16

381 35 7
                                    

KIM

"Didit?" Pumasok ako sa kwarto namin. At nakita kong nakabihis siya. San naman to pupunta? Gabi na ah? Ni hindi siya lumingon sa akin. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Pero di ko magawa.

It's been 2 days since yung nangyari pero hanggang ngayon galit pa rin siya. Nakakausap  ko man siya pero ang cold niya. Mukhang mahihirapan ako sa plano ko na mapatawad ako ni Cyd.

"Oh?" Hindi pa rin siya lumilingon. Kinuha niya yung phone niya at wallet at nilagay sa bag niya.

"San ka pupunta?"

"Dyan lang" hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Samahan kita?"

"Wag na." Agad siyang tumayo, hindi man niya ko tinignan at lumabas na ng pinto. Gabi na  ah? Alam kaya ni Kianna san pupunta si dit?

Lumabas ako at dumiretso sa kwarto nina Kianna. Busy siya sa phone niya, may pangiti ngiti pa siya. Sino naman kaya kausap nito? Tumingin siya sa akin at binaba yung phone niya.

"Oh ate kimmy, bakit?"

"Alam mo ba san pumunta si Cyd?" Napakunot noo naman siya at napaisip.

"Wala nabanggit si ate Cyd" san naman pupunta yun? 6:30 na oh. Umalis na ako at bumalik sa kwarto namin. Agad ko kinuha phone ko. May 5 texts at 2 missed calls from Tin.

" Tuloy pa ba dinner natin?"
"Bogs! Tuloy pa ba? :("
"Gusto na kita makasama"
"Bogs?"
"Uy! :(" 

Hala sht. Oo nga pala, may dinner kami ngayon. Nakalimutan ko. Well kahit naman sa nangyari at hindi in good terms sila ni Yeye, hindi pa rin nagbabago kung ano meron sa aming dalawa. 

Pero si Cyd? Pano si Cyd? Hindi ko alam asan siya, hindi ko alam kung okay lang siya. Di ko alam ano nangyari dun. This time, siguro kailangan ko muna icancel tong dinner namin ni Tin. May next time pa naman dba?

"Sorry Tin. Pwede ba next time na lang? Sorry talaga. :( babawi na lang ako" I pressed send at nilapag yung phone ko.

---

9:30 na pero wala pa siya? Ni text or call wala? Tinanong ko na lahat ng teammates ko, di nila alam kung asan siya. Asan nga ba siya? Ugh. Sino tatawagin ko? Sino tatanungin ko? San ko siya hahanapin? Nagaalala na talaga ako. Biglang nagring yung phone ko 'Doraaa ❤️'  agad kong kinuha at sinagot yung tawag. Yes finally!

"Hello?" Ang ingay. Wait what!? Nasa bar ba siya?

"Uy sinagot niya oh! Hahaha. Akala ko busy ka sa jowa mo eh hahaha" Lasing na siya. Lasing na lasing na yung boses niya.

"Asan ka?"

"Dati nasa puso mo hahaha. Pero tinapon mo ko eh pinalitan mo na ko hahaha." Ano ba pinagsasabi nito?

"Asan ka nga? Cyd, asan ka?"

"Wow, may paki ka pa pala? Hahaha." Sarcastic yung boses niya. Pero lasing na lasing pa rin.  Nakatayo na ako at ready na kong umalis para sunduin siya.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon