15

343 37 5
                                    

CYD

Bakit parang bigla na lang nagbago si Kim? Bakit ang bilis? Wala pang isang linggo nagbago na siya, dahil dun. Dun sa Tin na yun.

Ang hirap kumain kanina, lahat kami hirap kumain. We we're eating na lang para siguro malagyan lang ng laman yung tyan namin.

"Kianna, pwede ba sa inyo na muna ako matulog?" Kahit dun pa ko sa sahig okay lang. Hindi ko lang talaga kaya na makasama muna si Kim.

"Sige na, tulog na kayo. Thank you sa effort niyong lahat. Sorry kung hindi maging successful" Si Ye. Ngumiti siya at tumingin sa baba. Alam kong dissapointed siya. Nagpaalam kami at tuluyan nang umakyat. Wala nang nagsalita pa sa amin.

"Ate gurl? Bakit ganun si ate kimmy?" Pabulong na sabi ni Kianna, halatang dissapointed din siya, well actually lahat kami dissapointed. Para kasing mas pinili pa niya si Tin, na nakasama niya for what? A week? Kesa sa amin na nakasama niya for years.

"Hindi ko rin alam" hindi na siya yung Kimmy namin. Ibang Kim fajardo na.

MIKA

Ano na nangyayari kay Kim? Hindi naman ganun yun eh!

"Ye? Easy ka lang" umakyat na sila, habang si Ara, sinasamahan ako dito sa sala. Hinihintay namin si Kim. Para rin makausap siya.  Nakapatay yung ilaw. Habang hinihintay namin siya.

Sweet moment na sana to kasama si Ara, pero syempre, sasusunod na lang yun. Importante ngayon makausap si Kim. Maya maya bumukas na yung pintuan. Kami naman binuksan yung ilaw.

"Surprise" sarcastic kong pagsabi. Mukhang gulat na gulat siya.

"Akala mo nakalimutan na namin birthday mo?" Pagsisimula ko. Bakit niya ba naisip na nakalimutan namin?

"Ilan years na tayo nagkakasama sa tingin mo, special day mo makakalimutan namin? Kim, ano pumasok sa isip mo?" Nagsalita na rin si Ara.

"Wala naman masamang kasama mo yun eh. Pero, andito kami naghihintay sayo, since Day 1 andito na kami oh" dagdag pa ni Ara. Kahit siya nalungkot. Hinding hindi namin ineexpect ganito magiging kalabasan ng ginawa namin.

"Akala ko kasi.. Hindi ko alam" tumingin lang siya sa baba. Gusto ko sanang lumapit, pero pinigilan ko sarili ko. 

"Pero sana, nagenjoy ka ngayong birthday mo, even wala kami. Happy Birthday Kim" bati ko sa kanya. Hinila ko na si Ara, ayoko na muna marinig reason niya. Tama na muna ngayon.

"Guys, sorry"

"Kim, wag lang sa amin, lahat sila nageffort dito. Lalong lalo na si Cyd" hindi na siya umimik, ni hindi na rin kami naghintay pa ng reply niya. Umakyat na lang kami.

KIM

Ano ba tong ginawa ko? Bakit ba kasi ang tanga kong isipin na nakalimutan nila ako? Yung special day ko, dapat sila ang kasama ko. Tinignan ko yung ginawa nila, talagang nageffort sila. May pagkain pa, tapos balloons. Ang tanga mo Kim. Ang tanga tanga mo. Umakyat na ako, kailangan ko Magsorry sa kanila, lalong lalo na kay Cyd. Pumasok ako sa kwarto namin at agad kong hinanap si Cyd.

Asan kaya siya? Umalis siya? Ganitong oras aalis? Tinignan ko si May, natutulog na. San kaya yun? Pagkatingin ko sa kama niya, napansin ko isang maliit na paperbag at nakalagay:

To: Kimmy
     Happy Birthday!  ❤️
From: Dora

Pagkabukas ko, isang box at isang papel. Umupo ako sa kama at kinuha yung papel.

Hi Kimmy,
Happy Birthday! Akala mo nakalimutan na namin no? Syempre hindi. Ikaw pa ba? Mahal ka kaya namin. Hahaha. Sana magustuhan mo tong gift ko, ako namili niyan. Thank you for everything. Sana hindi ka pa rin magbago. lashyu!
- Dora

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon