32

353 30 17
                                    

CYD

Ewan ko ba bakit pa ko sinama ni Kimmy. Dapat si Yeye na lang at Kimmy talaga. Kaso sabi ni Tin gusto daw niya rin ako makita bago siya umalis.

Aalis na kasi siya. Pupunta na daw siya ng States. Ayoko rin naman umalis siya na iniisip na masama pa rin loob ko sa kanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kimmy.

"O-okay lang ako" okay lang talaga ako. Ngumiti ako kay Kimmy at uminom ng tubig. Andito na kami sa restaurant. Si Yeye, nagc-r. Si Tin naman hindi pa dumadating. Natraffic daw kasi siya.

"Teka lang ah? May bibilhin lang ako" 

"Uh...Sige!"

Iniwan nila ko. Hay nako. Antagal ni Ye magcr ano ba naman yan. Wala akong makausap. Maya maya dumating na rin si Tin.

Bakit ngayon pa talaga? Kung kailan wala si Kim at si Ye. Dun pa talaga siya dumating. Ang awkward kaya.

"Hi! Asan sila? Sorry na late ako ha? Ako pa talaga nalate" umupo siya sa tapat ko at ngumiti. Sa tapat ko pa talaga.

"Okay lang yun. Si Ye nagcr tapos si Kim may binili lang" ngumiti rin ako sa kanya.

"Speaking of Bogs, I mean kimmy, musta na kayo?" Sinadya ba niya talaga yung 'Bogs'? Hay nako. Lahat nalang nilalagyan ko ng meaning. Baka di niya talaga sinasadya.

"Uhm.. Wel--"

"Ay wait. May kayo nga ba? I mean kayo na ba?" Tumawa siya bigla. Hindi ko alam kung sadyang hindi nakakatawa or hindi ko lang nakitang nakakatawa sinabi niya. Nagpanggap na lang akong tumawa.

"Hind--" hindi nanaman niya ko pinatapos.

"Akala ko ba nagkaaminan na kayo?"  Nagkaaminan na nga kami. Grabe nga effort niya nun. Hays. Grabe one week na halos nakalipas simula nun.

"Oo nga. Pero.." Pero? Hindi ko alam idudugtong ko. Parang walang pumapasok sa isip ko na pwedeng idugtong dun.

"Pero wala pa ring kayo? So ano kayo? Teammates with feelings? I'm so sorry. Para kasing isang joke. Sorry." Tumawa nanaman siya sabay inom ng tubig. Lahat ng sinasabi niya tumatagos.

"Hindi okay lang, kahit ako, Di ko rin alam eh" sabay tawa rin ako. Nagroll eyes siya na pabiro, I think.

"Gosh..Oh Miks!"  Tumayo siya at niyakap si Yeye. Buti na pang rin dumating siya hindi ko alam kung ano pa dapat niyang sasabihin. Habang ako nakaupo. Hindi ko alam gagawin ko.

"Kanina ka pa ba? Sorry! Ang sakit kasi ng tyan ko" hawak ni Ye sa tyan.

"Okay lang yun. Okay ka na ba?"

"Okay na okay na. Teka asan si Kimmy?"

"Excuse me"  Tumayo ako bigla. Di ko na talaga kaya.

"May binili lang daw eh. Baka gift para sa akin. Joke"  Narinig kong sagot ni Tin. Agad ako pumasok ng cr at pumunta sa isang cubicle.

Bakit ang sakit? Tagos lahat ng sinabi ni Tin. Ni isang tanong niya wala akong sagot. Wala akong sagot, hindi dahil hindi niya ko pinapasagot. Wala akong sagot kasi, kahit ako hindi ko alam yung sagot.

Tama naman siya eh. Wala pa rin  'Kami' ni Kimmy. Kahit ano pang sabihin ko. Umamin na kami sa isa't isa. We act like a couple but still teammates lang kami. Teammates with feelings. Sabi nga ni Tin kanina.

'May kayo nga ba?' Paulit ulit sa utak ko. Dapat hindi na ata ako sumama talaga. Kung alam ko lang nagiging ganito. Hindi na lang talaga ako sumama.     

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon