07

444 43 2
                                    

KIM

"Ayoko na pala, kayo na lang guys. Wait ko na lang kayo dito" nauna na yung iba, Si Cyd, nagbago nanaman yung isip niya.

"Napagusapan na natin to eh. Tara na!" Hila ko sa kanya

"Ayoko talaga kimmy. Wag na please" umatras siya, pilit tinatanggal kamay ko.

"Achi tara naaa kasi" lapit samin ni Yeye.  Umiling lang si Cyd.

"Ate Cyd sama ka na please. Di naman daw talaga nakakatakot" pageexplain ni Kianna. Tinignan ko si Cyd, still unsure look pa rin.

"Andito naman ako eh. Hindi kita iiwan. " I mean it. Nagkatinginan kami. Bingyan ko siya nang ako-bahala-sayo look.

"S-sige na nga." Lahat sila napa "yes" ng mahina.

Pagpasok namin. Biglang nagsarado naman yung pintuan. Napatalon naman si Cyd. Binitawan ko kamay niya at inakbayan ko siya. Medyo nasa harapan ko na siya.

"Hala ate kimmy asan ka? Di kita makita" kunyari kumakapa-kapa si Kianna nagtawanan naman sina Yeye, kahit si Cyd.

"Ngiti ka nga Kimmy!" Dagdag ni Yeye. Ngumiti naman ako.

"Hala may ngipin yung dilim!" Sabay tago ni Ara kay Mika. Dumadamoves lang to eh.

"Dumadamoves ka lang kay Yeye eh" dumila ako, kahit alam kong di niya ko nakikita. Di naman siya umimik at ako naman ang tumawa.

"Tara na nga guys!" Pagyayaya ni Ye. Nagstart na kami maglakad.

"Left o Right?"

"Right!" Sinunod naman namin si Kianna. Wala eh, siya lang yung sumagot kaya ayun.  Maya maya...


Dead end.

-___________-

Pagtapos namin maglakad dead end lang pala. Napakamot ng ulo si Ara, at nagstart na kami bumalik. Si Ara at Ye, nangunguna habang si Kianna at si Majoy nasa gitna namin. Nahuli naman kami ni Cyd. Hindi siya mapakali tingin ng tingin sa likod.

"Mamaya biglang may humila dito" pabulong niyang sabi. Habang napahigpit naman siya ng yakap sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako sa sinabi niya o  dahil sa pagyakap niya sa akin.

"Shh. Dito lang ako. Wag ka matakot" i assured her. Ngumiti naman siya sa akin. And i did something unexpectedly.



I kissed her forehead. Nang biglang....





May humawak sa shoulder ko. At biglang hinihila ako.



O____________O

"AHHHHH! Wag mo siyang hawakan. Akin lang to!" Pilit na hinihila naman ako ni Cyd. Hindi ko alam kung matatawa ako o kikiligin eh. Oo Cyd, sayo lang ako.  Akin ka na lang din please. Bigla naman bumitaw yung humawak sa akin at tumago na ulit.

"Ano nangyari?" Biglang tanong ni Ye.

"May humihila kasi sa kimmy ko eh" sabay yakap sa akin. Talagang may 'ko'? Hay nako Cyd! Wag ka nga ganyan, pa-fall ka.  Siguro kung hindi madilim dito. Baka mahalatang kinikilig na ako.


"Talagang may 'ko' achi? At ikaw naman kimmy. Wag ka nga kiligin dyan! Tara na" biglang tumalikod siya at kami naman sumunod na rin. Pano kaya nalaman ni Ye kinikilig ako? Eh di nga daw ako makita sa dilim dba?


"Tapang mo pala eh" pagbibiro ko sa kanya.

"Hindi no! Eh pano pag kinuha ka nun, kung sino man yun, edi maiiwan ako dito dba, tapos wala na kong kasama magigig 5th wheel ako, wala na ko kayakap tas wal-- okay dami ko nang sinasabi. Shut up na lang ako" natawa naman ako bigla sa sinabi niya.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon