25

299 32 13
                                    

KIM

"Nahihilo na ko sayo kimmy. Pwede ba umupo ka na lang muna?" Agad ako napatigil sa paglalakad. Kanina pa ba ko paikot ikot?

"Ye, hindi ako mapakali. Lalo na ngayon alam ko na, gusto kong magpaliwanag sa kanya" pagpapaliwanag ko. Napabuntong hininga na lang siya.

"Bruh, chill ka muna. Hayaan mo na muna siya, Alam ko gusto mo na siyang makausap pero, hindi pa ngayon yung time. Afterall nasa Cebu siya, pano mo siya makakausap?" May point si Ara. Hay. Hindi naman pwede sa phone, malamang hindi pa ko nakakapagexplain binabaan na ko nun. Pero 1 week pa, ang tagal nun.

What if after 1 week, too late na? What if pagbalik niya, magexplain man ako, wala na lang? What if tuluyan nang masira yung ano meron samin? Pano na? Sa isang linggo ang daming pwedeng mangyari.

"Stop thinking negative thoughts kimmy" napacross arms si Ye, ibang klase talaga ang wafs ko, kilalang kilala talaga ako.

Ano ba pwedeng gawin ko? Pano ko siya makakausap? Should I just wait? Or make a move? Kung gagawa ako ng move, pano?

"OMG Ate Kimmyyyyy!" Biglang pasok ni Kianna sa kwarto nina Ye. Nakangiti pa siya. Ano meron? Agad naman siya napalingon kayna Ara at Ye, na magkatabi at nakahawak si Ye sa braso ni Ara. Agad bumitaw si Ye at inayos yung buhok niya kunyare.

"Anong nangyayari dito? OMG KARAAAA" pagpapalakpak pa niya. Ewan ko ba, ang dami niyang alam sa mga ship ship na yan. Well matagal naman na talaga yang KaRa na yan. At matagal na rin silang nagtatago ng nararamdaman nila. Hay nako.

"Oy tumigil ka nga dyan." Sabay bato ni Ye ng unan, si Ara naman nakatungo lang, nagpipigil ng ngiti.

"Hala, si Ate Ara, nagpipigil pa" pangaasar pa ni Kianna. Tinignan siya ni Ara, poker face, pero halatang pangiti na rin. Itong dalawang to talaga. Halatang halata na eh. Sila naman di nakakahalata.

"Oh, ano ba kasi meron?" Agad lumingon sa akin si Kianna. Kung hindi ko pa iibahin usapan, kawawa langn sina Ye.

"Kasi, i was just scrolling, nang makita ko to." Sabay pinakita niya sa akin yung phone niya. Cebu Pacific, MNL to Cebu promo? Ano to? Ano gagawin ko dyan? Napatayo na rin sina Ye para tignan yung pinapakita ni Kianna.

"Ano gagawin ko dyan?" Tanong ko. Nawala naman yung ngiti ni Kianna habang sabay naman ako binatukan nina Ara.

"Aray! Kailangan sabay pa talaga?" Ang sakit kaya. Di naman bola ulo ko. Grabe to.

"This is it! Eto na kasi yung sign dba? Gusto mo siya makausap? Why not fly to Cebu to see her at makausap mo siya?" Ha? Ako, pupunta sa Cebu? Agad agad?

"OMG ate Ye, yan rin yung nasa isip ko." Nakipag apir si Kianna kay Ye.

"Tama sila, baka ito na nga talaga yung way" agad dagdag ni Ara. Ang supportive talaga nila sa amin. Hays.

"Puntahan mo na lang ako Ate Kimmy if gora ka ha?" Agad naman umalis si Kianna ng kwarto. Ni hindi man lang niya hinintay yung reply ko.

"Pero teka, pano? Ako team captain tapos mawawala sa training?" Nako, hindi pwede yun. Alam kong kailangan namin magtraining pa rin.

"Kimmy, seriously? Nakikinig ka ba kay Coach?" Napafacepalm na lang si Ye. Ano ba? Ang daming nangyayari na hindi ko alam.

"Nakikita mo naman na nakaready mga bags namin oh. Kasi nga si Coach aalis rin?" Turo ni Ye, bakit ngayon ko lang napansin? Kanina pa ko andito sa kanila.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon