13

324 35 4
                                    

CYD

"Oh? Namumutla ka ata dit? Okay ka lang ba?" Huh? Pagkalingon ko si Mowky nakatayo may hawak na baso.

Wala ako sa sarili ko. Akala ko tapos na yung nakita ko, tapos ngayon sa harapan pa ng dorm mismo. Para akong nanghihina. Di ako makagalaw.

"Ate gurl?? Napano ka?" Agad lumapit sa akin si Kianna. Tinignan ko lang siya, binukas ko yung bibig ko pero walang lumabas.

"Achi?" Lumapit na rin si Yeye, dahil na rin siguro sa pagkalakas ng pagbati sa akin ni Kianna.

"A-ak-akyat na k-ko" nauutal kong sabi. Tinignan ko sila at ngumiti.

"Samahan na kita" inakbayan ako ni Kianna, hindi na ako tumangi, ni hindi na ko nagsalita. Nanghina ako bigla. Umakyat na kami papunta sa kwarto, at pinaupo ako sa kama.

"Ate gurl? Water?" Umiling lang ako. Ramdam kong tutula na luha ko, kaya ngumiti na lang ako sa kanya at nagthumbs up para mapigilan.

"Stop trying. Ilabas mo na yan" and with that, tuluyan nang tumulo luha ko. Pinunasan ko agad habang tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"Tama na...ano ginawa sayo nung Ricci na yun? Ha?" Biglang bitaw niya sa yakap.

"H-hindi si Ricci.." Sasabihin ko na ba?

"Eh sino?" Huminga ako ng malalim at pinunasan ulit yung luha ko.

"K-kim"

"Ha?! Ano ginawa sayo ni ate kimmy? Teka, asan na ba yun?" Akmang tatayo na siya nang pinigilan ko siya. Huminga siya ng malalim.

"Wala siyang ginawang masama, sadyang itong puso ko, hindi keri eh...hindi keri may kasamang iba yung taong mahal ko" patawa kong sabi.

"Ate gurl....wait....dont tell me..." Mukhang naguguluhan pa rin siya.

"Yung taong mahal ko...si Kim yon." pabulong kong sabi. Napatakip naman siya ng bibig. Hindi ko alam kung lungkot o saya ba yung nasa mukha niya.

"Nakita ko siya kanina...kasama niya nga yung Tin, habang bumibili ako ng gift. Tapos pati ngayon paguwi, harapan ng dorm natin" tumulo nanaman luha ko. Ano ba naman tong luha ko, di ko mapigilan. Kimmy naman kasi!

"Ate gurl.." Niyakap niya ako ulit. I guess naspeechless rin siya.

"Okay lang ako. Kung saan siya...magiging masaya? Dun na rin ako" bumitaw na siya at kitang kita sa mukha niya yung lungkot.

"Sige na..magiging okay rin ako. Itutulog ko na lang to. Pagod lang to" patawa kong sabi. Tinanggal ko yung sapatos ko at nilagay lang sa ilalim ng kama. Bukas ko na to aayusin.

"Sige, basta ate cyd if you need me, tawagin mo lang ako ha?" Tumango ako, bago pa siya makalabas, tinawag ko siya.

"Sa atin dalawa lang yun ha?"

"Yes ate cyd, walang makakaalam" nginitian niya ako bago siya tuluyan lumabas ng kwarto, pagkalabas naman niya, agad akong humiga.Ayan nanaman luha ko. Di ko nanaman mapigilan.

Dapat kasi matagal ko na tong pinaghandaan eh, na dadating at darating ang panahon na may mahahanap siya, na may mamahalin na siyang iba. Bakit kasi ang assuming ko na baka sakaling may nararamdaman rin pala siya sa akin. Bakit kasi umaasa pa ako na baka sakaling, makita niya ako at ako na lang ang mahalin niya. 

KIM

"Ye?" Pagtatawag ko.

"Pasok!" Binuksan ko yung pinto at pumasok na. Kailangan ko sabihin sa kanya yung nangyari. Agad akong umupo sa may kama at tinignan siya.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon