20

389 32 16
                                    

CYD

"Paabot nga nung remote" paguutos ni Kim. Hay ang tamad konti na lang oh di pa abutin.

"Kaya mo na yan" pagsasagot ko sa kanya at tinakpan ko yung mukha ko.

"Aabutin mo lang eh. Tsk" napakamot siya sa ulo. Tawang tawa naman ako sa itsura niya. Kahit si Kianna natatawa na lang.

"Kukunin mo na nga lang" nandila ako. At dun na tumawa si Kianna.

"Pag di mo kinuha, sige ka" pananakot niya. As if matatakot ako sa kanya.

"Ano?" Paghahamon ko sa kanya.

"Hahalikan kita" napa 'ohhh' naman si Kianna. Tinignan ko siya, hindi ko alam kung totoo ba o sadyang biro lang talaga.

"Gawin mo nga" paghamon ko sa kanya. Si Kianna napapa'omg ' na lang sa gilid ko.

"Paktay tayo dyan Ate Kimmy, hinahamon ka oh" tumawa naman ako. Si Kimmy seryoso mukha niya, tumayo siya at lumapit papunta sa akin. Wait seryoso ba talaga? Nagsmirk siya kaya napatigil ako sa pagtawa. Lumapit talaga siya sa akin. Napapikit na lang ako.

Narinig kong tumawa silang dalawa ni Kianna. Pagbukas ko ng mata, kinuha lang pala ni Kimmy yung remote.

"Akala ni ate gurl totoo talaga, yieee" pangaasar pa ni Kianna. Hindi ko alam kung namumula na ba ko. Hay nako naman kasi. Akala ko lang. Masama ba?

"Gusto mo pala ng kiss ah?" Dagdag pa ni Kimmy, binato ko siya ng unan na hindi siya nakailag.

Bigla naman may nagdoorbell, napatigil kami sa tawanan at nagkatinginan. Wala ata tong balak buksan yung gate. Hays.

"Ako na!" Pagvvolunteer ko . Agad ako tumakbo papuntang gate. Pagbukas ko agad nawala ngiti ko. Si Tin. Ano ginagawa niya dito?

"Hi!" Pagbabati niya. Hindi ako umimik. Bakit siya andito? Pinapunta ba siya ni Kim? Ano to? Ipakikilala na ba niya?

"Sorry, pasok ka" ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya at nagthank you. Bakit ganito? Parang kahapon at kanina lang ang saya? Tapos biglang ganito.

"Pinapunta ka ni Kimmy ko? Yieee" nakangiti kong saad, tumingin lang siya sa akin at natawa. Hala? May nasabi ba akong nakakatawa?

"Kimmy, may bisita ka" napatingin si Kim at Kianna. Nawala yung ngiti ni Kianna, nanlaki yung mata ni Kim na para bang hindi niya ineexpect yun.

"Tin?"

"Bogs!" Yun pala tawagan nila tsk. Umupo naman siya sa tapat ni Kianna at ako naman umupo katabi si Kianna. Tinabihan naman ni Kimmy si Tin.

Bakit ganun? Bakit biglang ganito? Tinignan ko si Kianna, ganun rin ata iniisip niya. Hinawakan niya yung braso ko at ako naman hinawakan ko kamay niya. Telling her na okay lang ako.

"Napadalaw ka yata?" Pabulong na sabi ni Kim, well naririnig pa rin namin ni Kianna, hindi makatingin samin si Kim.

"Masama ba? Gusto lang kita makita" pagsasaad ni Tin, sumulyap siya sa amin bago tumingin ulit kay Kim. So ano to?

Lahat lang ng nangyari kahapon, wala lang? Goodbye ba talaga yon? Last na ba talaga?

"Gusto mo ba ng juice?" Tanong ni Kim sa kanya. Medyo uneasy utsura niya.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon