04

417 48 4
                                    

KIM

Kakarating ko lang ulit sa dorm. Grabe. Kapagod yung byahe pero atleast nakadalaw na rin ako sa pamilya ko. Nakakamiss rin sila. Umakyat ako para ilapag gamit ko. Teka nga, bakit ang tahimik? Asan na ba mga yon? Hays. Bumaba na lang ako para manuod. Maya maya, may lumapit na sa akin....


"Hoy kimmy!"  Sabay hampas sakin ni Cyd.


"Ano nanaman ginawa ko? Kakarating ko nga lang eh." Tanong ko habang hinahawakan yung braso ko na pinalo niya.

"Namiss kita" nagpout naman siya. Bigla ko na lang siyang hinila at niyakap.



"Parang isang araw lang. Namiss mo na ko."  Hindi naman siya umimik.



"Eh pano. Di ka man lang nagtetext o ano. Tinatawagan kaya kita" niyakap na rin niya ko ng mahigpit.



"Clingy mo" pangaasar ko sa kanya.


"Che!"  Napangiti na lang ako. Hindi naman kasi siya ganito. Pero sana ganito na lang siya palagi. Ayoko nang bumitaw.


"Ehem ehem" bigla naman kami kumalas at napatingin. Sina Ye at Ara nakatingin.

"Kanina pa kayo dyan?" Tanong ko naman. Habang si cyd. Tumingin lang sa baba at nakangisi. Teka, namumula ba siya?

"Una na nga tayo daks. Mukhang nakaistorbo pa tayo eh" patawang biro ni Ara. Hinila naman siya ni Yeye. Papansin talaga yung lovebirds na yun.

"Kumain ka na ba?" Napatingin naman ako ulit kay Cyd.

"Di pa eh. Pagluluto mo ba ko?" Tanong ko naman sa kanya.

"May nakahanda na po para sayo. Alam kong dadating ka eh" hinila naman niya ako patayo.

"Kaya mahal kita eh. " kung alam mo lang talaga Cyd. Kiniss ko naman siya sa forehead at inakbayan siya papunta sa kainan.

Inayos na niya yung lamesa at umupo sa tapat ko.

"Matutunaw ako niyan sige ka" nagwink naman ako sa kanya. At nanlaki mata niya.

"Baliw ka. Bahala ka nga dyan." Tumayo naman siya bigla. Pero hinawakan ko agad kamay niya.

"Iiwan mo rin ba ako?" Nagpout naman ako.

"Ako? Iiwan ang isang katulad mo?"  Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Dito ka na lang sa tabi ko. Para mas ganahan ako kumain" tumawa naman siya at tumabi sa akin.

------

"Uy mukhang may bisita tayo ah?" Bulong naman ni Ye. Napalingon naman ako. Sina Jeron, Jason, Kirell at Ricci.

"Oh? Ano meron at andito kayo?" Tanong naman ni Coach Ramil. Bigla namang lumapit si Jeron at may binulong. Natawa naman si Coach. Ano kaya pinaguusapan nila?

"Oh. Manunuod daw sila. Galingan niyo" pinat ni Coach yung likod ni Ricci at umiling.

Nagstart na ulit kami magtraining. At di ko mapigilan di mapatingin kung saan nakaupo ang green archers.

"Go Cyd! Sabi ni Ricci" sigaw ni Jason at nagtawanan naman sila. Wait? May gusto kaya si Ricci kay Cyd? Tinignan ko naman si Cyd, nakangiti siya habang inaayos buhok niya sa likod.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon