29

302 26 17
                                    

KIM

Kung pwede ko lang iextend to, inextend ko na talaga eh. Ito na oh, kasama ko siya, kaming dalawa lang away sa mga distractions at mga problema.

"Aalis ka na talaga?" Napatigil ako sa iniisip ko at tumingin kay Cyd. Tinititigan lang niya ko habang inaayos yung gamit ko.

"Bakit? Ayaw mo pa ko umalis?" Napapout siya. Ang cute niya talaga. Pano ba ko makakaalis sa itsura niyang yan? Pero di naman niya ko pipigilan, for sure.

"Pagsinabi ko bang ayoko, di ka na aalis?" Hay nako didit. Wag mo ko pahirapan. Kanina pa ko nagaayos ng gamit oh. Di pa ko matapos tapos.

"Ikaw talaga, ngayon yung flight ko. At magkakasama naman tayo pagbalik mo" nagpout ulit siya. Kaya this time lumapit ako sa kanya. Tumayo siya, hindi pa rin nawawala yung pout. At hinawakan yung dalawa niyang kamay.

"Wag ka nga gumanyan"

"Panget ko ba?" Hinatak niya yung kamay niya at nagcrossed arms.

"Lalo akong naiinlove sayo eh" nagroll eyes siya, at halatang halata na nagpipigil ng ngiti.

"Buang ka!" Ngumiti na siya at niyakap ako. Kala mo mawawala ako ng ilang buwan.

"Ayaw mo talaga ako paalisin no?" Umiling siya pero agad siyang ngumiti.

"Ayaw. Gusto ko dito ka lang" pinapahirapan talaga ako nito. Baka pagpinilit niya pa ko ulit, hindi na talaga ako makaalis.

"Gusto ko rin magstay dito, per--"

"Alam ko. Biro lang eh. Naiintindihan ko naman" alam ko kahit sabihin pa niyang biro lang, may part pa rin na totoo yun. Kagaya nung mga char niya, di mo alam nagbibigay na siya ng hints, nagsasabi na siya ng totoo. Nilalagyan lang niya ng 'char' kasi hindi siya sigurado sa reaction or isasagot sa kanya.

Tagal ko nang nakasama si didit. Sa tagal ko siyang nakasama, ngayon ko lang lalo naintindihan, ngayon lang ako nalinawan sa mga bagay bagay.

"Kimmy? Iwan mo na tong shirt mo. Dadalhin ko na lang pagbalik ko" natigil ako sa iniisip ko, at napatingin sa kanya. Hawak niya yung gray kong shirt. Kaya pala ayaw niya pagamit sa akin, papaiwan pala niya.

"Ganun mo ba ko mamimiss?" Biro ko sa kanya. Hindi siya sumagot ay tumawa lang siya. Biglang may kumatok at binuksan yung pintuan.

"Kim? Tapos ka na ba magayos, nak?"  Nakangiting tanong ni Tita. Soon to be mother-in-law. Chos.

"Patapos na po tita."

"Oh sige, dalian niyo na, para mahatid ka na namin."

"Sige po tita" Sinara niya yung pintuan at nagpatuloy kami sa pagaayos.

---

"Thank you po talaga Tita, pakisabi na lang rin po kay na Ate Tishamee na salamat--"

"Pangilan mo na bang pasasalamat yan? Malakas ka sa akin eh, ikaw pa ba? Sasusunod magstay ka naman ng mas matagal, mga isang buwan" hindi ko alam kung gaano kalapad ngiti ko ngayon sa sinabi ni Tita. Isang buwan? Sa kanila? Kasama si Cyd? Tanggap na ba talaga nila ako?

"Ma!"

"Oh bakit? Para namang ayaw mo si Kim magstay sa atin, eh ayaw mo nga paalisin" nanlaki mata ni didit, nagulat sa sinabi ni Tita. Natawa ako, syempre kinikilig ako deep inside.

"Ingat ka Kim ha? Text mo ako pag nakarating ka na dun. Salamat sa pagpunta mo" hindi na pinandin ni Tita si Cyd. Since mukhang gulat na gulat pa rin siya.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon