryoso yung itsura niya.

"Alam mo hindi to tamang oras Tin. Dba nga?" Kwinento ko na sa kanya tungkol sa nangyari. At ngayon naisipan niya pang kausapin siya.

"Baka mapigilan ko pa siya. Afterall ako yung may kasalanan" Eto lang yung mahirap dito. Iniisip niya siya yung may kasalanan, na sana hindi na lang siya pumunta o biniro man lang si Kim.

"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan alam mo naman yun." Paguulit ko. Hay nako naman.

"Miks, tinutulungan ko na rin si Kim. Kaya please pagbigyan mo ko"  Pakikiusap niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala dito si Cyd."

"Hindi man lang siya nagpaalam?" Pagtataka niya. Hays. No choice lang talaga si Achi

"Alam niyang sobrang daming itatanong sa kanya at pipigilan lang siya ni Kim." Well ang bilin nga niya sa akin eh, wag hayaan malaman ni Kim until makadating siya sa Cebu.

"Sige. I'll just go na lang Miks" Pagpapaalam niya. Kita naman sa mukha niya na nalulungkot siya.

"Hindi, gusto mo stay ka muna para manuod ng training namin? Okay lang naman"  sayang naman kasi pinunta niya. Okay lang naman maniod siya talaga

"Wag na Miks. Balitaan mo na lang ako"  Nagstart na siyang umalis, at hinayaan ko naman na siya. Hays. Ano ba tong mga nangyayari na to. Kasi naman kung di ko sinama si Kimmy..

Speaking of Kimmy, pano namin sasabihin na aalis na si Achi mamaya? Eh bilin ni Achi wag daw namin sabihin kay Kimmy, at baka pigilan siya. Hays. Bahala na nga.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon