11

325 41 3
                                    

KIM

"Hi....." Sambit nung palapit na babae, napakunot noo naman ako. Sa likod niya si jessey na nakangiti nang makita ako.

"Kimmy, siya yung sinasabi ko" ngumiti naman ako.

"Ano yang sinasabi mo miks?" Lumapit siya para makipagbeso sa akin pati kay Yeye.

"Oh kimmy, buti nakarating ka rin" nagbeso naman si jessey.

"Wala kasing kasama si Ye, bantay lang niya ko" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Sino nagpapabantay? Daks nito?" Patawang sabi ni Jessey, hinampas naman si ni Yeye, na pulang pula.

"Tong magbf na to. Tara na kim?" Pagyaya niya. Tinignan ko naman sina Ye at si Jessey na nagkukulitan pa rin.

"Susunod sila, dont't worry. Di naman ako nangangagat" sabay tawa. Hayaan mo na Fajardo, sumunod ka na lang, tutal meeting someone new rin to. Single ka naman. Why not dba?

"Sure"

"So kim, may girlfriend ka? Baka kasi kaya ka nagaalangan kasi meron ka pala ah" nagulat ako sa tanong niya. Sadly wala, yung gusto ko kasi, wait. Slash that, yung mahal ko, ang impossible mahalin rin ako, pano ba naman kasi, meron pang sumisingit. Hay.

"Uy kim!"  Napatigil naman ako sa iniisip ko. Di ko pa pala nasasagot tanong niya.

"Uhmm. Wala, wala akong girlfriend"

"Thats good to hear" ngumiti siya sabay hila sa akin.

--------

CYD

"Ate gurl, para kang ewan dyan. Nahihilo na ko. Lakad ka ng lakad" napatigil naman ako at tumingin sa kanya. Anong oras na kasi, 9:29 na oh. Akala ko ba sandali lang sila

"Ay oh. Ate gurl look!" Agad ako lumapit kay Kianna, at tingnan yung phone niya. Isang picture, agad ko hinanap si Kim, ayun may katabing babae. Sino naman kaya to?

"Tignan mo pa tong isang nakatag" picture nung friend nina yeye, pero dun sa background andun si Kimmy, kasama yung katabi niya sa unang pic. At mukhang nageenjoy pa sila sa likod. Wow ah.  Edi sila na. Sila na na nageenjoy.

Umupo ako sa kama ko. Para akong nanghina. Hindi ko alam kung bakit. Para bang nung pagkakita ko sa picture, tumigil yung mundo ko.

"Ate gurl? Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kanya. Okay lang ba ako? Di ko rin alam.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Pabalik kong tanong sa kanya habang nakangiti.

"Sige..uhm..una na ko. Goodnight ate gurl" napilitan lang siyang umalis, nakakaramdam na kaya siya?

"Goodnight Kianna" ngiti kong sabi. Humiga na ako, ano pa ba gagawin ko?

Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko? Ano naman kung may kasama si Kim? Di naman kami eh.. Di naman magiging kami :( itulog mo na lang to Cyd. Lalo mo lang sinasaktan sarili mo. Malay mo kaibigan lang naman pala dba? Nag-ooverthink ka lang. 

---

Nagising ako nang biglang may tumunog, parang may nahulog. Dahan dahan akong humarap, mahirap na baka multo na pala yun. Pagkaharap ko Si Kimmy papunta sa kama niya, patay na yung ilaw. Tinignan ko yung phone ko 1 na pala. Bakit gising pa to?

"Gising ka pa?" Huh?

"Na--" hindi ko na naituloy ng nagsalita ulit siya.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon