08

371 44 1
                                    

RICCI

"H-hi..." Bakit ako nauutal. Hay. Ang ganda niya talaga. Ang ganda ng idol ko.

"Para sayooo" sabay abot nung flowers. Ngumiti siya habang tinanggap niya.

"Thank you! Di naman na kailangan niyo" tumawa siya at inamoy yung mga bulaklak. Ang ganda niya. Napatingin ako sa may dorm nila. Napansin kong may nakasilip sa bintana.



Si Kim.


Lumapit ako lalo kay Cyd, at hinalikan siya sa forehead. Alam kong nagulat siya. Pero di na lang siya nagsalita. Napangiti naman ako.

"Tara na?"


"Oo, gutom na rin ako eh" tumawa naman siya sabay hawak sa tyan niya. Inopen ko yung pinto para sa kanya, bago pa man din ako pumasok ng kotse, tumingin ulit ako, andun pa rin siya. Napasmirk ako at tuluyan nang pumasok sa loob.

Nagdrive na ko papuntang Shakey's. Dito ko naisipan dalhin siya. Maya maya nakarating na kami. Nagpareserve na rin ako, syempre dun sa hindi kami mapapansin masyado. Buti na lang, konti lang yung tao, at mukhang wala naman sa kanila nakakakilala sa amin.

"Uhmm.. Ano gusto mo kainin?" Tanong ko sa kanya, tumingin siya sa paligid at tinignan yung phone niya, na parang an lalim ng iniisip niya at naghihintay ng text.

"Cyd!"

"Ha? Sorry, ano ulit yun?" Ngayon tumingin na siya sa akin, habang nakahawak sa phone niya.

"Sabi ko, ano gusto mong kainin"

"Ikaw na bahala, kahit ano okay naman na sa akin" ngumiti naman siya, bigla nagvibrate phone niya, bigla niyang chineck pero biglang nagiba mukha niya, tinabi niya phone niya at ngumiti sa akin.

Alam ko na. Kilala ko na kung sino hinihintay niya magtext.Isa lang naman ang nagiging dahilan kaya siya nagiging ganyan. Masakit man isipin na hindi ako yun, na may mahal siyang iba, at malabo pang pantayan yung mahal niya.

Oo alam ko, kasi andun ako, andun ako nung oras na sobra siyang nasaktan.

- flashback -

Lumabas ako para magpahangin muna. Matagal tagal naman break namin nito eh. Dun na muna ako sa bench, wala naman tao ngayon. Malamang walang pasok.

Bago pa ko makarating sa bench nakita ko may nakayuko, tinignan ko ng mabuti, si Idol ba yun? Siya lang naman yung ganun yung buhok, siya lang yung nakaviolet na shirt kanina. Napakaswerte ko naman talaga oh! Si Idol andun. Pero pawis ako, nakakahiya naman. Wala na ko magagawa, opportunity ko na to oh. Makasama man lang si idol.

Nakangiti akong lumapit, pero bigla ko siyang narinig humikbi. Nawala agad ngiti ko. Umiiyak ba siya?

"Cyd?" Bigla naman niyang pinunasan yung luha niya at huminga ng malalim. Lumingon naman na siya sa akin.

"Okay ka lang ba?" Ang galing mo Ricci, kailan pa naging okay ang umiiyak? Sige nga! Umupo ako sa tabi niya.

Bigla siyang lumapit at niyakap ako. Ang good news kayakap ko siya. Ang bad news pawis ako. Bumitaw siya at ngumiti, nakita kong may namumuong luha na sa gilid ng mga mata niya, pinunasan niya agad ito.

Ano naman magiging dahilan para maing ganito siya? Napagsabihan kaya siya ni coach Ramil? Kanina nung pinapanuod ko siya, mukhang okay naman siya ah? Wala naman akong nabalitaan na may boyfriend si Cyd. Ang nababalitaan ko lang, shiniship siya sa isa niyang teammate. Si Boss Kim, sabi nila close friends lang daw talaga sila, walang iba. Pero hindi yun yung napansin ko kanina. Ibang iba.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon