18

288 28 1
                                    

KIM

"Kim? Huy Kim!" Napatingin ako sa nagsasalita. Nakakunot noo si Tin. Nagyaya siya, since wala naman ako gagawin, pumayag na lang ako. Mamaya pa naman yung training namin.

"Ha?" Wala na ko nasabi. Hindi ko rin maintindihan bakit ako nagiging ganito. Napapatulala sa wala sa oras. Yung may dapat akong isipin pero hindi ko alam.

"Kanina pa ko nagsasalita dito oh! May problema ba?" Nanlaki mata ko. Kanina pa pala ako ganito? Hindi ko man lang namalayan.

"Wala, wala." Ayoko naman magisip pa siya, bigyan siya ng problema na hindi niya dapat problemahin

"Kanina ka pa ganyan, kung di pa kita tatawagin kanina di mo pa ko makikita" Tama siya. Nung nagkayayaan pa lang kami, nung makikipagkita na ko sa kanya. Hindi ko man lang siya napansin na nakatayo na pala siya dun, patuloy lang ako sa paglalakad kung di pa niya ko tinawag.

"Sorry, ang dami ko lang iniisip" iniisip na hindi ko maisip isip. Hays.

"Like what? I'm here to listen naman eh" Pagaalalang sabi niya, hinawakan niya yung kamay ko, which hinila ko agad. Nagiba mukha niya.

"Tungkol lang lang sa ano...sa school. Ayoko problemahin ka pa"  nagsinungaling ako.

"Sige, basta andito lang ako ha?" Tumango ako at ngumiti bago kumain at hindi na siya tinignan.

-----

"Kim! Dba si Cyd yun?" Ha? Sht. Di ako pwede makita nun. Tinanong nila ako saan ako pupunta, sinabi ko may pupuntahan lang para may bilhin. Hindi ko sinabi na magkakasama kami ni Tin. Alam kong hindi siya matutuwa.

"Tara puntahan natin" pagyayaya niya. Agad ko hinawakan yung kamay niya. Tumingin ako sa tinuro niya, si Cyd nga at kasama niya si Kianna.

"Wag na" pagpipilit ko sa kanya. Hinila ko na siya sa ibang direksyon.

"Maghhi lang eh" hindi ko alam bakit gusto niya maghi kay Cyd. Hindi naman sa ano, pero hindi naman sila naguusap pa. Ang pagkakatanda ko lang yung nagkita sila at pinakilala ko siya, Still di ko alam kung nakita niya ba kami na nagkiss ni Tin noon.

"Bakit naman?" Nacurious naman ako agad.

"Wala naman. After all close kayo nun dba? Shiniship pa nga kayo" tumawa pa siya. Hindi ko alam kung totoo ba yung tawa niya or hindi.

"Nung una nga akala ko totoo na may something kayo, para kasing totoo talaga eh. Pero sabi ni Ye wala daw" dagdag pa niya. At nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa.

Lahat ng tao sinasabi na para bang totoo nga, na may sparks samin dalawa ni Cyd. Pero hindi naman tama na magmahal ako ng isang Teammate ko diba? 

"Meron nga ba kim?" Natigilan kami sa paglakad. Bakit siya nagtatanong ng ganyan. Umiling lang ako sa kanya habang nagpatuloy kami sa paglalakad.

KIANNA

Nakita ko si Ate Kimmy pati yung Tin. Hindi ko alam bakit kailangan ni Ate Kimmy magsinungaling pa. Sabi niya may pupuntahan lang siya at bibilhin, yun pala kasama niya yung Tin. Bakit kailangan pa niya itago yun? Napatingin ako kay Ate Cyd. Busy sa pagtingin ng watches. Buti na lang di niya nakita. Masasaktan nanaman siya. At masakit makita siyang nasasaktan.

"Oh Kianna? Ano na nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo" patawang tanong niya sa akin. May maitim bang multo? Joke.

"Wala. Nagugutom nanaman kasi ako" pagsisinungaling ko. Di ko kayang sabihin sa kanya. Last time nakita niyang magkasama yung dalawa, todo iyak na eh. Pano pa ngayon na iba yung paalam dba?

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon