09

349 43 1
                                    

KIM

Pagtingin ko sa oras 6:30 am pa lang. Masyadong maaga pa para gumising since Sunday ngayon, pero syempre gusto ko naman bumawi kay Cyd ngayon. Lalo na parang nagpaparinig pa siya tungkol dun sa flowers na binigay sa kanya.

Tsk. Mas maganda flowers bibigay ko kay Cyd no. Dahan dahan naman ako kumuha ng damit at lumabas na. Naligo na ako at nagbihis na. Bumalik ako sa kwarto para kunin yung phone ko at wallet. At tuluyan nang bumaba.

"Hep hep hep. At san ka pupunta ate kimmy?" Palapit ng palapit si Kianna na may hawak na mug. Aga naman ata nito magising?

"Uhh..may bibilhin lang ako"


"Ba't ang aga aga?" daming tanong naman nitong babaeng to.

"Basta!" Palabas na sana ako ng bigla niya akong hinawakan.

"Sama ako ate kimmy" nako! masisira pa ata plano mo.

"Wag na. matatagalan pa tayo nyan eh" please, wag ka nang sumama.

"san ka ba kasi pupunta? ano bibilhin mo? ikaw ate kimmy ah.. nagtatago ka na sa amin" nagpout siya, sabay tingin sa baba. kunyare nagtatampo. Sabihin ko na nga. Siya lang naman makakaalam nito.

"Bibili ako ng bulaklak, okay na? pwede na ko umalis?"

"Aba! at para kaynino? Nako ate kimmy pa--"

"kay doray" hay nako. Eto na siya. In 3 2 1...

"OMG ATE KIMMEHHH. AYIIIEEEEE! FINALLY KIMCY IS RE--" Tinakpan ko naman yung bibig niya, sabi ko na eh. Sisigaw at sisigaw to.

"Oh sige. Isigaw mo pa. Ipaalam mo sa kanilang lahat"

"Sorry na, nagulat lang ako. Ikaw ah. Dumadamoves ka na, tama lang yan ate kimmy maunahan ka na ni Ricci niyan" pabiro niyang sinabi. May balak ba talaga yang si Ricci? Wag na siya magbalak please.

"Oo na po. Sige na alis na ko" di ko na siya hinintay pang magreply, agad na akong umalis. Hindi naman na niya ako hinabol, buti naman.

Dumiretso ako sa may flower shop nung kaibigan ko. Tinext ko na siya kagabi patungkol dito, para ready to pick up na lang doon. Isa pa yung Nicole na yun, tanong ng tanong sino bibigyan ko ng bulaklak.

Maya maya nakarating na rin ako. Nay sign pang "Sorry we're closed" kung sabagay, 8 pa sila nagbubukas. Ang lakas ko no? Syempre Kim Fajardo to eh.

Kumatok na ako,agad agad naman niya binuksan yung pinto. Nakangiti siya. Ngitig nakakaloko.

"Aga ah? Ganyan ba kaspecial yang pagbibigyan mo?" Pambungad niya. Hindi man lang ako papasukin
no?

"Wala ka bang balak papasukin ako?" Hindi ko na sinagot tanong niya. Hindi pa ba halata? Di naman ako gigising kung hindi siya special sa akin. Special child. HAHAHAHA.

"Sorry na po boss" pinapasok na niya ako.

"Upo ka muna, kunin ko na yung flowers" sumunod naman ako, umupo ako, at tumingin tingin sa paligid. Maya maya bumalik na siya, dala dala na yung flowers. Nakakamangha, di ko ineexpect ganun kaganda yung bulaklak.

"Oh, eto na. Pinaghirapan ko yan." Inabot naman niya sa akin.  Inamoy ko naman. Magugustuhan to ng doray ko. Napangiti naman ako bigla.

"Ngiti ngiti ka dyan, bayad mo. Di mo ko mauuwi sa charms mo" natawa naman ako. Ibang klase rin tong babaeng to.

"Parang di babayaran. Ngumiti lang eh" inabot ko na yung bayad ko. May dagdag na yan ah! Syempre maganda naman talaga yung ginawa niya.

"Uy! Thank you boss! Hahaha. Oh, sige na, sige na, alis ka na, dami ko pang aayusin dito"  sabay tulak sa akin palabas. Grabe oh.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon