06

407 44 5
                                    

KIM

"Water?" Alok ko sa kanya.

"Okay lang, thank you" sagot naman niya at lumayo sa akin

Ano ba problema non? Ilang araw na siyang ganyan. Lumalayo pag lumalapit ako

"Ate cyd! Water oh" Alok ni Kianna sa kanya.

"Thank you" sabay tanggap. Kay Kianna tinanggap pero nung ako hindi? May nagawa ba ako?

Kakatapos lang ng training namin. Nakakapagod pero worth it naman, bumawi ako ngayon sa training dahil nga sa nangyari last time, ang poor ng performance ko.

"Good job Kim. Maganda performance mo. Binawi mo talaga" pinat naman ako sa likod ni Coach Noel.

Nagstart na yung iba pumunta sa shower room. Habang ako napaupo muna. Medyo masakit paa ko. 

"Ara! May extra shirt kang dala?" Tanong ni Cyd.

Bakit kaya di niya ako tinanong una? OA mo Kim. Bakit ikaw lang ba kateam niya? Hay nako konsensya, tahimik please.

"Wala eh. Tanong mo si Ye, baka meron"  sagot naman ni Ara.

"Ye, may extra shirt ka?"

"Tanong mo si Kia--"

"Wala rin daw eh" Nakalimutan nanaman siguro niya magdala. Napakamot naman siya ng ulo.

"Si Kimmy! Yan palaging may extra" sabay turo sakin ni Ye. Agad naman ako napayuko, kunyari wala ako narinig. Napabuntong hininga naman si Cyd.

"Kim. May extra shirt ka? Peram naman oh"

Binuksan ko bag ko at binigay yung green shirt ko.

"Thanks. Balik ko na lang" at umalis na siya. Cold cold naman, ni hindi man lang siya tumingin sa mata ko.  Hinintay ko siya makarating sa shower room bago humarap kayna Ara

"Problema nun?" Nagkibit balikat lang silang dalawa, at nagpatuloy sa paglalagay ng gamit sa bag.

-----

"Uy guys nabalitaan niyo ba yung Haunted Mansion? Maganda daw dun!" balita ni mowky.

"Kailan pa naging Maganda ang isang haunted?" Tanong ko naman.

Bigla naman may nangbatok sa akin. Si Ara.

-____________-

"Ewan ko sayo Kimmy!" Sagot ni Mowky. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Punta kaya tayoo? " suggest ni Yeye.

"Pass ako dyan" sabay subo ng popcorn ni Cyd..






Si Cyd..

Oo nga pala. Ayaw na ayaw ni Cyd sa ganyan. Medyo okay pa siya sa horror movies pero pag ganyan? Nako! Grabe makasigaw. Yung mukha niya non.

"Oh, ngiti ngiti ka dyan?" Huh? Di ko naramdaman nakangiti na pala ako.

"Ang sabihin mo Ate Ara, may naalala lang yan" sabay tawa si Kianna. Binigyan lang siya ni Ara ng ano-ibig-mong-sabihin look. At tumingin kay Yeye na alam-mo-ba-ibig-sabihin-niya look. Natawa naman si Yeye.

"Sama ka na Achi! Minsan lang naman to eh" pilit naman ni Yeye.

"Oo nga ate cyd, nagenjoy ka naman noon dba?" Taas baba ng kilay sa akin ni Kianna.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon