37

284 16 5
                                    

KIM

"Hellooo, so kasama ko sila and we're so ready na mag---CAMPINGGG!" Nagwohoo naman ang ibang lady spikers yung iba ngumiti lang nang itinutok ni Kianna yung camera sa amin. Secret nga dapat na magccamping kami pero, mukhang hindi na secret. Hahaha.

Actually may teambuilding kasi kami bukas, so naisip namin na dito na lang magstay at magcamping for fun siyempre.

Maya maya nakarating na rin. At syempre, pagdating na pagdating namin, nagkuhaan na sila ng picture, at nagvideo pa.

"Hala walang signal" napakamot sa ulo si Kianna. Napatingin naman yung iba sa phone nila at sunod sunod nagsabi ng 'Oo nga'.

"Okay lang yan guys. Basta magkakasama tayo, okay na yun" saad ko. Oo na, sweet ako ngayon. Pagbigyan hahaha.

"Hay nako ate Kimmy, Andyan kasi si Ate didit, kaya ayos lang. Eh kung hindi siya sumama malamang magrreklamo
ka rin" nagroll eyes si Kianna at patuloy na tinataas yung phone niya para bang naghahanap ng signal. Titigil na nga ako. Nagtawanan naman yung ibang lady spikers.

"Ayan kasi. Nagcocomment pa eh" sabay batok sa akin ni Didit. Ang hard nila sa akin.

"Tara na, para makapaglagay na ng mga tent natin." Suggest naman ni Ara. Naglakad kami paakyat, since mala-bundok tong place.

Nang makahanap na kami, nagstart na kaming maglagay ng tent. Si Kianna patuloy pa rin sa paghahanap ng signal. Di niya kasi makausap yung bebe niya.

"Kimmy, tayo na lang kumuha ng kahoy"

"Saan naman?"

"Doon? Kung san tayo makakita" turo niya. Hindi pa siya sure kung saan makakakita aba. Pero okay lang, kasama ko naman siya eh.

"Tara na" pagyayaya ko sa kanya, at nagsimula na kaming maglakad.

"Hoy! Bumalik kayo agad ah?" Sigaw ni Yeye. Kumaway lang kami at nagpatuloy sa paglalakad. San naman kami makakahanap nun? Dapat kasi bumili na lang kami kanina, para di na kami maghihirap pang maghanap.

"Ayun oh! Bilisan natin" paghihila niya sa akin. Pano niya nakita agad yun? Eh ang layo layo pa.

Nauna siya sa akin, habang ako sinundan ko na lang siya. Binilisan namin ng lakad at nagsimula nang magpulot.

"Ilan ba kailangan na-- Didit? Dit?" Pagtatawag ko sa kanya. San napunta yung babaeng yun? Kanina lang nasa likod mo siya ngayon nawala na siya.

Parang bigla akong nagpanic. San na ba yun? Teka. Siya ba talaga kasama ko? Baka mamaya niyan maligno pala yung kasama ko at nililigaw lang ako, tumingin ako sa likod ko.

O______O

San nga ba ako nanggaling? Wait. Dun ba?

"Kimmy! Bilisan mo tulungan mo na ko" baka alam ni Didit yung way. Basta hayaan mo na. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang magpulot.

"Okay na siguro to" sabi ko sa kanya. Mukhang marami rami na tong nakuha namin.

"Oo nga. Tara na." Pagyayaya niya. Tumigil siya at tinignan lang ako.

"Ikaw na mauna" kasi nga hindi ko na tanda san kami nanggaling.

"Ha? Ikaw na" napakamot ako sa ulo. Sabihin ko na lang kaya sa kanya na hindi ko talaga alam yung way?

"Ano kasi..." Pagsisimula ko. Hay nako, dapat kasi tinandaan ko man lang.

"Wag mong sabihin nakalimutan mo yung daan" tawang sabi niya. Alam kong may halong kaba yung tawa niya. Wag niya rin sabihin nakalimutan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon