35

428 24 9
                                    

Fastforward

MIKA

Andito kaming Wafs sa gym. Kami na lang yung naiwan after ng training. At since Saturday ngayon. Balak nito ni Kimmy na, bukas isurprise si Achi. Alam na ng mga coaches to. Lalo na si Coach Ramil, pumayag naman siya. Basta't malinis daw dapat pagtapos at wag hahayaan maapekto yung games.

Yes. Eto na ang pinakahinihintay namin. Ang maging sila na. Kailan kaya kami ni Ara dadating sa stage na to?

Hay nako. Asa pa Ye. Wala pa nga sa aminan stage eh. At malay ko ba kung may nararamdaman siya sa akin. Pano ba naman noon sinabi kong hanggang friends lang. Tanga tanga ko nung mga panahon na yun. Ayoko naman kasi talaga masira friendship namin. Kahit joke pa yung sinabi niya. Pero napaisip na rin kasi ako.

Why not take the risk dba? Kung talagang mahal niyo naman isa't isa. Kung handa mong ipaglaban siya at relasyon niyo, why not dba? Pero hindi ko naisip yun noon. Hays. Ewan ko ba sa sarili ko.

"Bukas pa dadating yung inorder kong flowers. So magsset up na lang muna tayo" confident na confident tong si Kaf oh. Pinagplanuhan na talaga niya to. Special na special talaga ang dating hays.

"Tayong tatlo lang?" Tanong ni Ara. Oo nga naman. Hindi kakayanin ng tatlo. Especially ngayon kakatapos lang ng training. Kaya pa naman, pero di ganun yung energy level.

"Syempre hindi. Dadating pa si Kianna. Tapos mamaya sina Majoy naman. Hindi pwede lahat tayo andito no" may point naman si Kimmy. Pag lahat kami andito or sabihin mong marami kami, baka magtaka na si Achi at worst hanapin kami at pumunta dito. Eh di sira agad plano.

"Antagal ni Kianna. Wait lang ha? Pupuntahan ko lang. Sa ngayon Eto na muna." Inabot niya sa amin yung colored paper, pencil, scissors, illustration bored at glue.

"Alam niyo na?" Tanong agad ni Kim. Hindi ko sure kung itama nasa isip ko.

"Oo na. Puntahan mo na si Kianna, kaya na namin to." pagpapaalis ni Ara. Alam na talaga niya gagawin?

"Excited? Gusto mo lang masolo si Ye eh" pangaasar ni Kimmy. Nangaasar pa, siya na nga tinutulungan. Maling mali si Kimmy. Ako yung may gusto masolo si Ara. Hahaha. Joke.

"Kimmy!" Kunyare ayaw ko pa no?

"Aalis na nga oh" tinignan ko si Kim hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.

"Alam mo ba talaga gagawin?" Tumango siya. Ilang araw nang ganyan sa akin yan. Minsan cold, tas pag nagiging okay na, cold nanaman.

"Will you be mine?" Ano daw?

"H-ha?"

"Will you be mine?" Wait. Tinatanong niya ba ako? Malamang Ye! May iba pa bang tatanungin dito? Eh ikaw lang kasama niya. Teka, wala pa naman sa stage na nagkakaaminan kami ah? Kami na agad? OMG!

"Agad? Eh hindi pa nama--"

"Ha? Tinatanong ko kung okay na ba yung 'Will you be mine? Dito" ay shet. Buti hindi na niya ko pinatapos magsalita. Nakakahiya talaga, bwiset. Sarap magpalamon sa lupa.

"A-ah. Oo. Okay na yun" Mika Aereen. Ano ba kasi pinagiisip mo jusko. Nakakahiya.

"Sayo yung 'Will you' akin na yung 'Be mine' " tumango na lang ako. Ayoko na magsalita. Mamaya ano pa lumabas sa bibig ko.

Maya maya. Tumunog yung phone ko. Agad ko naman sinagot.

"Hello?"

"Ye! Teka lang ha? Ang hirap pang tumakas" pabulong ni Kim. Ayan kasi eh. Pwede naman tawagan si Kianna na lang. Well, okay na rin pala na umalis siya. Hahaha.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon