36

309 12 5
                                    

ARA

Hindi ko ineexpect mapapaamin ako kay Ye, sa wala sa oras. Nung unang naencounter ko siya. Iba yung feeling eh. Nung nablock niya ko nun at nagsigawan yung tao. Hindi ako nakaramdam ng inis sa kanya nun eh. Hindi ko nga alam bakit ganun.

Nung nagkita kami sa la salle. Hindi ko siya namukhaan nun. Nung nalaman ko lang name niya. Hindi ko alam kung sinasadya ng tadhana na magkita ulit kami.

Mas nakakagulat pa. Siya yung naging ka-teammate ko at roommate pa siya. Instant. Iniisip ko baka tinadhana kaming maging close lang.

Palagi ako nahhome sick noon. Pero pasalamat sa kanya. Medyo nallessen. Biniro ko pa siya noon. Sabi ko sa kanya may gusto ako sa kanya, nung sinabi niya sa akin na hanggang friends lang kami. Hindi ko maintindihan bakit parang kumirot yung puso ko, eh nagbibiro lang naman ako.

Nakilala niya si Kief noon. Nakaramdam ako ng sakit. May oras pang namalayan kong tumutulo na pala yung luha ko. Hindi ko maintindahan sarili ko noon. Bakit ba ako nagkakaganun. Pero siguro hindi ako sanay na hindi na ako yung lagi niyang kasama.

Nakilala ko naman si Bang. Akala ko makakalimutan ko na si Ye. Nung medyo tumagal akala ko pa nga nun. Talagang nafall na ako kay Bang. At nawala na yung nararamdaman ko para kay Ye. Pero mali pala ako. There were times na iniisip ko sana si Ye na lang si Bang. Minsan pa nga natatawag ko si Bang ng 'daks' na nagsisimula ng away namin.

Nung nagbreak si Kief at Ye. Gusto kong sugurin yung lalaking yun. Grabe umiyak si Ye. The fact na sinabi niya na 'kailangan nila magfocus sa career' but actually, hindi naman yun yung main reason. Gusto kong gumanti sa kanya kasi sinaktan niya si Ye. Sinaktan niya yung best friend ko. Yung taong mahal ko.

That's when I realize. I fell in love with my best friend. Nung una pa lang. Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na best friend lang turing ko sa kanya. Sobrang naguguluhan ako.

Hindi ko alam gagawin ko. Si Bang andyan para sa akin. She gave me the love na higit pa sa kaya kong ibigay na pagmamahal. She deserves so much more. Ayoko siyang masaktan. Pero alam ko the more na magstay kami sa relasyon na to, the more lang siya masasaktan.

Pero siya mismo yung nakipagbreak sa akin. Tinanong ko siya kung bakit. And hinding hindi ko makakalimutan yung sinagot niya sa akin.

"Kasi you never look at me the way you'd always look at Mika."

Nasaktan ko siya nun, but she choose to let go, and ngayon masaya na ako na friends pa rin kami.

Ang dami na nangyari noon. And never kong narealize na mamahalin rin pala ako ng isang Mika Aereen Reyes.

-flashback-

"Sino yun?" Tanong ko agad. Hindi ko mapigilan hindi siya tanungin siya palagi tuwing ibababa niya yung phone niya. Pano ba naman nung nakaraan sinabi ni Kimmy may manliligaw si Ye. Pinipilit ko naman na ipakita ni Ye yung research na sinasabi niya. Pero hindi niya talaga pinakita. Kaya syempre nagassume na ko na baka nga may kausap si Ye. :(

"Secret" hindi ko alam kung nangaasar pa siya eh. Napakunot noo naman ako.

"Manliligaw mo no?" Tanong ko. Sana hindi. Sana hindi talaga. Si Kimmy kasi eh. Napaniwala akong may nanliligaw talaga kay Ye. Ako lang dapat manligaw sa kanya. Hahaha.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagsulat. Ginaya ko na rin siya at hindi na ako umimik. So manliligaw nga? Tumalikod ako sa kanya, naramdaman ko naman tumalikod rin siya. Hays. Akala ko pa naman, moment na namin to.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon