03

432 49 0
                                    

CYD

"Boring talaga dito, magmall muna kaya tayo?" Suggest naman ni CJ. Hindi ko naman siya masisisi since, talagang boring ngayon. Nanunuod lang kami dito sa may sala.

"Oo nga, para may magawa naman tayo" sumangayon naman si Eli.

"Kayo na lang, tinatamad ako" sagot naman ni Kimmy sabay patong ng ulo niya sa shoulders ko.

"KJ mo naman kim!" Tinulak ko sya,tinignan niya ko. Yung nagtatampo-ako-look. Napangisi naman ako sa itsura niya, para nanaman siyang batang inagawan ng candy.

"Sama ka na kasi" bulong ko sa kanya with matching puppy eyes, hindi niya ko tinitignan. O PLAN: pilitin si Kimmy sumama.

"Huyy.... Kimmyyy!" Hay nako ayaw talaga magpatinag nitong babaeng to. "Pleaseee. Libre kita ice cream mamaya" sabay yakap sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Kiss mo muna ako" nagpout siya bigla.

"Hello? Andito kami oh!" Sigaw naman si CJ. Bumitaw ako sa pagkayakap kay Kim. Kasi naman eh.

"Eto kasi si Kimmy eh! Daming arte pa" depensa ko sa sarili ko. Tinignan lang ako ni Kim.

"Ako nanaman...Sige na sasama na ko" tumayo naman si Kim, habang nagpalakpakan sila. Tumayo na rin ako at sumama kay kim, since roommates din naman kami. Pag dating namin sa kwarto agad ako pumunta sa may closet ko, ano ba susuotin ko? May t-shirt na lang kaya ako tas shorts. Di naman siguro malamig dun

"Ano susuotin mo Cyd?"

"Shorts"

"Pangtaas mo?" Sinilip ko muna siya. Busy sa paghahanap ng damit. Kala mo naman kung saan pupunta. Hay kimmy talaga.

" sleeve-less, ikaw?" Biro ko sa kanya. Ayaw nya ko nagsusuot nun, kung magsusuot man ako, nako. Pahirapan pa sa pagsuyo sa kanya, hinihintay ko siya magreact, nakakatuwa kasi talaga mukha niya pag pinagsasabihan o pinagbabawalan niya ko, ewan ko ba. Ang cute niya lang talaga. Wait, what? Anong cute! Ugh!

"Anooo???" Lumapit siya agad sakin, itsura niya talaga oh. Tinulak ako palayo sa closet, at kumuha ng shirt ko, sabi ko na nga ba eh.

"Eto susuotin mo, no excuses." nagcross-arm siya, habang ako nagpipigil ng tawa. Ang caring talaga ni kim, well syempre hindi lang sa kin. Sa lahat naman. Di naman ako special. Special child. Char.

"Joke lang eh, masyadong protective, di naman talaga ako magsusuot nun" tinignan niya ako saglit tapos bumalik na siya sa paghahanap ng susuotin niya.

"Basta wag mo balakin magsuot nun, nako nako, sinasabi ko sayo cyd."

"Opo ate kim" pangaasar ko sa kanya.

-//-

"Asan si Eli at Norielle?" Tanong ko kay Majoy na busy sa pagkain ng fries.

"Kanina--- andito lang sila ah?" Napakamot naman ng ulo si Kim, saan naman namin hahanapin yung dalawang yun? Napatingin naman ako sa likod ni Majoy, pati si May, nawawala na rin. Si Majoy at Tin na lang magkasama ngayon.

"San ba nagpupunta yung mga yun?" Tanong ni kim, na may halong inis at pagaalala sa kanila. Since siya ang pinakatanda, bitbit niya responsibilities sa amin. Kaya siguro ayaw niyang sumama samin kanina. Naguilty tuloy ako pinilit ko pa siya.
Nilabas ko yung phone ko at sinubukan tawagan sila, ni isa sa kanila di sumasagot ng phone. May phone pa sila.

"Alam ko andun sa faceshop, tignan namin ni Tin" paalam naman ni Majoy.

"Sama na kaya kami" hinila ko naman si Kim.

"Ay! Wag na. Subukan niyo na rin hanapin sila. " pigil ni Tin, habang si Majoy tumutungo lang. Ano meron?

"eh pano yan, mama---"

" tatawagan na lang namin kayo" hinila naman ni Majoy si Tin, at hindi na ko pinatapos magsalita. Ang weird nila.

"So ano gagawin natin ngayon?" Tanong ni Kimmy. Ano nga ba gagawin namin?

"HHWW" sagot ko naman. Napakunot siya ng noo, habang iniisip kung ano meaning. Maya maya, ngumiti na siya. Habang ako tumatawa. Ang slow talaga. Sarap biruin ni Kimmy.

Bigla na lang niya kinuha ang kamay ko, at siya ang naginterwined ng kamay namin, parang nagskip ng beat yung puso ko.... Pero maybe dahil nagulat o nabigla lang ako. Ganun naman dba?

"Ayan na, tara HHWW tayo papunta sa bilihan ng ice cream" nandila lang siya, habang ako tumungi at ngumiti. Tinusok niya yung dimples ko. As always naman.

"Hala! Si Cyd at Kim ba yun?" Narinig kong sigaw. Binitawan agad ni Kim yung kamay ko. Medyo nakaramdam ako ng tinik sa puso ko, pero tama lang naman yung ginawa niya, since alam ko, ayaw lang niya mapaisip yung iba ng kung ano ano.

"Pwede po ba magpapicture?" Tanong nung isa. Bale 3 sila. Umoo naman kami ni Kim. After ng picture bigla napatanong yung isa

"Kayo na po ba?"

Natawa na lang kaming dalawa. Nagkatinginan kami ni Kim, siniko ko siya, para siya na yung sumagot.

"Hala, hindi. Superfriends lang talaga kami, close teammates lang" tumingin na lang ako sa Kanila at ngumiti. "Superfriends lang talaga kami. Close teammates lang" parang nagecho sa utak ko. Yun naman talaga yung totoo. Wala namang mali. Was I wishing we we're something more? Hala! Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko. Umeenglish pa ko. Char.

Nawala yung mga ngiti sa mukha nila, na parang natalo. "Sayang naman po, sige thankyou po. Ingat kayo!" Paalam naman nila, habang kami nagsimula na ulit maglakad, pero this time, hindi na magkahawak kamay namin, nagcross-arms na rin ako para di na rin mangyari ulit.

"San ba natin hahanapin yung mga yun?" Tanong ni Kim. Saan nga ba? Sa laki ng mall, ang hirap nga na hanapin sila.

"Di ko rin alam.." Wala akong masabi, kasi really. Di ko alam saan, at the fact na kasalanan ko kung bakit nangyari to. Nilabas ko yung phone ko para tawagan sana sila ulit. Biglang kinuha ni kim yung phone ko. Ano problema nito?

"Hayaan mo na nga muna sila. Maya na natin isipin pagkabili ng ice cream" napangiti naman ako sa idea niya. Hinila ko siya hanggang makarating kami sa DQ,

"Ano gusto mo?" Tanong ko sa kanya"

"Oreooo" with matching bata na boses. Pumila na kami sa counter, buti di kami nakilala.

"Dalawa nga pong Oreo, yung large please" nakangiti kong sabi, habang si kim nilagay yung ulo niya sa shoulder ko, ang hilig niya gawin yun, kaya hinahayaan ko na lang.

"That would be 198 pesos po" inabot ko yung bayad, at hinintay order namin.

"Thank you" sabay yakap, iba talaga feeling pag kayakap mo siya, iba yung feeling pag kayakap mo yung taong ma--- TEAMMATE mo. Ano ba to. Heart wag mo guluhin si mind. Please lang. Bumitaw na siya sa pagkayakap, habang ako nakangiti lang.

"Anything for my kimmy" nagwink lang ako sa kanya, na naging dahilan ng pagtawa niya. Sabay kiss sa cheek ko, napatigil naman ako.

Kim, ano ba tong ginagawa mo para maramdaman ko to?

-----
Enjoy :) please do comment/vote 💚

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon