05

420 46 2
                                    

CYD

Pabalik na ako ng Gym, nang biglang naalala ko. Yung water ko naiwan ko sa may clinic. Dala dala ko nga pala kanina. Aysh! Ano ba yan Cyd, ngayon babalik ka pa tuloy.

Dahan dahan naman ako pumasok. Gulatin ko kaya sila no? Hahaha. Minsan lang naman to mangyari. Palapit nako. Pero mukhang seryoso ata pinaguusapan nila. Psh. Oh? Ano pa ginagawa mo? Umalis ka na! Nakikinig pa eh. Nagsasalita nanaman konsensya ko. Pwe!

"Hindi ko gusto si Cyd okay? Kas--"

Bigla akong lumabas. Ayoko nang marinig pa yung susunod pa niyang sasabihin. Hindi ko kaya. Ayoko.

Ayoko kasi masakit. "Hindi ko gusto si Cyd okay? Kas---" paulit ulit nageecho sa utak ko. Hindi niya ako gusto dahil ano? Dahil superfriends lang kami? Isang Teammate tingin niya sa akin? Hindi ako enough?

Pero di na kailangan pang malaman yung rason niya, sapat na yung narinig ko. At alam niyo ano pa yung masakit? Yung sa kanya ko pa mismo narinig yun. Sa taong nahuhulog ako lalo araw-araw. Sa taong habang tumatagal, napapamahal na ako. Sa taong sinisigaw ng puso ko. Bakit ba ikaw pa? Bakit ikaw pa Kim? Bakit sayo pa?

Napaupo naman ako sa may bench. Dun ko narealize, tumutulo na pala ang luha ko.

Oo, siguro umasa ako, nagassume ako na baka, baka sakaling may nararamdaman siya sa akin, na baka mahal rin niya ako. Pero hindi pala. Sino ba naman kasi ako dba? Hahaha!

"Cyd?" Bigla ko naman pinunasan luha ko. At huminga ng malalim. Lumingon naman ako. Si Ricci.

"Okay ka lang ba?" Pagaalalang tanong niya sabay upo sa tabi ko. Nakajersey na siya. Break siguro nila ngayon.  Sasabihin ko bang okay lang ako? Hindi na ako nagdalawang isip. Niyakap ko na lang siya bigla. Ramdam ko naman na nagulat siya, pero hinayaan ko na lang. All I need is this.

Bumitaw na rin ako, bago pa tuluyang tumulo luha ko.

Umiling ako at pilit kong nginitian siya. At this point, alam ko marami pa siyang itatanong.

--------
Kasama ko ngayon si Kianna, since parehas naming vaccant, at hinihintay rin namin sina Yeye at Ara.... Oo na, pati si Kim.

"Ate Cyd oh, Si Ricci" bulong naman ni Kianna.

"Saan?" Tanong ko naman, habang lumingon sa paligid para hanapin siya. Bigla naman siyang tumawa.

"Uy! Si Ate Cyd, hinahanap siya" pangaasar niya. Wew.

"Baliw ka. Kumain ka na lang dyan" sabay subo ng fries ko.

"Pero still. KimCy pa rin ako. Di na mababago yun" wala na Kianna. Hanggang Team Hopia na lang yun. Wala nga nararamdaman sa akin yun eh. Pano ba naman..

"Huy Ate Cyd! Kanina pa ko nagsasalita oh. " natigilan naman ako sa pagiisip.

"Ha?" Yan na lang nasabi ko sa kanya. Ewan ko ba. Ang off ko ngayon. Still di pa rin ako nakakaget over. Nasa utak ko pa rin. Nakareplay.

"Hay nako ate Cyd" napasandal na lang siya sa upuan niya. "Uso magshare. Bakit ka ba ganyan? Kanina sa training, di ka naman ganyan"

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon