30

332 30 4
                                    

"Sige papunta na ko"

"Kain lang kayo, may pupuntahan lang ako" hindi na ko naghintay pa ng sagot nila at agad kong kinuha yung susi ko sa kotse. Alam ko marami pa silang itatanong sa akin. Lumabas agad ako at sumakay ng kotse.

Inopen ko ulit phone ko at pumunta sa contacts. Alam kong natatakot siya ngayon.

"Hello? Papunta na ko. Saglit na lang."

"Thank you Bogs. Hindi ko alam ano gagawin ko pagwala ka. Ingat ka okay?" Kahit ano pang sabihin ng iba. Syempre kaibigan ko pa rin si Tin. At alam naman ni Tin na yun lang mabibigay ko sa kanya.

"Wag ka na munang lumabas ng kotse ha? Dyan ka lang"

"Yes po" Binaba ko na yung phone at mas binilisan ko pa.

Hindi talaga ako makapaniwala, sa saglit na pagkakasama ko sa kanya. bakit siya naubusan ng gas. Eh hindi nauubusan ng gas yun eh. Hindi niya hinayaan na maging empty yun.

Pero baka sadyang di lang niya napansin? Minsan din naman di niya napapansin yung mga bagay bagay. Hay nako. Ako na nga hiningian ng tulong, kung ano ano pa tong iniisip ko.

Maya maya nakita ko na yung kotse niya. Hindi naman ganun kadilim ng ineexpect ko. May isang posteng ilaw sa hindi kalayuan.

Lumabas ako at kinatok siya sa bintana. Agad siyang lumabas at napayakap sa akin. Niyakap ko na rin siya. Alam kong kailangan niya ng comfort. Maya maya narinig ko siyang humikbi.

"Shh. Andito na ko. Tahan na" bumitaw siya sa pagkayakap at agad pinunasan yung luha niya.

"Sorry. Natakot lang talaga ako" ngumiti siya habang patuloy na nagpupunas ng luha.

"Tara na, hatid na kita sa inyo. Bukas na lang natin balikan yung kotse" ay wait! Aalis nga pala ako. Pupunta na ko kayla Mama.

"Talaga? Sasamahan mo ko?" Patay! Ano ba naman yan kimmy! Di ka muna nagiisip. Hays.

"O-oo? Basta agahan na lang natin ah? Aalis pa kasi ako" napakamot ako sa batok. Hayaan na nga. Nagsabi na ko eh.

"May pupuntahan ka pa pala. Wag na lang, okay lang naman eh. Ikaw talaga oh. Kaya ko naman na." Agad naman ako naguilty. Di ko na dapat sinabi may pupuntahan ako. Mamaya isipin niya, nakakaistorbo na siya or what.

"Pwede pa naman kita samahan eh"pilit ko sa kanya. Ayoko naman magkaroon siya ng tampo sa akin o kung ano ano isipin niya.

"Seryoso ako. Ikaw talaga. Wag na"
Tumawa siya at ngumiti. Wag ka na makulit kimmy. Um-oo ka na lang.

"Sure ka ah? Kaya mo na?" Tanong ko pa sa kanya ulit. Nagroll eyes siya habang nakangiti.

"Ako pa ba? Hay nako Kimmy" sabay tawa. Hay nako tong babae na to.

"Kaya pala tumawag ka ngayon"
Nandila ako at tumawa. Habang siya tumigil sa pagtawa at sumimangot.

"Well iba naman kasi ngayon. Ang dilim na kaya" turo niya sa paligid. Madilim na nga dito pa kami naguusap. Hay nako.

"Oo na. At dahil madilim na nga, tara na at hahatid na kita" kinuha niya yung bag niya galing sa kotse at sumunod na sa akin.

----

"Thank you talaga ah? Alam ko pagod ka sa byahe. Pero tignan mo hinatid mo pa ko dito." Niyakap niya ako, bilang pagthank you niya. Andito na kami sa tapat ng bahay niya.

"Para ka namang ibang tao. Okay lang yun." Nginitian ko siya at nagthumbs up ako.

"The best ka talaga!" Bigla siyang lumapit, pinilit kong iniwas yung mukha ko. Muntik na niya ko mahalikan sa labi. Atleast kahit papaano, malapit lang sa labi.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon