34

269 18 4
                                    

KIM

Wala magawa ngayon. Andito kami ni Didit sa kwarto. Nakahiga siya sa kama, nagccellphone lang. Habang ako tinitignan siya. Hahaha.  Well, nagbabasa ako..ng tweets.

"Didit?" Alis kaya kami? The usual alis lang namin.

"Hmm?" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Busy parin siya sa phone niya.

"Nood tayo movie?" Ngayon napatingin siya sa akin at umupo.

"Kailan? Ngayon na?" Tanong niya agad.

"Oo? Di tayo magpapagabi. Treat ko"

"Sige. Pero KKB, uubusin mo allowance mo niyan eh" Ganyan talaga siya eh. Minsan magbibiro siya na ilibre siya, pero in the end siya rin magbabayad para sa kanya. Pag wala siyang dalang pera, babalik niya agad pag hawak na niya wallet niya. Kaya love ko yan eh.

"Yes! Maliligo na ko"  pagpapaalam ko sa kanya.  Katamad kasi kanina maligo.

"Dapat lang. Ang baho mo kaya!" Pangaasar niya sa akin. Grabe ang sama niya sa akin :(

Lumabas na ako, malamang naghahanap na ng damit na susuotin yun. Well wala pa ngang 10 minutes tapos na magayos yun. Hindi siya naglalagay ng make-up, well lipstick lang at syempre magkkilay if di siya tinatamad.

Pagkadaan ko sa kwarto nina Ye. Nakabukas. Aba? Hindi nagiiwan ng bukas na pintuan yung dalawang yun. Lalo na si Ara. Syempre, chismosa ako. Dahan dahan akong sumilip. Si Ye nasa may floor. Busy sa laptop niya.

As in focus talaga siya. Ano kaya ginagawa niya? Baka may report siya? Pero wala naman ni isang papel sa tabi niya o libro.

"Ye!"

"AYYY KALABAW!" Napasigaw siya agad. Sinara niya yung laptop at tumingin agad sa akin. "Kimmy! Naman oh!" Sabay kamot sa ulo niya.

"Busy na busy ah? Ano ba ginagawa mo?" Pumasok ako, nanlaki agad mata niya at sabay tago niya ng laptop. May tinatago talaga siya eh.May ano siguro sa laptop niya.

"Patingin nga nyan Ye!" Lumapit ako habang siya, talagang hawak na hawak sa laptop niya.

"Ano nangyayari dito?" Agad pumasok si Ara. "Daks, bakit napasigaw ka?" Ayan na. Yung knight in shining armor ni Ye. Tignan mo itsura ni Ye oh, nakangiti nanaman.

"Ginulat ako ni Kimmy eh!" Turo sa akin ni Ye. Parang bata magsumbong talaga to.

"Ano ba kasi ginagawa mo?" Tanong sa kanya ni Ara. Nanlaki agad mata niya. Hawak hawak pa rin yung laptop.

"Research!" Weh? Halatang gawa gawa lang niya eh.

"Research daw. Wag ka maniwala dyan! Kausap lang niya yung manliligaw niya" nandila ako kay Ye. Habang si Ara napakunot noo. Ayan na oh. Jelly jelly na si ara.

"Uy hindi no! Kimmy naman!" Napatingin sa akin si Ye. Habang si Ara nakatingin pa tin kay Yeyez

"Nako bruh, tignan mo mukha ni Ye. May iba na talaga siya" agad akong tumakbo palabas at iniwan sila. Papatayin na ko ni Ye, pag nagstay pa ko dun.

"Bakit sumigaw si Ye?" Tanong ni Majoy. Ganun kalakas sigaw ni Ye?

"Oo nga, agad nga napatakbo si Ate Ara, supposedly gumagawa siya ng snacks for us" malungkot na dagdag ni Tin. Hay nako yan si Ara, halatang halata na. Ayaw pa rin umamin kay Ye.

Porket nung biniro niya si Ye na may gusto siya sa kanya at sinabihan na siya ni Ye dati na hanggang friends lang sila, ayan. Tinatago na yung feelings niya since before. Isa rin yun sa dahilan bakit naghiwalay sila ni Bang eh. Mahal talaga niya si Ye.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon