24

350 28 12
                                    

KIM
Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yung mga ganito, hindi pala. Kahit sa totoong buhay nangyayari. Hindi ko alam, kung bakit ba palaging traffic papuntang airport at hindi siya sumasagot ng phone

"Wala na po bang ibang daan?" Naiirita kong tanong, kailangan ko siyang maabutan. Ugh! Hindi siya pwede umalis nang hindi ko siya nakakausap.

"Pasensya na ho, ito lang talaga yung daan" napabuntong hininga na lang ako. Talaga naman oh! At parang pangyayari lang sa pelikula, tinignan ko yung metro at nagbayad agad sa driver at lumabas na ako. Tatakbuhin ko na lang papunta dun. Ganun ata talaga, mapelikula o totoong buhay, basta pag may hinahabol kailangan gumawa ng iba pang paraan.

Cyd, please wait for me. Bulong ko sa sarili ko. Pilit ko pa rin siyang tinatawagan pero wala, hindi talaga siya sumasagot ng phone. Alam ko nagtitinginan na yung tao sa akin sa pagtakbo ko, pero wala na kong pake dun, kilala man nila ako o hindi, basta ang importante mahabol ko si Cyd.

Patawid na ako nang bigla naman nagvibrate yung phone ko Napangiti ako dahil may 1 new message, pero nawala agad ngiti ko nang makita ko yung pangalan ni Tin. Ineexpect ko pa naman kasi si Cyd.

Akmang bubuksan ko na sana yung message nang biglang may sumigaw.

"Tabi! Hoy!" Napalingon na lang ako bigla, may isang motor na padaan, sinubukan kong makaiwas pero natamaan yung paa ko. Sht. Ang sakit.

"Okay ka lang ba? Dalhin na kita sa hospital tara" Tinulungan niya ako makatayo. Ang sakit, pero kaya ko pa naman. Nakatayo pa naman ako, pero lalo lang mapapabagal paghabol ko kay Cyd. Sunod sunod na tong mga nangyayari, ano pa yung next?

"Okay lang po ako. Sige una na ko" pinilit ko magsimula nang maglakad.

"Sigurado ka ba? Patingin muna natin" nagthumbs up lang ako at nagsimula nang maglakad, binilisan ko ng lakad habang hawak ko hita ko.

Maya maya nakarating na ko sa airport, agad akong pumasok. Sht, ang laki pa man din, san ko siya hahanapin? Hays! Naman talaga oh. Pumunta ako sa may mga upuan, bawat line na ata tinignan ko pero wala talaga siya. Asan na ba siya? Nakaalis na ba siya? Hindi pwede to.

Napalingon ako sa gilid, at ayun nakita ko na yung taong hinahabol ko, nakacap pa siya, pinapakita na niya yung ticket niya. Ika ika akong lumapit habang tinatawag siya. Pero hindi siya lumilingon, bakit ba siya nakaearphones kasi?

"Cyd! Didit!" Sigaw ko pa, nang makarating na ako sa guard bigla niya akong hinarangan.

"Ticket po?"

"Kailangan na kailangan ko lang po makausap yung babaeng yun!" Sabay turo kay Cyd na patuloy sa paglalakad, napatingin naman yung guard kay Cyd at bumalik ng tingin sa akin.

"Luma na yan. Di po talaga pwede eh. " natawang sabi pa nung guard. Hindi talaga siya pwede umalis. Hindi siya pwede umalis, hindi pa niya naririnig yung sasabihin ko.

"Kailangan ko lang talaga, please lang. " pagpupumilit ko sa kanya. Napailing lang siya.

"Sensya na ho." ano pa ba magagawa ko? Wait try ko ulit siyang tawagan. Nanginginig ako habang hinahanap yung name niya sa contacts ko,Kaso hindi na nagring, pinatay na niya yung phone niya. So wala na talaga? Wala na?

Napaupo na lang ako bigla sa may mga upuan. Nanghihina ako, hindi dahil sa nabangga ako kanina kundi dahil hindi ko siya naabutan,sana hinintay muna niya ako, sana narinig muna niya mga sasabihin ko. Tumulo na yung luha ko. Ano ba naman to.

"Dba si Fajardo yun?" Naririnig kong sabi nung sa may dulo ng helera ng upuan.

"Hala? Oo nga ano kaya ginagawa niya dito?" Tanong naman sa kanya nung isa. Pinunasan ko agad luha ko. Makita pa nila kong umiiyak.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon