26

284 33 10
                                    

CYD

Pangatlong araw ko na dito sa Cebu, pero wala akong gana. Wala akong gana umalis, umikot ikot or ano pa man. Parang pumunta lang ako dito para lang magstay sa kwarto ko. Hays.

Ano na ba nangyayari sa akin. Pano ba naman, kahit sa pagtulog ko, sa panaginip ko si Kimmy andun pa rin. Simula paggising hanggang pagtulog. Ano ba to.

Nagugutom na ko. Ano kaya niluto ni Mama? Gusto ko ng cake. Kaso tinatamad ako lumabas para bumili. Hay nako talaga Didit. Umayos ka nga! Nababaliw na talaga ako.

Paglabas ko ng kwarto, agad ko nakita si mama papunta sa guest room, may dalang mga unan at kumot. May bisita ba? May dadating? Hala? Agad naman ako sumunod sa kanya.

"Ma, bakit ka nagaayos? Sino bisita?" Nanlaki mata niya at ngumiti sa akin.

"Bakit nak, masama na bang magayos? Wala gusto ko lang magayos" sipag naman oh! Hay, makababa na nga para kumain.

"Sige Ma, kain na ko" pagpapaalam ko bago pa ko tuluyan bumababa. Pagkapunta ko sa may kusina, ang daming pagkain. Namalengke sila? Wow. Ano meron? May something ba silang alam na hindi ko alam?

"Oh, buti bumaba ka na rin. Kain na" pagyayaya ni Ate Eshemee.

"Atingst, Ano meron? Si Mama nagaayos ng guest room, tapos eto ang daming pinamalengke"

"Masama ba magayos? At Syempre, andito ka, kaya kami namalengke. " napatango na lang ako. Sabagay, ganito naman talaga sila pag andito ako. Kumuha na ako ng pagkain at syempre, balik ulit sa kwarto.

KIM

"Oh ate Kimmy, dala mo na ba mga kailangan mo?" Hay nako, pangilan tanong na ni Kianna sa kin yan. Dalawang araw lang rin ako dun, akala mo ilang taon ako mawawala.

"Yes. Okay na" pagilan sagot ko na sa kanya to.

"Ate Kimmy, Hi mo ko kay Twinnie ah?" Pagdadagdag ni Tin, well nalaman nila na pupunta ako sa Cebu, thanks kay Kianna na pinagkalat na sa iba naming teammates. And yes, alam na rin nila yung nangyari. Paano? Well..

-flashback-

"Ate Kimmyy, kung magdala ka kaya ng cake at flowers dun kay ate gurl?" Suggest ni Kianna. Ay nako sa harapan pa talaga ng ibang teammates namin pinagsabi.

"Wait, ate Kimmy, pupunta ka sa Cebu? Pupuntahan mo si Twinnie?" Ito na sinasabi ko oh. Start na ng pagtatanong. Sinimulan pa ni Tin.

"Grabe effort natin ah? Aamin ka na ba ng nararamdaman mo Kaf?" Hindi ko alam kung nang aasar ba to si Majoy or nagtatanong lang.

"Sabi ko na nga ba eh, may nararamdaman ka na para kay ate didit" pagbibiro ni Mayang. Tong mga batang to talaga.

"Halata naman kasi na may gusto silang dalawa sa isa't isa dba?" Pagdadagdag ni Dawn.

"Ang cute nga nila eh, ang sweet pa" kinikilig na sabi ni Michelle.

"Like nung nawalan ng focus si Kaf, nung andun si Ricci for Ate didit" Pano nalaman ni Justine yun? grabe napansin pa talaga niya yun?

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon