17

348 29 6
                                    

CYD

Sobrang sakit ng ulo ko, naparami ata yung inom ko kagabi. Sinubukan ko umupo ng dahan dahan. Ang sakit talaga ng ulo ko. Inalala ko yung mga nangyari kagabi, kung panaginip ba o totoo lahat ng yun.

Hindi ako makapaniwala pinuntahan ako ni Kim dahil alam ko nga na may dinner siya. May pake talaga siya sa akin at syempre thankful ako dahil dumating siya kasi hindi ko na alam ano mangyayari sa akin if hindi siya dumating.

"Cyd! Gising ka na pala" agad lumapit sa akin si Kim na may dala dalang food.

"Naisip ko na baka di ka makababa, kaya dinalhan na kita" Ano nakain nito?

"Thanks" ngumiti ako pero hindi ko pa rin siya tinitignan.

"Kinuha na rin kita ng gamot." Inabot niya sa akin at umupo sa tabi ko. Akmang susubuan niya ako ng pinigilan ko siya .

"Ako na, kaya ko naman" kinuha ko yung bowl at kumain na ako. Nakaupo pa rin siya at tinitignan lang ako.

"Wag mo ko tignan" tinakpan ko yung mata niya na naging dahilan para tumawa siya. That laugh, namiss ko na. Yung tawa na, alam ko ako yung dahilan.

"Ngayon na lang kita tinignan no!" Nakangiti niyan sabi. Yang ngiti nanaman niya, na isa sa dahilan kung bakit ako nahuhulog sa kanya.

"As if, palagi mo kaya ako tinitignan" dumila ako, habang siya tumawa bigla.

Oh pano mo naman nasabi tinitignan kita? Ibig sabihin tinitignan mo rin ako?" Shoot. Natamaan ako, tama siya palagi ko siyang tinitignan, well pasulyap sulyap. Ayan nahuli na ko.

"Che! Akala mo bati na tayo? Hindi no" Iniwasan ko yung tanong niya. Ayokong magisip siya ng kung ano ano. After all, sila na ni Tin diba? Sus naman.

"Bati na tayo. Sorry na, hinding hindi na mauulit yun. Promise!" Nakapout siya at nagpuppy eyes. Hindi talaga bagay sa kanya. Hahaha.

"Ang panget mo, wag ka gumanyan" tinulak ko siya, ngayon parang nawala yung sakit ng ulo ko. Masaya ako na andito siya ngayon sa tabi ko, bilang isang teammate at kaibigan.

"Panget man to, mahal mo naman" nagwink siya at tumawa

"Oo na, mahal nga kita" Napatigil siya sa pagtawa. Nasabi ko ba yun ng malakas? Nanlaki mata ko. Pero bigla akong natawa na lang kunyari, para isipin niya joke lang yun. Napakunot noo siya.

"Hi Ate gurl!" Buti na lang dumating na to si Kianna.

"Sige na ate kimmy, kain ka na dun. Ako na bahala sa kanya" lumapit siya sa amin. Si Kim naman tinignan ng masama si Kianna.

"Shoo!" Napakamot ng ulo si Kim at tumayo na lang, ako naman natatawa lang.

"Cyd.." Hindi na hinayaan ni Kianna magsalita si Kim at tinulak na palabas ng kwarto at nilock.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Alam ko na yang ngiti niya. Alam na alam ko na talaga. Magiinterview yan.

"So...ano na nangyari ate girl?" Sabi na eh. Magtatanong siya. Nilapag ko na muna yung pagkain sa may table, dahil hindi rin ako makakakain na andyan si Kianna.

Kwinento ko sa kanya yung mga naalala ko pang nangyari. At yung mukha niya parang kilig na kilig pa.

"Wow. Knight in shining armor pala si Ate kimmy" patawang sabi niya.

"Pero bakit mo nga ba naisipan uminom?" Well bakit nga ba?

"Ganito kasi yan.."

-Flashback-

"Di pa rin ako napapatawad ni Cyd, di ko na alam gagawin ko" rinig ko galing sa kwarto nina Ara. Oo alam ko dapat di ako nakikinig sa usapan ng may usapan. Yun nga naging dahilan kung paano ko nalaman na hindi ako gusto ni Kim :(

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon